Pages

Monday, August 23, 2010

Guidelines for Covering Hostage-Taking Crises

Kakabasa ko lang nitong guidelines sa pagko-cover ng mga hostage-taking at natawa ako dahil obviously ay hindi ito nasunod. Baka kasi hindi ito alam ng mga media natin o sadyang matitigas lang talaga ang ulo nila. At dahil nga sa naging kontrobersyal ang naging role ng media sa naganap na madugong hostage-taking ay minarapat kong ipabasa o ilagay din ito dito sa blog.

In covering an ongoing crisis situation, journalists are advised to:
  • Always assume that the hostage taker, gunman, or terrorist has access to the reporting.
  • Avoid describing with words or showing with still photography and video any information that could divulge the tactics or positions of SWAT team members.
  • Fight the urge to become a player in any standoff, hostage situation, or terrorist incident. Journalists should become personally involved only as a last resort and with the explicit approval of top news management and the consultation of trained hostage negotiators on the scene.
  • Be forthright with viewers, listeners, or readers about why certain information is being withheld if security reasons are involved.
  • Seriously weigh the benefits to the public of what information might be given out versus what potential harm that information might cause. This is especially important in live reporting of an ongoing situation.
  • Strongly resist the temptation to telephone a gunman or hostage taker. Journalists generally are not trained in negotiation techniques, and one wrong question or inappropriate word could jeopardize someone’s life. Furthermore, just calling in could tie up phone lines or otherwise complicate communication efforts of the negotiators.
  • Notify authorities immediately if a hostage taker or terrorist calls the newsroom. Also, have a plan ready for how to respond.
  • Challenge any gut reaction to "go live" from the scene of a hostage-taking crisis, unless there are strong journalistic reasons for a live, on-the-scene report. Things can go wrong very quickly in a live report, endangering lives or damaging negotiations. Furthermore, ask if the value of a live, on-the-scene report is really justifiable compared to the harm that could occur.
  • Give no information, factual or speculative, about a hostage taker’s mental condition, state of mind, or reasons for actions while a standoff is in progress. The value of such information to the audience is limited, and the possibility of such characterizations exacerbating an already dangerous situation are quite real.
  • Give no analyses or comments on a hostage taker’s or terrorist’s demands. As bizarre or ridiculous (or even legitimate) as such demands may be, it is important that negotiators take all demands seriously.
  • Keep news helicopters out of the area where the standoff is happening, as their noise can create communications problems for negotiators and their presence could scare a gunman to deadly action.
  • Do not report information obtained from police scanners. If law enforcement personnel and negotiators are compromised in their communications, their attempts to resolve a crisis are greatly complicated.
  • Be very cautious in any reporting on the medical condition of hostages until after a crisis is concluded. Also, be cautious when interviewing hostages or released hostages while a crisis continues.
  • Exercise care when interviewing family members or friends of those involved in standoff situations. Make sure the interview legitimately advances the story for the public and is not simply conducted for the shock value of the emotions conveyed or as a conduit for the interviewee to transmit messages to specific individuals.
  • Go beyond the basic story of the hostage taking or standoff to report on the larger issues behind the story, be it the how and why of what happened, reports on the preparation and execution of the SWAT team, or the issues related to the incident.
  •  

Manila policemen storm the bullet-riddled bus at the Luneta Park where a dismissed cop held hostage a group of HK tourists on Monday. Danny Pata (Prof ko dati) via gmanews.tv

Sa totoo lang malaki rin ang naging gampanin ng media sa mga nangyari sa insidenteng ito. Unang-una, si Rolando Mendoza (hostage taker) ay nakakuha marahil ng mga updates hinggil sa mga plano ng kapulisan dahil sa walang humpay na pagbabalita ng mga reporter ng iba't ibang network hinggil dito sa kabila ng kaalaman nilang may TV ang bus na kinalalagyan ng mga biktima at ni Mendoza. Hindi ko lubos maisip kung ano nga ba ang tungkulin ng media sa mga ganitong kalagayan? Ano ba ang maitutulong ng pagrereport sa plano o mga hakbangin ng pulis kung paano ito reresolbahin? Hindi ba at wala naman itong nagawa kundi palalain ang mga pangyayari? Ano ba ang inaasahan mong magagawa ng pagrereport mo nito? Mareresolba ba ang krisis dahil sa pagbabalita mo ng bawat hakbang na kulang na lang bawat hininga ng mga pulis ay ireport mo? Hindi naman di ba? Para saan ba ito? Para ipakita kung gaano naging pulpol ang kapulisan natin?

