Pages

Tuesday, June 22, 2010

Klasmeyt, Sexmate!

"Bata, Bata, Paano ka ba gagawin?"
-Liet

Isa sa mga standing issues ng sektor ng edukasyon, simbahan, ng pamahalaan  at ng bayan ay ang usapin ng pagsama sa sex education sa isa mga dapat nang ituro sa loob ng eskwelahan. Tamang tama nga at napanood ko (sa di ko na agad matandaang petsa) ang dokumentaryo ng ABS-CBN na tumalakay sa nasabing isyu. Hindi ko na rin maalala kung sino yung documentarist. Pagkatapos kasi ng araw na iyon ay napakadami na uling ginawa at pinuntahan. Pero 'wag kayong mag-alala dahil naintindihan ko naman ito ng lubos at sa katunayan pa nga nyan ay nag-notes pa ako. Naintindihan ko s'ya higit pa sa pagkakaintindi ko sa sex.

Sa totoo lang, isa sa mga ginusto at hiniling ko noong bata ako ay ang pagkakaroon ng sex education sa subject namin at aaminin ko, ito ay hindi para responsble kong alamin ang mga bagay hinggil dito. Ang kagustuhan kong iyon ay bunga pa rin syempre ng pag-asam ko na mapag-usapan ang iba't ibang isyu sa pakikipagtalik. Yung mga isyu sa pakikipag-sex at marami akong tanong na nais linawin mula sa mga napapagkwentuhan naming magkakaibigan, mga napapanood mula sa TV hanggang sa mga CDs ng muslim atbp. Yun lang. Sa madaling salita ay ninais ko lang na magkaroon naman kahit konting libog sa klase. Yun 'yung pangunahing layunin ko kung bakit ginusto ko at matagal kong hinintay na maisama nga ito sa subject namin. Pero sa kasamaang palad ay hindi naman naituloy. Grumadweyt na ako lahat lahat ay wala pa rin. Marami kasing tumutol, pangunahin na nga ang simbahan.


At ngayong naiintindihan ko na kahit paano ang "makamundong" buhay ng tao, naisip ko, buti pala at hindi iyon naisama. Mabuti at wala pang sex education noon. Mabuti at hindi 'yun naituloy dahil kung nagkaganon, marahil ay marami na akong anak at marahil ay napariwara na ako (may exaggeration na dito). But kidding aside, totoo na naisip kong hindi mabuting ituloy ito. Dahil para sa akin, ang usapin ng pagtuturo ng sex sa mga estudyante ay hindi lamang usapin ng kakayanan ng mga guro para ituro ito kundi malaking usapin din dito laganap na kultura sa ating bansa!

Ayon kay Sec. Mona Valisno ng Department of Education, napapanahon na daw ang pagtuturo nito dahil sa ilang datos na nalikom nila tulad ng pagtaas ng drop out rate dahil sa pagtaas din ng bilang ng kaso teenage pregnancy. At ito ay dahil di-umano sa kawalan ng sapat na kaalaman ng mga kabataan tungkol sa "sex.

Tunay nga na lumalala na ang kalagayan ng mga kabataan hinggil sa isyu ng maagang pagbubuntis. Ayon kasi sa DepEd, 3 sa 10 na may gulang 15 hanggang 24 taong gulang na ang nakakaranas ng pre-marital sex. At 43% o halos kalahati di-umano ng mga kaso ng pagtigil ng mga bata sa eskwela (drop-out rate) ay bunga ng teenage pregancy. Ito ang kalunos lunos na kalagayan ng ating bansa. Makikita mo naman ito sa bawat komunidad. Napakaraming kabataan talaga ang lango sa bisyo ng pakikipagtalik sa mga kapwa din nila kabataan. Laganap din ang prostitusyon. Pero kawalan nga lang ba talaga ng kaalaman sa pakikipagtalik o sex sa kabuuhan ang may kagagawan nito?

