Pages

Tuesday, August 10, 2010

Ang déjà vu ng pagsasamantala

Paumanhin sa marahil ay nahuhuling blog article na ito hinggil sa isyu sa Philippine Airlines (PAL). Sa mga nakalipas kasi na araw ay marami pa akong inasikaso. at sa mga nakalipas na araw ay nagsikap akong lumikom ng mga datos tungkol sa nasabing isyu. Sa umpisa kasi ay parang normal lang ang nangyayari sa PAL, yun pala ito ay isa ng paulit ulit nang iskema ng LUCIO TAN GROUP OF COMPANY sa pangunguna siyempre ng Philippine 2nd richest Tycoon na si Lucio Tan. Ito ay isa na pa lang paulit ulit na pagsasamantala sa mga mangagawa ng PAL.

Katapusan ng buwan ng mapabalitaan natin ang pagbibitiw sa trabaho ng 26 na piloto ng PAL. Sa mga araw na lumipas ay umani ng kontrobersiya ang pagbibitiw ng mga piloto. At ilan sa mga namumukod tanging dahilan ng kanilang pagbibitiw ay ang mababang sahod na kanilang natatanggap. At dahil nga sa naging kontrobersyal ang isyung ito ay agad ding nagpalabas ng pahayag ang pamunuan ng PAL. Ayon sa kanila ay walang dapat ipag-alala ang kanilang mga kliyente dahil normal ang kanilang operasyon at kasabay noon ay ginagawa na nila ang mga ligal na hakbang upang pabalikin ang mga pilotong nagbitiw. Ngunit matapos ang ilang araw ay hindi na naitago ng kumpanya ang implikasyon ng pagbibitiw sa trabaho ng mga piloto. Ilang araw ding halos puro kanselasyon ng kanilang mga byahe ang kanilang naranasan. At kasabay ng paglabas ng mga implikasyon ng pag-alis ng kanilang mga piloto ay ang pagsingaw din ng mga tunay na dahilan ng pagbibitiw ng mga piloto at tumitinding disgusto ng iba pang empleyado ng PAL. Sila ay matagal ng napagsasamantalahan.

Ayon sa mga pilotong nagbitiw, hindi lamang sila basta umalis dahil sa mababang sweldo. Higit pa raw dito ay ang usapin ng seguridad sa kanilang mga trabaho. Nabalitaan daw kasi nila ang bantang pagsibak sa mga empleyado ng PAL. Ika nga nila, bago pa ito mangyari ay minabuting unahan na nila ito. Dagdag pa nila, kahit mababa ang sweldo ay ayos na dahil kasama naman nila ang kanilang pamilya. Matagal na kasi silang pinupwersa ng pamunuan ng PAL na lumipat sa AirPhil Express, isang kumpanyang pagmamay-ari din ni Tan. Sila ay pinapapirma upang lumipat at kasabay nito, sila ay magiging kontrakwal na naman sa bagong kompanya.

Ang 'di kasiguraduhan sa trabaho ay nararanasan din ng ilang libo pang manggawa't empleyado ng PAL tulad ng kanilang mga flight attendants at mga cabin crew. Ngunit ang nakakalungkot ay hindi na ito bago. Ito ay tila isang déjà vu ng pagsasamantala. Nangyari na kasi ito ilang taon ng nakalipas ng paulit ulit. Tila isang déjà vu na iisa lang ang iskema at paraan pero ang dulo pa rin ay labis na eksploytasyon sa bahagi ng mga manggagawa.

Taong 1998, 5,000 sa 14,000 manggagawa ng Maintenance and Engineering Department  (MED) ang sinibak sa trabaho. At ang naging sistema, nailipat sa dayuhang kompanya  na Lufthansa TAtechnik Philippines at Macro Asia Airport Services sa pakikipagkasundo na rin ni Lucio Tan.  dahil dito mula sa kanilang regular na katuyuan, kontraktuwal ang kinabagsakan ng mga empleyado. Lingid pa sa kaalaman ng mga manggagawang nasibak , pag-aari rin ni Tan ang Macro Asia. Ito ilegal na spinoff o outsourcing.