Nakakatawa pa dito ay kung paano nagpapakahirap ang mga kapulisan sa pagtatago sa hostage-taker sa kabila ng wala namang tigil na pagrereport si Ron Gagalac (ABS-CBN Network Reporter) sa bawat galaw ng assault team. Parang ang naging labas nga ay naging spy ng hostage-taker ang mga reporter. Detalyado pa naman ang bawat report nila. Feeling ko nga habang nanonood ako ng TV ay para akong nakikinig sa radyo na lahat ng galaw nila ay sinasabi.

Hindi ko naman layuning sabihing walang magandang nagawa ang midya dito. Malaki ang naitulong nila para maipaalam sa mga tao ang nangyayari. Lalo na ang TV5 na hindi talaga bumitaw. Kaso may ilan lang talagang pangyayari ang hindi na dapat talaga i-broadcast dahil makakasama pa ito. Hindi naman lahat ay dapat malaman ng manonood lalo na kung ito ay para sa kaligtasan ng karamihan. Hindi ko rin naman sinasabing ang midya ang naging sanhi ng madugong resulta ng hostage-taking. Malaking kalokohan iyon dahil kita naman na ang kapalpakan ng kapulisan ang punot dulo nito. Isang tao lang, tumagal ng halos labing tatlong oras? Sabi nga kahapon sa tweet ng isang aktibista, magaling at mayabang lang sila sa dispersal sa mga mapayapang rally, palibhasa mga sibilyan ang kaharap nila. Pero sa ganitong insidente e para silang mga walang magawa. Kitang kita sa bawat anggulo ng kamera ang  kapalpakang ginawa ng kapulisan.

Actually, isa  ako sa nag-enjoy sa coverage ng mga media natin dahil daig ko pa ang nanood ng action film na maraming bloopers. Narinig pa nga sa buong mundo na nagtawanan ang mga tao sa paligid ng biglang nagsipagdapaan ang mga pulis matapos makarinig ng sunod-sunod na putok mula sa bus. Nakakahiya na sa gitna ng krisis, nagtatawanan lang yung ibang wala namang ginawa kundi maging "usi".

Mapapansin ring isa sa mga nag-trigger sa hostage-taker na magpaputok ay ang sapilitang paghuli sa kapatid nitong si SPO2 Gregorio Mendoza na marahil ay nakita rin niya sa  pamamagitan ng telebisyon. Nakita niya marahil kung ano ang naging pagtrato ng kapulisan sa kanyang mga kapamilya. Ibang usapin pa kung bakit nga ba hinuli maging ang kapatid. Stupid moves by the Police!

Sabi nga ng katabi ko ngayon, ganyan daw talaga, kompetensya kasi ang pinairal ng mga network, pataasan ng rating at pagandahan ng coverage kahit alam naman nilang delikado. Dagdag pa ni Kara David sa kanyang tweet na higit pa sa pagiging mamamahayag nila ay ang pagiging normal na tao nila kaya dapat raw inuna ang pagsasaalang alang ng kaligtasan ng mga biktima kaysa sa pagkuha at pagrereport ng mga pangyayari na alam naman nilang magpapalala sa sitwasyon.

Ayon naman sa ibang pahayag ng mga media ay ginawa lang naman daw nila ang trabaho nila at responsibilidad na ng kapulisan kung paano sila babalaan sa mga bagay na dapat hindi nila gawin. At madali naman daw silang kausap. Patunay nga daw niyan ay mabilis naman silang sumusunod sa kung ano ang pinapagawa sa kanila doon. Nang pinapatay sa kanila ang ilaw, pinatay naman daw nila. Nang sila ay pinalayo, lumayo naman sila. Kaya kamalian na daw ng mga pulis ang nangyari.

Marahil ay tama naman ang punto ng ibang media, at totoo din namang madali naman silang sumunod sa mga derektiba sa kanila. Ngunit meron din namang mga bagay na kahit hindi na sayo sabihin ay dapat alam mo na. Lalung lalo na sa sitwasyong kitang-kita namang palpak ang mga diskarte ng kapulisan (nakakahiya). Ang problema nga ay nangibabaw pa rin ang kaisipang kailangan ninyong manguna sa iba kaysa sa kaligtasan ng mga biktima. Aminin nyo na! Nasa isip nyo kasi, kailangan nyong mauna sa ibang network, makakuha ng mga footage na kayo lang ang mayroon at iba pa na mag-aangat sa network na kinabibilangan nyo. Ang punto pa rin, trabaho ang inisip nyo imbes na ang responsibilidad nyo bilang mamamayang dapat inuuna ang kaligtasan ng kapwa bago ang sarili.