Ayon sa DepEd ang sex education ay hindi gagawing hiwalay na subject, bagkus ito ay isasama lamang sa mga subject tulad ng english, science, physical education at health. At sa  pamamagitan ng mga basic subjects na ito ay ipapamulat sa mga kabataan ang responsableng pakikipagtalik at iba pang usapin hinggil dito. Kung tutuusin ay maganda naman at tumpak naman ang inilalahad na kalagayan ng DepEd. Naisip ko nga lang na tila  magiging inutil din naman ang sex education kung walang magandang sistema sa edukasyon. Kung yung sistema mismo ay hindi maayos. Ang usaping "sex" kasi ay sensitibo at nararapat na maituro sa tamang pamamaraan.  Hindi ito tulad ng ibang mga subject na kapag sa mahabang panahon ay mali pala ang naituturo mo ay pwede kang magpalabas ng mga erata. Hindi dito pwede ang corrections. Bawat aral kasi dito ay maisasapraktika agad ng mga estudyante. Ang problema pa, kung yung mga basic subjects nga ay hindi mapag-igihan paano pa kaya yung tungkol sa ganitong bagay? Maaari pa ito maging dagdag na problema lang kung walang maayos na sistema sa pagtuturo nito.  At paano naman magkakaroon ng maayos na sistema sa pagtuturo kung unang-una ay wala ka namang kongkretong plano sa kung paano ang pamamaraan ng pagtuturo dito. Pangalawa ay wala naman komprehensibong konsultasyon sa iba't ibang sektor ng lipunan lalo na sa mga magulang na siya din namang pangunahing magpapamulat ng mga bagay na iyon at sila din namang pangunahing sasalo sa lahat ng komplikasyon nito. Pangatlo ay wala namang sapat ng badyet para dito at pinakahuli ay ang ambag ng dekadenteng kulturang laganap sa mga kabataan.


Isa kasi sa malaking may ambag sa kalagayang ito ng kabataan ay ang kulturang  pinalalaganap gamit ang iba't ibang anyo ng media at platform. Halimbawa ay ang palabas tulad ng Ruby , Tempatation Island, PBB, Take Me Out, Eva Fonda at marami pang iba na punong puno ng kahalayan at sobra sobrang kadekandentehang walang ibang ibunubunga kundi ang kapusukan ng mga kabataan. Isa mismo ako sa biktima nito. At dahil sa mga ito, walang ibang choice ang kabataan kundi maging mapusok sa mga bagay na ito. Nakikita nila kaya dapat gayahin. Isa pa, maidagdag ko lang, ang pormalidad ng sex education ay pagbubukas lang din ng posibilidad ng mas maaga nilang involvement sa sex. Dahil imbes na realization at knowledge ang makukuha nila ay curiousity lang lilikhain nito. At dahil nga sa mapusok ang mga bata, maaari ding matuloy ang lahat sa mga 'di inaasahang bagay. S'yempre akala nila alam na nila lahat.  At kahit ituro mo yung tungkol sa paano nabubuo ang bata, paano ang paggamit ng mga proteksyon, ano ang mga sakit na pwede nilang makuha, ano yung mga dapat ay hindi pa nila dapat ginagawa, lahat ng iyan ay walang silbi kung sa paglabas naman nila ng paaralan ay laganap ang nagbebenta ng mga pornographic materials, uso ang mga hubad na artista sa mga billboard, walang pakundangang commercial hinggil sa pagiging cool ng sex, mga babasahing bastos na dati ay para lamang sa mga lalaki ngayon pati kababaihan meron na din. Mga laganap na pelikula at palabas. At sa kalagayang ito, ngayon pa lang, masasabi na nating magiging inutil lang lahat ng effort natin para magkaroon ng sex education. Parang kung paano natin nais ipaliwanag sa kabataan na huwag magyosi. Kahit takutin mo yan sa mga sakit na pwede nilang makuha sa pagyoyosi, wala silang paki. Yun kasi ang kultura. Ang pinapalaganap ay dapat tayong mag-yosi! Yun ang uso. Yun ang iin". Yung ang kalakaran! Hindi din naman sinsero ang gobyerno para tugunan ang mga ito. Halimbawa na lang ay sa isyu ng pagyoyosi, napakaraming magagandang probisyon ang nakasaad sa R.A 9211 para mapigilan ang mga kabataan sa pagkalulong sa paninigarilyo. Tulad ng pagbabawal sa pagbebenta nito sa mga menor de edad, pagbabawal sa pagbebenta ng mga sigarilyo malapit sa mga eskwelahan, paninigarilyo sa pampublikong lugar at marami pa. Kaso ang di ko lang maintindihan, sa pagnanais nating protektahan ang kabataan mula dito eh bakit kasi hindi pa ipagbawal sa sigarilyo? KUNG BAWAL ANG SIGARILYO, WALA NG KAILANGAN PANG PAG-USAPAN! Ibigsabihin, walang kaseryosohan ang gobyerno para magpatupad ng mga kauukulang polisiya para dito at mas mahalaga higit sa lahat ang interes ng mga negosyanteng nagmamay-ari ng malalaking plantasyon ng tabako kaysa sa kalusugan ng kabataan. Parang istupido nga tayo na nakalagay pa sa bawat pakete ng sigarilyo: CIGARETTE SMOKING IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH, pero ibinebenta naman natin.

Ganon din sa sex education, ituturo mo nga yan pero iba naman ang nakikita sa realidad ng mga kabataan, wala din. Sayang ang perang gagamitin at baka lalo pang mapahamak ang mga kabataan. Baka nga maging gatasan pa ito ng mga nasa gobyerno. Korapsyon na naman ang kalalabasan nito.

