Pages

Tuesday, September 7, 2010

Facebook apps virus?

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa facebook pero kaninang hapon ay biglang may nagpadala sa akin ng message thru chat box about sa isang video kung saan nandun daw ako. Ito yung message niya:

"Hey Jaime, what are you doing in this video? LOL No comment! apps.facebook.com/friendvidti/"

Sinubukan kong puntahan yung link kaso biglang nag-warn ang firefox na may malware something daw yung link o yung address na yun at it will be very dangerous to continue. Hindi ko masyadong naitindihan yung mga nag-pop out na message at hindi ko rin masyadong inintindi dahil akala ko ay ano lang. Pero may mga natandaan akong salita na nabasa ko sa mga mensahe na iyon. Nandun yung facebook applications, malware detection, get me out of here atbp na nagsasabing mapanganib para tumuloy sa site na iyon dahil sa ito ay hindi lehitmong site o meron daw something that is untrusted ekek.


Hindi ko ito pinansin kasi akala ko ay applications lang.  Hindi naman ako mahilig sa mga applications sa FB kaya nga konting apps lang ang naka-activate sa account ko. Kaso biglang nag-chat sa akin ang isang personal na kaibigan na ganon din ang mensahe. Sinubukan kong replyan at tanungin kung ano ba iyon kaso ay bigla naman siyang nag-offline. Ilang beses itong nangyari, nag-chachat siya pero offline naman.

Ngayong gabi lang ay nag-message siyang muli ng isang personal na mensahe kaya nagkaroon ako ng pagkakataong tanungin siya kung para saan yung ini-spam nya. At mabilis ang naging tugon niya. "Hindi ko nga alam, marami na ding nagpadala ng comment sa account ko at naiinis, sinabi ko na lang na hindi ako online kanina at hindi ako ang nagpapadala nun". Ibigsabihin, malinaw na ito ay spam message lang. Ang problema ay kapag in-open mo ang link na ito ay mako-corrupt na rin ang buong account mo. Hindi ko alam pero sinabi sa akin ng kaibigan kong iyon na nasira daw account niya dahil doon. Hindi ko alam kung paanong sira ang ibig niyang sabihin. At dahil sa nasira nga ito, binura niya ang account niya at nagpalit ng bago! Nakakapanghinayang lang dahil halos 700 na ang kanyang FB buddies at mahirap iyon ipuning muli. Pati yung mga photos, videos atbp na uploaded sa account na iyon ay balewala na. Pero ang nakakatawa, kahit deactivated na yung account ay patuloy pa rin itong nagpapadala ng spam message kaya patuloy pa rin akong nag-aabang dito. Hehe

Minarapat kong i-blog agad ito ng sa ganon ay mabalaan agad ang maraming facebook user hinggil dito. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano tatwagin ito. Ito ba ay virus o malfunction sa applications, o applications para magpalaganp ng virus or hacking ba ito. I really don't know. Ang tumpak lang ay nakakasira ito ng account ng kahit sino ng hindi mo alam kung paano. At sa akin bilang certified FB addict at may halos 1400 ng friends dito ay sadyang 'di magiging kaaya-aya na masira ang account ko dahil dito. Lalo na at malaki ang pakinabang ng FB account ko para sa gawaing propaganda!

Sa mga nakaranas na nito ay maaari kayong maglagay ng komento hinggil dito at ikwento kung ano'ng nangyari sa inyong account dahil dito. At sa mga maalam naman sa ganitong usapin, sa mga computer geek sana ay mag-iwan kayo ng mensahe para ipaliwanag kung ano ito, paano ito nangyayari at anong dapat gawin. Salamat. Sana rin ay mayroong mag-translate ng blogpost na ito sa english ng sa ganon ay mas marami pang makabasa sa buong mundo na gumagamit ng facebook at maaaring maging biktima din nito!

