Pages

Wednesday, August 4, 2010

Ang aktibista sa panahon ng baha


Kakauwi ko lang galing sa mahabang lakaran mula sa Sta. Lucia hanggang Antipolo Cogeo. Walang masakyan. Walang nagsasakay. Maraming tao. Maraming holdaper. Baha!

Pagdating ko sa bahay ay gising pa si mama. Naghihintay siguro ng kwento mula sa akin. Dahil siya rin mismo ay naglakad mula naman sa cubao hanggang sa katipunan dahil wala na ring gustong magsakay. At lahat ng ito ay dahil sa bahang idinulot ng muling pagkasira ng tubo ng nawasa sa marcos hi way at sumabay pa ang ulan. Kaya muli, nilamon ng bahagya ang cainta at antipolo.

Exciting nga ang mga nangyari. At hayaan nyo akong ikwento ko ang lahat. Fresh na fresh.  Alam nyo ba na dahil mag-isa lang ako ay wala akong kahihiyang nag-abang sa gitna ng daan maging sa mga u-turn slots at umaasa na may masasabitan pang jeep (hindi na ako umasa na may bakante pang mga pangpasaherong jeep kaya sabit lang ang inaasam ko). Kaso minalas ako dahil lahat ay puno na pati sabit at kulang na nga lang pati gulong ay sabitan. Dahil sa naramdaman kong wala akong aasahang jeep ay pinatos ko na ang ideya na makisabay sa mga pribadong sasakyan (na noong una pa lang ay pumasok na sa isip ko). Nag-abang at nangatok ako ng mga pick up na pwede kong sakyan. Halos na naka-sampu o labing limang pick up siguro ako kaso walang pumayag dahil sa iba’t ibang dahilan.Yung iba ay talagang ayaw magpasakay. At yung iba naman ay iba ang ruta kaya hindi raw pwede. At ito pa, pati mga truck ng hardware at softdrinks ay hinarang ko na pero wala talaga. Yung ibang truck naman ay may mga nakaangkas na.

Alas onse na ng gabe ng biglang may nakita akong jeep na 3 lang ang nakasabit kaya kahit alam kong delikado ay sumakay na ako. Kaso umabot na ng alas dose ay halos hindi pa rin kami nakakalayo. At dahil sa labis kong pagtambay sa sabitan ay nakakwentuhan ko na yung ibang nakasabit. At nung naramdaman kong hindi ako makakauwi kung maghihintay lang ako sa pag-usad ng jeep ay niyaya ko na yung nakilala kong nakasabit din na maglakad na lang.

At doon na nag-umpisa ang aming malalim na pagkukwentuhan. Ikwinento nya sa akin na kakagaling nya lang sa inuman, masaya siya sa course nya, na kilala nya yung iba kong kilala, na dapat hindi na raw siya umuwi at marami pa. At ako naman, bilang PAMBANSA-DEMOKRATIKONG AKTIBISTA (Hardcore) ay hindi pinalampas ang pagkakataong iyon para magpropapaganda. Mabuti nga at siya na rin ang nagbubukas ng ibang usapin na napapanahon ngayon halimbawa yung sa LRT, edukation, medical services pati yung people’s struggle. Kaya naging madali sa aking magpropaganda. At maganda na bukas siya sa usapin ng paglaban para sa mga karapatan. Naikwento ko sa kanya na CCFE (Commercialized, Colonized Fascist, Elitist) ang porma ng edukasyon, naibahagi ko din ang kaso ng Morong 43 at sabi nya, may ganon din daw silang karanasan (nursing student kasi siya at minsan ay nagcocomunity work sila). Nakwentuhan ko siya tungkol sa BOT system (Build-Operate-Transfer) ng bansa na nagreresulta ngayon LRT fare increase, matataas na tuition fee sa mga private schools atbp. Pati edukasyon sa Cuba ay naibahagi ko din. Pati yung mga progressive documentary ay naibida ko rin sa kanya at aktibo naman siya sa pakikipagkwentuhan. Marami pa kaming napagkwentuhan at napagkaisahan. At sa dami ng aming napagkwentuhan ay ‘di ko namalayang puro na pala talsik ng putik ang damit ko sa likod at gilid. Naku naman.