Sa wakas, wala naman ako sa posisyon na huwag magkaroon ng sex education, mahalaga ito. Ang tatandaan lang natin na mas mahalagang maipamulat ito higit pa sa maituro  lang ang mga ganitong usapin.

19 comments:

  1. walang akong ibang masabi kundi tama ka kuya!

    ReplyDelete
  2. tama ka jan.simpleng pagtuturo sa kumplekadong agenda.e teachers nga nd nla maibigay ung sahod nla,panu n sa pagtuturo pa nla.gngwang kumplekado lang.

    ReplyDelete
  3. Clap. Clap.

    Totoong malaki ang impak ng kulturang namamayani ngaun.

    ReplyDelete
  4. @paul and graydpayb, salamat sa comment... hehehe. tama, walang maayos na sahod ang mga kaguruan tapos isasabak na naman nila sa kumplikadaong task, tapos bandang dulo, sila pa masisisi.

    anyway, sana ma-ishare nyo din sa iba ito kahit thru facebook. tapos, sana sa susunod eh iwan kau ng email nyo para ma-contact kp pa rin kayo. salamat!

    ReplyDelete
    Replies
    1. un nga ang problma s ating pamahalaan...mdling mg impliment pero ung kailangn ng mammayan lalong lalo n ang ating mga butihing mga guro d nila maibgy agad agad...just contact in my number ito p 09297067821

      Delete
  5. tama. ganyan din ang pananaw ko sa usaping yan. hindi talaga dapat ituro ang sex eduacation dahil lang sa laganap ang premarital sex. maraming inosenteng bata ang mamumulat sa mga bagay na dapat ay di pa nila malaman. curiosity will occur in their minds kaya mas malaki ang possibility na lumala lang ang problema. *apir jaime!

    ReplyDelete
  6. @monica, salamat sa comment, tama kaso mukhang itutuloy ito ng DEPed ahehehe. anyay,sana mai-share ito ng mai-share. apir!!!

    ReplyDelete
  7. HONESTLY di naman aq against sa SEX EDUCATION na gustong mangyari ng DEPED,,, Kaya lang bakit hindi na lang kaya ibang bagay o ibang aspeto sa edukasyon ang mas bigyan nila ng pansin at prayoridad..... alam naman nating lahat na isa ang PILIPINAS sa mga bansang may pinakamababang LITERACY RATE sa buong mundo....kung isasama ba ang ganitong asignatura sa kasalukuyan eh maiaangat ba nito ang lugmok na nating kamangmangan lalo n ng mga kabataan sa kasalukuyan....HINDI NAMAN DI BA?.......Hindi ito solusyon bagkus magiging dahilan pa ito ng mas maraming kriminalidad n nangyayari ngayon sa ating MAGULONG LIPUNAN.....BAKIT SA HALIP NA UNAHIN ANG GANITONG UASAPIN NG DEP ED EH HINDI N LANG NILA BIGYAN NG SUPURTA{NARARAPAT AT SAPAT NA SUPORTA MORAL AT FINANCIAL ANG MGA KABATAANG OUT OF SCHOOL YOUTH NA MAY MGA NATATANGING KAKAYAHAN SA IBAT IBANG LARANGAN N MAG AANGAT SA ATING LAHING PILIPINO.....HINDI YONG MAGPAPANUKALA SILA NG MGA AKTIBIDADES NA LALONG SISIRA SA REPUTASYON AT DANGAL NATING MGA PILIPINO!!!!! HUH.... AYON LANG SHARE LANG.........NAMAN/

    ReplyDelete
  8. @bugoy, tama! yun din exactly point ko. magiging inutil lang ito at magiging dagdag burden pa sa atin.

    Isa pa, maraming basic problem ang educ sector na dapat nilang iaddress pero ito yung gusto nilang iprioritize. anyway, salamat sa comment. i have my new post na about arroyo's legacy

    ReplyDelete
  9. We haven't seen the differences yet. I'd say let it be implemented. Teenage and unwanted pregnancy, sex scandals, and other sex misconceptions in the country are already at their worsts. Taking the risks yields results than doubts.

    ReplyDelete
  10. @jaime. When I was in Grade 5, public elementary school, sex was not a taboo, most of us (my classmates) were so much aware on HOW to do it and HOW the opposite sex's genitals looks like (tingin ko ganun sa lahat ng school sa buong mundo). What we do not know is TO WHOM, WHEN, WHERE and the 'good' WHY-we-should-do-it. I believe teaching a puberty-age student that SEX is for the right person, at right right place on the right time for the good and right reason, it would lead the student to informed choices and decisions.

