Sabi nga ng K.M 64 sa pamamagitan ng kanilang account sa facebook na K.m Poetry, sa pinakahuling mga pag-aaral, sinasabing ang memory ng isang goldfish ay umaabot lamang sa tatlong buwan (lampas pa ang 100 araw). Ang lahat ng mangyayari pagkatapos ng tatlong buwan ay magiging panibagong mga alaala.
At sa nalalapit na ika-100 araw ng pamumuno ni Pangulong Aquino ay nababahala akong maging tulad ng isang goldfish ang karamihan dahil sa nakakasilaw na dilaw na tabing na bitbit niya. Nakakatakot na baka pagkalipas ng 100 araw ay makalimutan na ng iba ang mga nangyari sa atin ng mga nakaraang buwan. Ang pagkakahuli ng mga walang-hiyang gumagamit ng wang-wang, ang star-studded inauguration at State of the Nation Address ni P-Noy, ang paghihiwalay ni Kris at James Yap, ang mga aktibistang pinatay sa unang linggo ni Aquino sa Malakanyang, ang kapalpakan sa Hostage-taking crisis sa Luneta, ang pag-iwas ng mahal nating pangulo sa isyu ng Hacienda Luisita, korapsyon sa MWSS, demolisyon sa North triangle, at ang makasaysayang pagbisita ni Pangulong Benigno Aquino III sa Amerika at marami pang iba.