Ganon pa man, sana sa susunod ay maging responsable na tayo sa ating mga tungkulin. Nakakalungkot lang kasi na sa ganitong panahon ay wala pa rin tayong ibang iniisip kundi ang paano tayo kikita. Nakakahiya na pinagkakakitaan mo ang kamatayan ng iba! Tama ba?

Click here for the source of the guidelines. (Hindi ito opisyal na guidelines)

25 comments:

  1. natatawa lang ako sa mga pulis... naaawa ,nalungkot sa mga namatay (hostage) at kay mendoza...sana ginaya nila ung speed ni keanu reeves haha!

    ReplyDelete
  2. nakakalungkoy nga ang naging pagtatapos ng hostage drama na nangyari. nakaklungkot din na isa talaga sa masisisi ay ang media dahil sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa galaw ng mga pulis kahit sila na mismo ang nagsasabing maaaring may telebisyon sa loob ng bus. sana sa susunod ay mas maging responsable na ang media. sana ay unahin nilang isipin ang mga buhay na nakasalalay at hindi ang trabaho at pansariling interes nila.

    ReplyDelete
  3. Mejo questionable yung source mo. It's an article written by a journalist. It's not an official document. Siguro dapat mag expose tayo ng rules of engagement ng GMA or ABSCBN para mapakita natin kung ano yung mga hindi nila sinunod. Kung wala silang guidelines about this, we can't blame them for doing their job. We can only blame them for not having the right training and education to deal with situations like this.

    ReplyDelete
  4. Yup. It is not an official guidelines. But it has a point that is the same with the guidelines we have here in the philippines. WE HAVE SOMETHING LIKE THIS, IN KBP or IN OTHER MEDIA INSTITUTE. But still the point is there. Kahit nga wala pang guidelines marami ng ganyan ang naging tingin sa ginawa nila. Saka di siya usapin ng kung may guideines or wala, the idea there is dapat inuna ang kapakanan ng mga biktima and being a responsible "media" hehehe

    ReplyDelete
  5. Jaime Sanone de Guzman tama ka nga. NAging malala ang sitwasyon sa hostage taking kahapon. eto ang mga advantages ni Rolando MEndoza 1. Siya ay nasa mas mataas at secured na lugar kung saan hindi siya madaling makikita ng mga PULIS. 2. Mayroon MONITOR (TELEBISYON) ang BUS kaya't kitang kita at alam ni MEndoza ang galaw ng mga FOOL-ish (Pulis pala) base sa mga detalyeng ibinibigay ng MEDIA. SALAMAT SA MEDIA NA NAGKOBER KASI PARA NA RIN NILANG TINULUNGAN SI MENDOZA KAGABI diba!!

    ReplyDelete
  6. Ang official ay enshrined sa Broadcast Code of the Phillippines. 2007 ito huling inilabas. Ang lahat ng nasa radio at TV ay dapat pumasa sa KBP accredidation exams na ang karamihan ng tanong ay tungkol sa Broadcast Code. Ang coverage kahapon ay study ng paglabag dito ng maraming kagawad ng commercial media.

    ReplyDelete
  7. hindi ko lubos maisip na ganon na pala kaduwag at katanga ang kapulisan ntin ngaun!..nag-iisang hostage taker ay hindi ngwan ng paraan upang walang nagbuhis na maraming buhay,..nkakalungkot sa bahagi ng mga naging biktima at ngngingit-ngit aku sa mga pulis na nandon na animoy mga nakatambay lng at ng-hihintay ng susunod na magaganap,..tsk.tsk..22o nga matatapang lng kau sa mga rally dahil mga sibilyan ang nandon,..ngunit ang totoo pala ay bahag n bahag ang inyong mga buntot!!!grrr

    ReplyDelete
  8. hindi man ito official guidelines ng mga mamamahayag e malaking tulong n rin ito para sa lahat... s linya ng mga mamamahayag, its as if it applies as a genral rule, s publiko nman e at least meron kming alam s mga ganitong klakaran... mxado n cgurong teknikal kung kukunin p ntin ung bawat rules of engagement ng bawat istaxon...