Dagdag pa,  itong nakaraang Abril lamang ay nakatanggap ang mga empleyado ng PAL na bahagi ng departamentong humahawak ng airport services, in-flight catering, at call center reservations ng notice of termination sa bisa na rin ng isang memorandum na inilabas ng PAL noong Setyembre 2009. Ang nasabing memorandum ay nagsasaad na ang kompanya ay may balak mag-outsource (sa kompanyang maaaring pagmamay-ari pa rin ni Tan). At ito ay sinasabing makakaapekto sa halos 2,600 manggagawa’t empleyado. 

Ang tanggalan sa PAL at ang kanilang mababang pasahod ay binibigyan nila ng katuturan sa pagsasabing sila ay nalulugi o yung paulit ulit nilang pahayag na "losses being incurred by PAL". Ito raw ang dahilan. Ngunit ito ay pawang kasinungalingan lamang. Hindi pagkalugi ang tunay na dahilan ng sapilitan pagpapalipat sa mga empleyado nila kundi ang pagpasok ng kompanya sa pagpapalawak (expansion). Ito ang dahilan ng kanilang cost cutting at labis labis pa na eksploytasyon sa kanilang mga manggagawa.

Pasisinungalingan din ng performance ng kompanya ang sinasabi nilang pagkalugi. Ayon kay Bong Labog ng Kilusang Mayu Uno, halos  P369.58 milyon ang kinita ng kompanya at P81.24 ang kabuuan nitong assets noong nakaraang taon. Ayon din mismo sa tagapagsalita ng PAL na si Cielo Villaluna ang kompanya ay umaasang makakatipid ng mula  P500 million hanggang P1 billion dahil sa buwanan nitong pagbabawas sa sahod ng mga manggagawa nito dahil na rin sa iskemang spin-off at outsourcing na ginagawa ng kompanya.

Dagdag pa, mula 2007 hanggang March 2009, nakatanggap ang PAL ng siyam Airbus aircraft Taong 2008 naman ng bumili ang kompanya ng dagdag na dalawang Airbus na ihahatid sa susunod na taon. Taong 2009, ay nakatanggap ang PAL ng di-bababa sa apat na Boeing aircraft. Nagmay-ari din ang PAL ng kabuuang walong Bombardier aircraft mula  2008 hanggang 2009.
Ito ba ang sinasabi nilang pagkalugi? O ito ay labis na pagkaganid sa yaman. Sa totoo lang, sa yaman ni Tan, hindi ko na alam kung anong yaman pa ba ang gusto nito. Isa pa, hindi ba marunong tumanaw ng utang na loob si Tan sa manggagawa na lumikha ng yamang tinatamasa niya ngayon. Hindi ba niya kayang igalang ang batayang karapatan ng kanyang mga manggagawa tulad ng makatarungang pasahod at seguridad sa trabaho? Ito lang naman ang hinhiniling ng kanyang mga manggagawa. at ito ay makatarungan. Makatarungan kaysa sa mga ligal at sistematikong iskema ng pagsasamantala ng mga lokal na kapitalista sa kanilang mga manggagawa.