10 comments:

  1. ,,hmmm, meron din palang ganito sa fb?, though my experience was the same, it happened to me on ym.. when I signed in, one of my friend pm me and said that I should try this link, I didn't open it as I'm not that interested in those kinds of things, but then again another friend of mine pm me and had the same message, I was bewildered but then again I didn't give much attention to it and I still did not even peep at the site!, but then 2 of my friends pm me and had the EXACT message and the same sequence of replies though mine were inconsistent, like all of them would at first say, "Hey I tried on this quiz, and I got this score blah blah blah", but I replied to one "nah, pass, I'm kinda busy", and on the other one "what's with this link everyone's fascinated about?", then all of them had the EXACT reply...I suspected that it was a malware, so I immediately logged off and didn't, even a bit, gave any concern on to it!, I suggest you guys use or install powerful anti virus (though irritating since there are many hindrances one most sites), but then again its worth it :)

    ReplyDelete
  2. hello, i clicked this link, and now nag sesend na ko ng ganun na message, i reported this thing on fb, sana lang mapansin nila... i read that you should delete the app from your app list but it turns out na wala naman sya sa list ko, currently, i am offline sa fb chat, coz i'm hoping na hindi na sya mag sesend ng messages... i hope fb team will have a response for this today...

    ReplyDelete
  3. AKALA NG MGA FRIENDS KO SA FB NA HACK KO SILA WALA NAMAN AKONG KINALAMAN,INA AMIN KO HACKER AKO PERO HINDI AKO BLACK HAT HACKER..ALVIN

    ReplyDelete
  4. Nakabahala naman parami ng parami ang nagiging biktima nito. Kaso hanggang ngayon ay hindi pa rin natin kung ano ito. Wala pa ring statement o warning ang facebook admin. Tsk

    ReplyDelete
  5. Lahat ba ng nabiktima nito eh one time or another ay nag-open ng fb accounts nila sa mga internet cafes?

    ReplyDelete
  6. Ganito yung nangyari sa iba, nag-online sila sa isang internet cafe then nag-log out paglipas ng ilang minuto ay nagsend na ng nagsend yung spam message na tinutukoy ko sa kwento sa pamamagitan ng account nila. Ibigsabihin, hindi sila nag-click o napadalhan ng link ng kung anuman. Wala silang alam.

    Yung iba naman ay napadalhan ng message at inopen since parang personalize yung msg dahil may name at klinik (click) yung link then hindi naman sila nag-continue sa link pero affected (infected ba?)na sila. Nagsimula na ring mag-spam yung account nila kapag offline na sila.

    Yung iba naman ay napadalhan ng link pero hindi pinansin pero affected na. At yung iba na malala e tinuloy tuloy yung pag visit sa link kaya todo sira ang nangyari sa account nila.

    Ang nakakatuwa pa ay kahit deactivated na yung account ay nag-sspam pa rin haha

    ReplyDelete
  7. yong bagong virus sa fb yong kapareho din pero ringtone..spam na ito sa fb,na report na pero itong "apps.facebook.com/friendvidti/" hindi parin blocked sa fb ang link bakit kaya????

    ReplyDelete
  8. Wow, dami nagrereact na Hacker ah. Guilty o natatakot na pagbuntungan ng galit. hehehe ayos yan mga brad!

    @Alvin, oo hindi pa rin siya bina-block tsk

    ReplyDelete
  9. Sa akin ang matindi tlagang block na fb sa com ko....sabi sa fb...Unfortunately, your computer may be infected with a virus.
    Don't worry. We'll help you find and remove any infected files right away.
    ang natatandaan ko lang may isang frnd sa notification ko nag share "who view your wall ba yon" basta na click ko yung notification try kong ikansel pro paulit ulit lumalabas yung box..

    ReplyDelete
  10. "Unfortunately, your computer may be infected with a virus.
    Don't worry. We'll help you find and remove any infected files right away."...kahit na anong acct. it means na fb na mismo ang blocked sa com. ko..wla akong matandaan na nagclick ng kahit na anong application...malamang ung mga nakaharang sa wall na mga box ng kung anu anong advertisement ang dahilan nito

    ReplyDelete

Please do not forget to have your identity. After commenting, you may share this. Thanks! Apir!