    s ngyare khapon, kung kaw n responsableng tao (lalo s hanay ng mamamahayag) alam mong nsa bingit n ng kmatayan ung 15-20 katao, hindi pba iiral sau ung "diskarte"? sorry kung mejo harsh n q s usaping ito... hindi nman cguro msamang mwala ang ilan s ninanasang impormasyon ng mga mamamahayag kung mgiging tahimik cla s mga pulidong plano ng mga pulis (s puntong ito, d q lang alam kung meron ngang maaus n plano ung sangkapulisan nten)... s tingin ko, hindi lng lumapat n ung "kumpletong detalye, walang kinikilingan, walang pinoprotektahan" nilang mga pinagsasasabe kahapon s main role nila as journalists...

    s mga pulis, wala aqng masabe... hahaha...! so poor...! walang diskarte... halatang halata kung pano cla hinubog ng sirkulasyon nila s mga ganung klaseng bakbakan... so pathetic... hahaha...! khit batang nanonood khapon nkikita ung khinaan ng diskarte nila... inabot ng 10hours ung drama n un, khit nman cguro 3-4 hours cla magplano hindi n masama para lng walang buhay ng nasayang... ewan q b... nkakaawang nkakabobo cla... nkakaawa kc andaming nabobobohan n s knila... hahaha...! sorry tlaga, cant help to burst my feelings...

    ang lahat ng mga cnabi q dito ay mlinaw n opinyon lamang, hindi ito CONCLUSION mga kpatid... ciao!

    -=clyde=-

    ReplyDelete
  9. ala-spy nga ang naging pagganap ng mdya sa naging hostage,kung bakit? dahil sabi nga sa balita paniguradong nakaantabay sa telebisyon ang hostage taker sa loob ng bus,at ang paghuli sa kanyang mga kmag-anak marahil ang ng-udyok sa kanya(hostage taker) upang gumawa ng marahas na hakbang....sana ay huwag ng maulit pa ito....

    ReplyDelete
  10. while media played a big role on the incident. i still blame the police for the incident. the media did their job. it was the police that didn't do use the brains. it was the pnp who triggered it all by arresting the brother and treating the brother like a dog when he was arrested.

    sana marami taung natutunan sa mga nanngyari. what captain mendoza did was wrong but he surely made a statement that the whole justice system is almost a big piece of crap (marami nman mga malalaking kawatan dyan di natatangal sa serbisyo), mangyayari ng mangyayari ang nga ganitong problema kung may mga kabulokan na nangyayari sa ating systema.

    ReplyDelete
  11. Salamat sa inyong mga comment clyde, clyejon, Oseo, Monica, bukaneg, at sa mga anonymous hehehe apir! salamat

    ReplyDelete
  12. RP's two biggest network to get their ratings up... they reported it blow-by-blow as if they were watching Pacman's fight! Wondering that the hostage-taker had this monitored inside the bus. Media had also it contribution that led to the bloody ending of the melodramatic hostage-taking.

    ReplyDelete
  13. Who Moved My Cheese?August 24, 2010 at 1:09 AM

    ang masasabi ko lang... disappointing as a Filipino.

    from MSN news:

    <<<<<>>>

    ReplyDelete
  14. Who Moved My Cheese?August 24, 2010 at 1:10 AM

    One Hong Kong survivor of Monday's day-long bus siege in the Philippine capital said her husband and two daughters aged 21 and 14 were killed as the crisis reached a bloody climax live on television.

    Her 18-year-old son was in intensive care in hospital and her husband died a hero trying to shield his family, said the survivor, identifying herself only as Mrs Leung.

    "The Philippine government... I can't accept this. Why did they do this to us?" she told Hong Kong officials who flew to the Manila hospital, in comments shown on Cable News TV.

    "(The gunman) did not want to kill us. He only shot us after the negotiations failed," she said, sobbing.

    ReplyDelete
  15. Who Moved My Cheese?August 24, 2010 at 1:14 AM

    sorry, naputol comment ko.

    negotiations failed because:

    media failed the policemen.

    our policemen failed.

    and continued to fail.

    ReplyDelete
  16. @raymund and for others who are interested: ito na ang 2007 Broadcast Code of the Philippines

    http://akosiliet.blogspot.com/2010/08/kbp-broadcast-code-of-2007.html

    salamat!

    ReplyDelete
  17. ine-expect ko na na ganito ang mangyayari na gagawin ng mga pulis, mabagal na pag respunde, iilan na lamang ang mahuhusay na pulis sa ating bansa.. kawawa ang mga na-hostage, pero sa totoo lang natuwa ako nung malamang may mga nabuhay pa sa loob ng bus..