Ngunit imbes na ibigay sa mga manggagawa ang mga pangangailangan nito, patuloy pa rin na nagpapatupad ang pamunuan ng PAL ng mga anti.manggagawang polisiya tulad ng forced retirement sa edad na 40 para sa kababaihan at 45 naman sa kalalakihan. Sabi nga ng isa nilang flight attendant sa isang interview, ang ganitong polisiya ay labis nilang kinalulungkot, ika niya, ang ganoong edad ay masyado pang bata para pagbitiwin at kaugnay nito ang ganito ring edad ay masyado ng matanda para naman magsimulang muli. Nakuha ko agad ang punto niya. Para sa kanya at iba pang kasamahan niya, pag sila ay pinagbitiw sa ganoong edad ay mahihirapan na silang makapaghanap ng bagong trabaho para buhayin ang kanilang mga pamilya. Hindi rin naman daw nila maaasahan ang retirement benifits na maari nilang matanggap. At tulad din ng sinasabi ng iba pang mga empleyado ng PAL, higit pa sa mga benipisyo at mataas na sahod (na hindi naman ganoon kataas) ay ang pag-aasam nila para sa seguridad sa trabaho. Na kahit tumanda na sila ay may maasahan pa rin silang ipangbubuhay sa kani-kanilang mga pamilya. Ang nangyayari kasi ngayon, matapos ang ilang dekadang pagtatrabaho ng mga manggagawa ng PAL, ay nais silang ibalik sa katayuang kontrakwal at ng sa ganon ay bababa din ang kanilang pasahod.  Ito ay labis na pagsasamantala sa bahagi ng mga manggagawa.

Ito ang masalimuot na kalagayan ng mga manggawa ng PAL at ng iba pang manggagawang pinagsasamantalahan ng mga may-ari ng kompanya. Nakakalungkot pa nga na yung ibang tao ay walang simpatya sa kalagayan nila. Ayon kasi sa mga naririnig kong komento mula sa mga talakayan sa kalsada at eskinita, abusado naman daw ang mga pilotong ito.  Pero iilan lang naman sila. Dagdag pa nila, wala raw utang na loob ang mga ito dahil matapos silang gastusan ng PAL para makapag-aral ay ito pa raw ang gagawin nila dahil lang sa "mas mataas" na sahod. Naiintindihan ko ang kanilang palagay-- ang kanilang opinyon. Ito ay epekto na rin kung paano ibinabalita ng media ang nasabing isyu lalo na ngayon na nakaposisyon ang Malakanyang sa panig ng PAL. Kabaliktaran ng kanyang mga pangako (P-Noy) na mamamayan ang "boss" niya heto na siya at mas kinakampihan ang mga malalaking burgesya komprador tulad ni Tan. At hindi nagkamali ang mga kaliwa, si Noynoy ay para sa mga makapangyarihan at hindi para sa mamamayan. Sa ganitong sitwasyon, ito ang panahon para patunayan ang mga pangako ng pangulo. Simple lang ang lohika ng lahat: ang mga manggagawa ang lumilikha ng yaman, sila ang nag-aalay ng lakas paggawa para sa ekonomiya ng bansa at ng buong mundo. At sa panahon na sila ay pinagsasamantalahan, sila ang mas may karapatan umani ng suporta at hindi ang mayayamang lokal na kapitalista na nakikinabang lamang sa yamang nilikha ng kasipagan ng kanilang mga manggagawa.

“You give almost all your life working for PAL, then all of a sudden they write to tell you you are already laid-off,” 

-pahayag sa bulatlat ng isang supervisor sa PAL na nagtatrabaho
na sa kompanya sa loob ng 35 taon


Piket ng mga manggagawa ng PAL sa Department of Labor and
Employment. Sa kaliwa, si Wilfredo Bermejo. Sa kanan, si Rafael
dela Cruz, tagapangulo ng tsapter ng Anakpawis sa PAL.
(Photo courtesy of Ilang-Ilang Quijano of Pinoy Weekly)
Datos nalikom mula sa:
Pinoy Weekly
Bulatlat
Inquirer
ABS-CBN
GMA 7

4 comments:

  1. ito ang isang malinaw na resulta ng contractualization na pinatupad ng mga naging pangulo, at hanggang ngayon ay mukhang ipagpapatuloy ni Pnoy.

    CONTRACTUALIZATION!!!! IBASURA!!!

