Pages

Tuesday, August 24, 2010

KBP Broadcast Code of 2007

Para sa mga nagsasabing hindi ganon ka-credible or somehow questionable ang inilabas kong guidelines hinggil sa pagko-cover ng insidente ng panghohostage, ito at maaari nyo ring basahin ang KBP Broadcast Code patungkol dito: 

Article 6. CRIME AND CRISIS SITUATIONS

Sec. 1. The coverage of crimes in progress or crisis situations such as hostage-taking or kidnapping shall not put lives in greater danger than what is already inherent in the situation. Such coverage should be restrained and care should be taken so as not to hinder or obstruct efforts of authorities to resolve the situation. (G)

Sec. 2. A coverage should avoid inflicting undue shock and pain to families and loved ones of victims of crimes, crisis situations, disasters, accidents, and other tragedies. (S)

Sec. 3. The identity of victims of crimes or crisis situations in progress shall not be announced until the situation has been resolved or their names have been released by the authorities. The names of fatalities should be aired only when their next of kin have been notified or their names released, by the authorities. (S)

Sec. 4. The coverage of crime or crisis situations shall not provide vital information or offer comfort or support to the perpetrators. (G)

Sec. 5. Stations are encouraged to adopt standard operating procedures (SOP’s) consistent with this Code to govern the conduct of their news personnel during the coverage of crime and crisis situations. (A)

Sec. 6. Persons who are taken into custody by authorities as victims or for allegedly committing private crimes (such as indecency or lasciviousness), shall not be identified, directly or indirectly -- unless a formal complaint has already been filed against them. They shall not be subjected to undue shame and humiliation, such as showing them in indecent or vulgar acts and poses. (S)

Sana ay naging maliwanag na para sa lahat ng kagawad ng midya na lumabag dito. Isa pa ang pangyayari kahapon ay hindi na rin dapat maging usaping ng kung meron bang guidelines na dapat sundin ang mga network. Sa hinaba haba ng panahong nagko-cover kayo, marahil ay alam nyo na yan. Kaso gaya ng madalas nyong ginagawa, for the sake of "newsbreaking" eh willing kayong i-sacrifice ang kaligtasan ng mga tao. At ito ay kalakarang laganap sa mga komersyal o profit-oriented na mga network. Turo nga ng isa kong prof, probokador ang mga media, pag-aawayin ang dalawang panig para magkaroon ng balita! Tulad kahapon, para i-intensify ang mga pangyayari, lahat na ay brinodkast nila. Kahit nakasalang na ang kaligtasan ng mga hostage. At dahil maganda ang coverage, maraming manonood at dahil maraming nanood, mataas ang rating. Kahit alam naman nating walang magagawa ang panonood sa ganong insidente.

Hay naku, sa ngalan nga naman ng kita at pera, magpatayan na ang lahat basta sila, kukuha ng video. Hindi makikipag-cooperate. Hindi magkukusang makipag-cooperate.

Hindi ko naman nilalahat ang mga nasa media. Marami din akong kilalang tao na nasa ganitong industriya pero marunong gumampan ng tunay na responsibilidad ng isang mamamahayg. Nasa media din ako at ako ay hindi kabilang sa kanila dahil alternatibong pamamahayag ang isinusulong ko. Hindi lang sa usapin ng "walang pinapanigan" at hindi lang para masabing "panig sa bayan" kundi para sa tunay na paglilingkod sa mamamayan sa pamamagitan ng pagpanig sa katotohanan at hindi sa iilan--sa pamamagitan ng pamamahayag para ipagtanggol ang sambayanang pinagsasamantalahan.

No comments:

Post a Comment

Please do not forget to have your identity. After commenting, you may share this. Thanks! Apir!