Pages

Friday, March 18, 2011

"Torture video" ng AFP, pinaiimbestigahan

Pinaiimbestigahan ng grupong Bagong Alyansang Makabayan ang kumakalat na bidyo sa mga social networking sites na nagpapakita ng umano'y mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines training recruits habang pinahihirapan.

Ang mga bidyo ay inilabas ng isang underground video group na Isnayp sa kanilang opisyal na website noong Ika-labing pito ng Marso. Ayon sa Isnayp, ang bidyo ay ibinigay sa National Democratic Front- Bicol ng mga sundalo ng 9th Infantry Division Philippine Army  na nakabase sa Kuta Elias Angeles, Pili, Camarines Sur bilang protesta sa umano’y pang-aabuso at pagmamaltrato sa kanila ng training unit ng 9th IDPA.

Video grab mula sa Isnayp
"The following video exposes various types of torture inflicted by the 9th IDPA Training Unit on the trainees. According to the upset soldiers who submitted the video, the extremely cruel exercises supposedly prepares the trainees in the eventualities that they will be captured by red fighters of the New People's Army. However, the 9th IDPA Training Unit's indoctrination is the exact opposite of the NPA's policies. Moreso, former prisoners of war of the NPA attest to the NPA's humane treatment of captives and adherence to international humanitarian law," pahayag ng Isnayp sa kanilang website.

Ayon naman kay Renato Reyes, Jr., tagapagsalita ng Bayan, nararapat na kilalanin at pagpaliwanagin ang mga taong sangkot sa video. Aniya, ang commanding general ng 9th IDPA maging ang pinuno ng 9th ID training unit ay nararapat na maimbestigahan hinggil sa 'di makataong pagtrato sa mga training recruit ng Philippine Army.


Kodao Productions. Jaime Sanone de Guzman

Ang mga bidyo na inyong mapapanood ay lubhang sensitibo.


 

11 comments:

  1. INHUMANE!!!!! SHAME ON THEM!!!!

    ReplyDelete
  2. kayo ang dapat bitayin!!

    ReplyDelete
  3. Suss part lng yan ng training d masakit ang pmpalo dhil light material lng yan..Its jst a scene na kunwari ganon..At bakit nbabahala ang mga Cause Oriented grps na dapat hapy pa sila dhil ma dediscredit dto ang AFP.Ito ay pamaraan ng mga makaliwa na grupo upang sabihin na silay ngmalasakit sa tao.Doon nila ito ssabihin sa lolo nila...

    ReplyDelete
  4. Ginawa niyo mga hayop ang mga trainees niyo, walang mga puso,no wonder gumaganti ang mga bagong recruits dahil sa pinagdaanan nila.
    Mga officials ng military alam niyo ba ito, dapat kayo ang bitayin, mga walanghiya. Magbago naman kayo ng approach! Its too much to bear!

    ReplyDelete
  5. Alagad ng bayan ba? ganyan pala. :P

    ReplyDelete
  6. Anal ng tokwa nman mga dre di pa nga kayo tapos sa unang isyu eto nnman? una pulis tapos kayo. "MAGKABARO" nga kayo mga bwiset!

    ReplyDelete
  7. normal lng poh yan kc 3ne yan eh..wala pa nga yan sa 3ne ng mga marines eh..dapat kc wg ntn pangunahan ang afp kng mali sna gnagaw nla dpat wala ng army gusto pumasok kz mhirap yun pg3ne..tsaka kng talagang mhrap ang 3ne dapat mrami ng ngsilayasan sa afp...wag nman kau masyado mpaghusga sa nk2ta nyu...

    ReplyDelete
  8. part ng training yan.. d naman hazing yan eh.. at tsaka wla pang namamatay dyan.. mas marami pang namamatay sa hazing ng APO, TAU GAMMA at sa iba pang fraternities.. simulation ng lng yan, kunwari na POW cla. propaganda na naman ng CPP-NDF yan, para guluhin ang AFP at para ma-uto ang taong bayan na uto-uto at madaling maloko.. may Humane treatment ba sa mga ni-landmine ng NPA? kun sabagay paano nga naman ma treat ng humane kung wasak2x na ang katawan.

    ReplyDelete
  9. kung ako nandyan aagaw ako ng m16 raratratin ko lahat ng mga kupal dyan bahala na mamatay kung mamatay.. no wonder kya walang asenso ang bansa

    ReplyDelete
  10. wala kyung awa dapat di nyo gawin pero ginagawa nyo

    ReplyDelete
  11. A motivating discussion is definitely worth comment. I do believe that you should write more about this subject matter, it might not
    be a taboo subject but typically folks don't talk about these subjects. To the next! All the best!!
    my webpage > business

    ReplyDelete

Please do not forget to have your identity. After commenting, you may share this. Thanks! Apir!