    ReplyDelete
  2. Who Moved My Cheese?August 10, 2010 at 3:19 AM

    May tatlong klase ng tao sa kwento na 'to - una, ang abusadong employer. Hindi ko alam ang hirap ni Lucio Tan para marating ang estado nya ngayon sa lipunan, kung meron man. Isa syang negosyante na kailangang palaguin ang kita ng kanyang negosyo habang bitbit nito ang karangalan ng watawat sa pagsisilbi sa bayan. Kaya lang... puro sarili na lang ata nya ang iniisip, decor na lang yung pangalawang layunin. Nakalimutan na ata nya na kasama nya sa tagumpay ang mga mangagawa na bukod sa naglalaan ng oras sa trabaho, eh binubuhos din ang talento para mapagbuti ang serbisyo.
    Pangalawang klase, eto yung mga empleyado na sa kabila ng paninilbihan sa kumpanya sa loob ng mahabang panahon eh basta na lamang iiwan sa ere. Masakit ang mapunta sa ganitong kalagayan, lalo na kung hindi ka handa - wala kang alam na ibang alternatibo, wala kang fallback o kaya ayaw mo ng magbago. Masasabi ko sa mga empleyadong 'to bilang suporta, tanggapin ang katotohanan na kailangan ng magbago. Tanggapin natin ang katotohanan na paglipas ng edad na 40, kusa na tayong pa-aalisin. Hindi lang trabaho ang pwedeng bumuhay sa 'tin, umipsa pa lang ng tenureship mo sa kumpanya, alam mo na ang mangyayari pagdating ng panahon, paghandaan mo na ito. Hindi lang trabaho ang pwedeng bumuhay sa 'tin, nariyan ang negosyo. Mentalidad na kasi nating mga Pilipino na trabaho ang bubuhay sa'tin. Ang mga intsik na tulad ni Tan, pinalaki sila para sa mentalidad na negosyo ang mag-aangat sa kanila, ang siyang sisiguro sa kinabukasan nila. Tingin ko, eto ang unang kailangan ng Pilipinas, negosyo kesa trabaho dahil trabaho ay nililikha lang ng negosyo.
    Pangatlong klase, sila yung mga piloto na na-sense na ang mga pagbabagong mangyayare. Sila ang mga taong gumawa ng solusyon bago pa man ang problema. Hanga ako sa kanila, kahit na kailangan nilang iwan ang responsibilidad nila sa kumpanya at sa mga taong umaasa sa serbisyo nito, they just made sacrifices. PAL cannot expect loyalty from these pilots when in the first place, they were the ones who betrayed their employees.
    Sana makamit ng ikalawa at ikatlong karakter ang para sa kanila na ipinagkakait ng una. Pero sana hindi rin sila mapako sa paghingi lang ng katarungan.
    Change happens... so anticipate change... monitor change... adapt to change quickly... and CHANGE. If You Do Not Change, You Can Become Extinct. (mga linya mula sa Who Moved my Cheese? ni Spencer Johnson)

    ReplyDelete
  3. Ang galing ng comment mo (who made my cheese) pero may ilan lang akong gutong ipunto.

    tulad ng sinasabi mong dapat paghandaan na nila ang pagtanggal sa kanila. yeah right. tama ito pero mas maganda sana kung suggest na lang natin na, ILABAN NILA ANG KARAPATAN NILA SA SEGURIDAD SA TRABAHO HABANG HINDI PA SILA TINATANGGAL. tandaan mo, ito ay karapatan nila. though tama din na dapat paghandaan nila ito dahil nga sa ito ang nangyayari.

    Tama din ang sinabi mong dapat lumikha ng negosyo pero dapat ito ay sa porma ng sosyalismo. hindi kanyan kanya. Sa porma ng kooperatiba hindi sari-sarili at ito ay maganda sa panahon na may pambansang industriyalisayon na. hindi yung maraming negosyo sa bansa pero hindi naman para sa bansa o mula sa pilipino kundi sa dayuhan.

    salamat sa comment!!! salamat sa pagbira kay TAN! hehehe

    ReplyDelete
  4. wow ang galing..anakpawis philippine airlines chapter..ang tunay na partylist ng masang manggagawa amgsasaka at maralita....

    ReplyDelete

Please do not forget to have your identity. After commenting, you may share this. Thanks! Apir!