    ReplyDelete
  18. tsk..

    nakakaasar.
    desperasyon..
    tsk tsk..
    *sigh*

    ReplyDelete
  19. hugas kamay na ang ABS.

    ReplyDelete
  20. hindi talaga tama ang ginawa ng media.. sa ngalan talaga ng Tv ratings ang ginawa nila.. nakakadismaya talaga.. maraming buhay ang nawala... hay badtrip!

    ReplyDelete
  21. Yep... it's the network wars kaya parang coverage lang ng laban ni Pacquiao -- blow-by-blow.

    Pero ang tanong ay bakit ni ang kapulisan ay hindi nagawang makontrol ang labas ng impormasyon samantalang may mga kaso na nagagawan nilang mag-news black-out? Hindi ba kinaya ng powers ng ground commander na talagang i-cordon ang area? O baka naman sadyang "accomodating" din ang pulis to some extent para magpakitang-gilas na kaya nila i-handle ang sitwasyon (na obviously ay hindi pala).

    I'm curious to read the PNP's guidelines in handling hostage crises...

    Sa pagkakaunawa ko kasi sa pakikipagnegotiate sa mga hostage takers eh, ay una ay mapakalma mo siya... makuha mo ang trust nya o find someone that the hostage-taker trusts tulad ng relative.

    Puwede sana nakatulong ang asawa at kapatid ni Mendoza eh... Eh kaso, ang ating mga magigiting na kapulisan ay pina-iral ang kanilang magagaling na "investigative" powers nilang jumping-to-conclusions, at inisip nila agad na kakuntsaba ang kapatid. Ayun, nihuli si utol.... Ayun... all hell broke loose. Haaayyyzzzz....

    Hindi ko rin alam kung nagmamadali ang kapulisan na ma-resolve.. they could've bought time... as long as kalmado pa at nakikipag-usap ang hostage-takers... parang chess... your move, then his...

    Ay ambot! Laki ng budget ng mga AFP at PNP, daming training kuno-kuno... Pero jologs pa rin...

    At heto tayo, kinukundena ang pangyayari.... pero lahat ng bagay ay magka-ugnay... pero that's another related story.. :)

    ReplyDelete
  22. Tae kc yan.. di ba nmn pulpol na pulis dn ung kapatid at mga pamangkin sabihan ba na wag sumuko hanggang di sinusuko ung baril. NAgsisigaw pa na papatayin sya ng pulis na malinaw naman na lalong magpapalala ng sitwasyon. haysss PULIS sya at alam nya protocol sa mga gnyan bagay pero isa pa sya sa lalong nagpapalala sa katangahan ng kapatid nya.. msyado kasi clang mayayabang porke puro pulis cla mag anak wala cla karapatan maglakad lakad sa paligid may dalang baril at nakasibilyan pa.. sobrang bulok ng ginwa nla.. cguro ngaun nagsisi cla bakit nila gnwa un..

    ReplyDelete
  23. S-Sorry
    W-WALA
    A-AKONG
    T-TRAINGING


    Philipines Police Sucks!!!!

    ReplyDelete
  24. S-Sorry
    W-WALA
    A-AKONG
    T-TRAINING


    Philipines Police Sucks!!!!

    S-Sorry
    W-WALA
    A-AKONG
    T-TRAINING


    Philipines Police Sucks!!!!


    S-Sorry
    W-WALA
    A-AKONG
    T-TRAINING


    Philipines Police Sucks!!!!



    S-Sorry
    W-WALA
    A-AKONG
    T-TRAINING


    Philipines Police Sucks!!!!


    S-Sorry
    W-WALA
    A-AKONG
    T-TRAINING


    Philipines Police Sucks!!!!

    ReplyDelete
  25. may mga bagay bagay bago natin gawin ay dapatpag isipan natin ng maigikung anu ung mga pwede nitong maging sanhi.. sa mag kabilang panig sa hostage taker at sa mga kapulisan parehong hindi nag isip bagoi gumawa ng hakbang. hindi biro ang ang buhay ng isang tao walang sinuman ang pwedeng bumawi nito maliban sa ating "AMA" kaya dapat ang dalawang panig ay di nagpadalus dalos sa kanilang mga damdamin.. MAG ISIP TAYO MINSAN KUNG ANU ANG MAKABUBUTI>>>>>

    ReplyDelete

Please do not forget to have your identity. After commenting, you may share this. Thanks! Apir!