Pages

Sunday, September 12, 2010

Comedy Bar

BASTOS PALA ITO!

Idol ko si Eugene “Uge” Domingo ‘pag dating sa aktingan at syempre sa komedya. Gaya nga ng taguri ng nakakarami ay isa na siya sa mga pinakamagaling na babaeng komedyante sa industriya ng showbiz bukod pa kay Ai-Ai. Dahil sa kagalingan niya isa siya sa mga may pinakamaraming proyekto--hosting, pelikula, concert at iba pang raket. At isa sa mga proyekto ni Uge ay ang comedy bar ng GMA network na umeere tuwing sabado, mga alas onse ng gabi pagkatapos ng imbestigador.

Minsan ay napanood ko ito. Hindi pala minsan! Madalas pala dahil nga sabado. Sa mga una nitong episode ay ok naman. Nakakatuwa talaga. Iniisip ko nga e siguro ganon talaga ang nangyayari sa isang comedy bar. Tamang tama dahil hindi pa ako nakakapasok sa mga ganon.

Kaso na-realize ko, parang nagiging masyado ng bastos yung program na hindi na akma bilang isang TV program rated as General Patronage. Nagiging bastos na halos lahat. Yung mga segment, mga jingle at maging mga sinasabi ng mga guests.


THE BEER-GINS
Grupo ng kababaihan at mga kalalakihan na mga birhen?

The Beergins
Deretso na tayo. Ano kaya ang ibigsabihin nito? Nakakatawa ba na yung mga sexy na babae at mga lalaking may malalaking katawan ay tawagin nila bilang beer-gin? Na sa katotohanan ay ‘virgin’, birhen o mga taong wala pang karanasan sa pakikipagtalik ang gusto nilang ipagpakahulugan. Bahagi kasi ito ng humor sa program—green humor in particular. Siguro nga nakakatawa. Ay hindi pala. Hindi naman talaga nakakatawa. Nakakaasar dahil nag-iimply lang ng mga hindi magagandang ideya. Nag-iimply ng pambabastos sa mga kababaihan at siguro sa kalalakihan na rin. Bastos para sa mga batang marahil ay gising pa. Bastos para sa mga taong may mataas na pagtingin sa kababaihan. Bastos talaga at hindi nakakatawa.

Kaya ‘wag na tayong magtaka kung yung mga bata sa elementarya ay magkaroon na rin ng mga grupong ganito ang katawagan lalo na sa siguro sa hayskul. Huwag na tayong magtaka kung may mga grupo ng kabataang lalaki ang sisipol sa ‘seksing chicks’ na dadaan at tatawaging “beer-gin”. Nakakatawa e.

Natatandaan ko pa nga na nung mga una nilang episode e regular ang mga myembro ng grupong ito pero nang nagtagal na ay naging pa-contest na ito na lahat ay pwedeng sumali. Sila ang nagsisilbing parang ‘waiter’ sa nasabing show. Nakakatawa nga naman mwahahahahaha.


IPASOK MO ANG IYO
Dahan-dahan lang para swabe. Aw!

Kantahan naman ito. May mga guest na singer at kakantahin nila ang isang kanta na may konting twist. Ang twist ay magpapasok sila ng mga salitang naka-assign sa kanila sa kantang aawitin nila. Nakakaaliw pero muli...bastos! Ang mga salita kasing ‘ipapasok’ mo ay may kakaiba ring meaning. Kagabi halimbawa, ang mga salitang ipapasok sa kanta ay mga pangalan ng artista. Mga pangalang may kakaibang meaning kapag ginamit mo sa ibang paraan tulad ng Tonton, Dodot at Pepe.

Tawa nga ako ng tawa kagabi dahil yung Pepe ay nagamit sa lyrics na nagsasabing “masakit ang _________ ko”. Babae pa naman ang kakanta. Hahaha sobrang nakakatawa talaga.

Ang salitang ito ay maaari mong gamitin bilang kinalkal, kalkalin, atbp. Mas bastos, mas nakakatawa!

HAPPY BIRTHDAY SAYO

Isang beses ko palang napapanood ang segment nilang ito kung saan ay pinapapunta nila sa entablado ang mga audience nila na may kaarawan at kakantahan. Nakakatuwa.

Pero mas nainis ako kesa natuwa nang marinig ko yung kanta. Isang lumang happy birthday song na iniba ang lyrics. Nilagyan ng mga double-meaning na lyrics. Syempre bastos uli. Yung tipong nakakalibog sa mga manonood.

Hindi ko na isusulat yung lyrics baka kantahin nyo pa sa mga tropa ninyo tuwing kaarawan nila. Pero ang mga nilalamon ng kanta ay: “Birthday mo ngayon kaya maghanda ka ng magpacanton, birthday mo ngayon kaya ifa-fax kita at babatiin, birthday mo ngayon kaya dapat i-blow mo ako tapos ay ibo-blow din kita at magbo-blow-awtan tayo, Birthday mo ngayon meron kiss sabay hug ka” Nakakatawa noh? Cool. Parang bastos pero hindi naman (daw). Ulul!