    What the program needs is a backbone - well-informed teachers (na sana paid more than anyone else) that can deliver the message through good influence, and materials na hindi mala-FHM (pero informative 'tong material na 'to sa mga open-minded)

    ReplyDelete
  11. "We haven't seen the differences yet. I'd say let it be implemented. Teenage and unwanted pregnancy, sex scandals, and other sex misconceptions in the country are already at their worsts. Taking the risks yields results than doubts."

    yeah nasa malalang kalagayan na ito at ito ay dahil sa dekadenteng kulturang laganap sa atin and not bcoz of not having a formal learning about it.
    kanina lang nakapanood ako ng BANANA SPLIT, nakakayamot lang dahil kahit joke tym lang eh kailngan bang totoo ang mga kissings? Zanjoe Marudo kissed a girl. at saka di tayo pwedeng sumugal na naman tulad ng sinabi ko baka mamaya korapsyon na naman ang kalabasan nito. pag nangyari ito, nganga na naman tau. let us learne from the past. tama yung sinabi nung sumunod na nag-comment it should be done in the right time, with right materials and situation etc. basta sa tamang paraang at kalagayan.

    Anyway, salamat sa comment sana mag-iwan kayo email add nyo ahehe. apir!!!

    ReplyDelete
  12. Nililibog mga tao para maging sunud-sunuran.

    ReplyDelete
  13. buti na lang, hindi ako napariwara. proper realization nang hindi nako-corrupt ang mga morals ang aking narating sa usaping ito.

    to the author: oo, iba na talaga ang impluwensiya ng dominant media sa mga kabataan ngayon. nakalulungkot isipin, pabata ng pabata ang mga nade-devirginize o nagkakaroon ng experiences out of curiosity at hindi talaga dahil sa pag-ibig. >> ang nangyayari, casual sex lamang at emotionally, babae ang nada-damage. ang mga lalake naman, ayun, panay init ng katawan ang iniisip, sabayan pa ng mga naglipanang magazines (oo, kahit pa COSMO na pa-demure sa frontpage nila), mga patalastas na may sexually implicit content (innuendos) at iba pa (just look around at yun na, kita nyo na)

    hay... ilan pa kaya tayong nanghahawak sa paninindigan at paggalang sa sanktidad nito? nagtatanong lang, kaibigan... peace!! :D

    ReplyDelete
  14. Salamat sa lahat ng nagcomment, at sa iyong bagong comment J. SEBASTIAN. Sana ay maipakalat mo pa itong lathalain. salamat.

    APIR!

    ReplyDelete
  15. Cool.. i'm one of those who still hold their sanctity.. are you one of us immo? hehe.. just kidding.. sabi mo kasi nabiktima ka na rin ng maling sistema eh.. chillax bro..

    halos lahat ng mga nagcomment sa issue na to ay may point.. personally, I'm not against this idea.. kasi nga naman bata pa lang tayo eh alam na natin ang mga bagay na 'yan.. naaalala ko pa nga na nagdadala ako ng punit na page ng isang x-rated magazine when we are in grade 5.. natural lang kasi sa mga kabataan ang maging curious sa mga bagay bagay eh.. ayun, sa tingin ko kailangan lang ng tamang magpapaliwanag sa kanila kung ano ang mga bagay na dapat at hindi dapat gawin pati na rin ang mga maaaring mangyari pagdating sa usaping "sex".. pero minsan napapaisip ako, "Dapat ba talaga sa school ito tinuturo?" kasi on my opinion, dapat sa pamilya ito pinag-uusapan at itinituro, opinyon ko lang naman..

    Sa tingin ko kailangan munang maglatag ng malinaw na programa about this "sex education".. so far kasi kulang pa ang mga nalalaman ko tungkol dito at sigurado marami ding mga kabataan ang may mga katanungan pa about this..

    ayun lang.. ulitin ko lang, virgin kapaba immo? hahaha.. peace bro!XD Keep it up.. very informative ang blogspot mo..^_^

    ReplyDelete
  16. Wasak, hahaha!!!

    Yuo virgin pa ako (oops grabe) or scret na lang hahaha. I-browse mo na lang yung iba pa dito sa blog salamat at u find it informative.

    May mga blogpost pa ako hinggil sa ROTC, Hacienda Luisita, Gloria, at iba: punta ka lang sa homepage: http://www.akosiliet.blogspot.com then next page mo lang na nextpage to browse o kaya e sa BLOG ARCHIEVE hahah

    Apir!

    ReplyDelete
  17. apir to you! haha.. paniniwalaan ko na lang ang sinabi mo.. for a while.. hahaha.. sooner or later hindi na.. susubyabayan ko na ang mga akda mo from now on pag walang ginagawa...

    ReplyDelete
  18. Sino ka nga kasi IE? si Leo ka ba? Ows..... hahaha Apir na lang!

    ReplyDelete

Please do not forget to have your identity. After commenting, you may share this. Thanks! Apir!