Badang huli ay nalaman kong malapit pala sila sa lugar namin, na totoong nakainom siya, na masaya talaga siya sa course nya at higit sa lahat ay  totoo ngang kilala niya ang iba kong mga kakilala. At dahil dun ay nagpasya akong kunin ang number nya dahil balak kong paugnayan sya sa mga kabataan sa amin na nag-oorganisa. Malay mo maging bahagi siya ng pakikibaka ng mamamayan. Gusto naman daw niya at wala raw problema (dahil ba nakainom siya? Hehe) Bihira kaya ang mga kabataang may simpatya sa pambansang kalagayan. At maghihintay ako sa pagkakataong ma-recuit siya ng mga kasama. At tutulong na rin syempre ako sa pag-ugnay. Ayos ba?

Sa haba ng nilakad namin ay di ko namalayan ang pagod. Kaya natawa ako sa mga kasabay namin na halos reklamo ng reklamo sa sobrang pagod. Pati nga si mama ay nagrehistro din ng pagod. Naisip ko, para yun lang napagod na kayo? Ang ikli lang ng lakaran na yun ay pagod na pagod na kayo? Jusko! Natawa tuloy ako ng maisip kong mula nga sa Quezon City hanggang Manila (DAR hanggang Mendiola) eh nilalakad namin sa gitna ng init. Sabi pa ni mama, nakita nya rin daw yung iba kong kasamahan na naglalakad at niyaya siyang sumabay  kaso di nya na raw kakayanin ang pagod kaya nag-abang na lang talaga siya ng masasakyan. Naisip ko tuloy, mabuti ring sanay kami (mga aktibista) sa lakaran para sa panahon ng kailangan mong gawin ito ay parang wala lang. Hehe tulad kanina, naglakad kami na parang ang nilakad lang naming ay isang pasilyo. Yun ang kalamangan naming mga sanay sa martsa.

P.S.,
Pagdating ko sa bahay para maghapunan ay walang pagkain dahil alas dyes y medya na rin nakarating sa bahay si mama at wala ng panahong magluto kaya eto, nagsulat na lang ako. Puyat. Gutom. Pagod.

6 comments:

  1. ang lupit.. nakaka inspired naman.. hehehe
    pwede bang gumwa ka ng isang sulatin na tlgang hndi nakakalimutan ng mambabasa.. gets mo?? ung tipong bawat araw ay na iaapply ung sinulat mo.. pra laging agit.. hehehe

    ReplyDelete
  2. wow. ganda ng comment mo buklod masa. ako gagawa ako nung pinapagawa mo kay jaime.at yung magagawa ko yung eh magpapasali sa mga tao sa rebolusyong pilipino hehehe ayos ba? gawaka din kasi!
    -tagahanga ni liet

    ReplyDelete
  3. @buklodmasa, hanep ka din eh noh? geh gawa tayo. punta ka sa bahay tapos gawa tayo, mga 10 pages ayos na ba yun? parang isang pormal na dokumento naman ang pinagagawa mo! hehehe ayos!

    @tatayk, yebah! hit counter: 10 505, people who 'like' my pages: 196 whooh yeah \m/ roc n roll

    ReplyDelete
  4. dalawa sana ang pwede mong pagpilian kagabi: 1) matulog sa office nyo, 2) lusungin ang baha (na yun na ang pinili mo). :-)

    ang masasabi ko lang: nangibabaw sa height mo ang iyong courage. galing!

    ReplyDelete
  5. @marion, hindi na rin kasi ako makabalik sa opis dahil wala ng byahe. nag-strike na ang mga jeepneu driver! tagumpay nga eh paralisado ang buong gabi!

    ReplyDelete

Please do not forget to have your identity. After commenting, you may share this. Thanks! Apir!