Hindi ko maintindihan kung para saan nga ba ang mga ito? Bakit kaya sa makabagong panahon ay nauuso na ang mga komedya na may pagkabastos na rin. Sa totoo lang marami pang ibang show na ganito rin ang nature. Comedy o spoof na may pagkabastos. Nandyan ang Bubble gang at ang Banana Split na puro halikan, mga joke na double meaning atbp. Ito marahil yung sinasabi nilang adult comedy o mga programa na nakakatawa pero hindi naman para sa mga bata kundi para sa mga matatanda. Parang sponge bob. Cartoon-comedy pero relatively ay hindi naman akma sa mga batang manonood o ‘di kaya ay hindi naman siguro ganon naiintindihan ng mga bata. At sa totoo lang ay mas kinagigilawan pa ng mga matatanda.

Ang nakakadismaya lang ay ang pagdami ng mga ganitong programa na tumatalakay o may mga temang dekadente. Naisip ko nga, kabastusan na nga lang ba ang ikasasaya ng mga Pinoy? Para kasing wala ng comedy TV program na walang bastusan. Naalala ko tuloy yung isang episode ng banana split kung saan ay may anim na segundong halikan sila Zanjoe Marudo at si Nina. Naisip ko, kailangan ba talaga na tunay yung halikan? Makakabawas ba sa katatawanan kung hindi sila maghahalikan at dadayain lang nila ang eksena?

Minsan ay nagsulat ako dito sa aking blog ng tungkol sa sex education at ang pagtutol ko para sa pagpapatupad nito. At isa sa mga dahilan ng aking pagtutol ay ang kulturang laganap sa lipunan. Binanggit ko doon na paano mo maituturo at maipatitimo sa mga kabataan ang sex education kung paglabas naman nila sa eskwelahan ay puro kabastusan ang nakikita nila. Nandyan ang mga poster ng mga hubad na babae na nageendorso ng alak at nandyan din ang mga palabas sa mga TV na nagbibigay ng mga dekadenteng ideya sa mga kabataan. Nandyan ang Rubi, Kristine, at mga tulad ng mga nauusong comedy program ngayon. Puro kabastusan ang pinalalaganap. Nakakatawa naman…bastos nga lang. 

Suguro iisipin ng iba ay OA naman ng reaksyon ko sa mga ganito. Parang KJ as kill joy naman. Pero ito lang ang masasabi ko, nais kong ipagpalagay na isa sa mga dahilan ng kawalan ng disiplina ng mga kabataan sa usapin ng pag-aasawa at pakikipagtalik na nagreresulta ng pagkakasakit at maagang pagbubuntis nila ay ang mga programang tulad ng mga nabanggit. At kapag kapatid, anak at kaibigan mo na ang nabiktima nito, ngayon mo sa akin sabihing OA ang reaksyon ko.

11 comments:

  1. dapat gumawa ka rin ng panulat na ang titulo ay SEX eJOKEcation na ang nilalaman ay puro dobleng pakahulugan... na minsan ay napanood ko lang sa isang comedy bar.

    ReplyDelete
  2. ganyan na talaga ang nasa alon ng henerasyon. bka pag tanda natin legal na ang mag half naked sa tv babae man o lalake.

    ReplyDelete
  3. yan mga ganyang palabas din sa mga tv ang nagiging dahilan kung bakit minsan maririnig mo sa mga bata na naglalaro sa labas ang mga salitang bastos.minsan ginagaya nila.di lang sa mga tv may mga bastos o yung tinatawag na green joke.sa mga pahayagan at at pari na rin sa mga am radio station may mga ganyan na rin.sana lang yung mga MTRCB eh medyo maghigpit sila sa pagsala ng mga palabas sa tv.masakit man tangapin ang lipunan natin ngayon ay nababahiran na ng kamunduhan.

    ReplyDelete
  4. Tama ka dyan.. dpat talaga sinasalang mabuti ng pamunuan ng bwat TV station ang mga programa na ginagawa nila.. Hndi na nakakatuwa, masamang impluwensya para sa mga kabataan.. Nagiging makamundo lalo ang pagiisip at pag kilos ng mga tao dahil naiimpluwensyahan ng mga panoorin na yan.

    ReplyDelete
  5. Oh noh, really cant get rid of anonymous. wahahaha anyway, salamat sa pag-comment.

    ReplyDelete
  6. it's all in the mind....

    ReplyDelete
  7. isa lang yan, SEX SELLS...

    ReplyDelete
  8. haha nakakatuwa naman utak ninyo walang ka sense- sense of humor wahahahahaha

    ReplyDelete
  9. ANO BA ITO !! SINISIRAAN NIYO NANAMAN ANG GMA !!
    WALA NAMAN SILA GINAGAWA SAINYO TAPOS KAYO SINISIRAAN NINYO ANG GMA ... GRABE KAYO HAH :\

    ReplyDelete
  10. nasa nag iisip lang yan. XD
    get over it. wag kang oa.

    ReplyDelete
  11. hindi ka oa. tama lang ang reaksyon mo. kc ngayon ang mali pilit na itinatama at ang tama pilit na iminamali. sapat ang mga magulang ay magabayan ang mga anak, katulong ang mga guro at mga responsableng mga tv network. gma or abs cbn man

    ReplyDelete

Please do not forget to have your identity. After commenting, you may share this. Thanks! Apir!