Pages

Sunday, September 12, 2010

ABS-CBN's exploitation scheme

Hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang nabalitaan ito. Marahil ay hindi naman nga kasi ito binabalita ng mga sikat na network tulad ng ABS-CBN at GMA 7...isama na rin natin ang TV 5. Pero matapos kong mabasa ang balita hinggil sa tumitinding tanggalan sa ABS-CBN at sa isang sikat at magaling nitong reporter na si Wheng Hidalgo ay lalo akong nainis at nasuklam sa kapamilya network. Gaya nga ng sabi sa mga nakaraang balita at artikulo ng bulatlat.com ay wala namang kapamilya treatment sa empleyado nila--na paano naaatim ng mga Lopez na ipangalandakan ang pagiging kapamilya nila kung mismo sa bakuran nila ay may mga manggagawa silang pinagsasamantalahan at binubusabos.

Si Wheng Hidalgo habang nagrereport para sa ABS-CBN News and Current Affairs program TV Patrol

Labing anim na taon ng nagtatrabaho si Wheng Hidalgo bilang reporter ng ABS-CBN. Kahit mismong ang network ay kinikilala ang kakaibang husay ni Ms. Hidalgo sa trabaho. Pero ang nakakagulat na katotohanan ay sa labing anim na taong pagtatrabahong ito ay hindi pa siya regular na empleyado ng kompanya. Ibigsabihin o marahil ay hindi pa rin siya tumatanggap ng mga benipisyo at sahod na tinatanggap ng mga regular na empleyado. Isa pa rin siyang kontrakwal na empleyado na kahit anong oras ay maaaring tanggalin ng kompanya. Na katulad ng nangyari sa kanya ay wala siyang seguridad sa trabaho.

Taong 2002 nang nagsampa si Hidalgo sa Department of Labor and Employment (DOLE).ng kaso hinggil sa kalagayan nila sa nasabing kompanya. Iginigiit ng reporter ang kanyang karapatan para maging regular, mabigyan ng karampatang sahod at benipisyo at pagkilala sa mahabang panahon nitong pagseserbisyo sa kompanya.

Noong nakaraang August 13 ay naglabas ang DOLE ng isang desisyong nagsasabi na dapat nang maging regular na empleyado si Hidalgo at iba pang mga empleyado  na ilang dekada nang nagtatrabaho sa kompanya. Pero hindi ito kinalala ng ABS-CBN, bagkus ay naglabas ito ng termination order para kay Wheng Hidalgo.

Tinapos na ng ABS-CBN ang 'kontrata' ni Hidalgo noon lamang August 31 at tuluyan ng tinanggal sa trabaho nitong September 3. At bilang pakonswelo de bobo (sa totoo lang ay hindi naman ito consolation kundi isang iskema ng pagsasamantala sa kanila) sa kanya ay nag-offer naman ang kompanya na siya ay maaring gawing 'regular' sa kondisyon na siya ay tatanggap lamang ng basic-pay o starting pay bilang reporter at walang benipisyo. Dagdag pa ng kompanya, hindi rin daw nila kikilalanin ang labing anim na taong pagtatrabaho ni Hidalgo sa kanila at dapat raw iatras na niya ang kaso na isinampa niya sa DOLE. Mariin itong tinutulan ni Hodalgo. Hindi niya tinanggap ang isultong ito.

Ayon sa kanya, marahil ay pwede niya pang sikmurain ang kawalan ng mga dagdag na sahod para sa kanya pero dapat daw ay kilalanin ng kompanya ang kanyang labing anim na taong pagseserbisyo dito.

Si Wheng Hidalgo ay isa lamang sa mga empleyado ng ABS-CBN na nakakaranas ng pagsasamantala at pambubusabos. Simula pa ng June ay nagpatupad na ang ABS-CBN na malawakang tanggalan sa mga empleyado nilang bahagi ng International Job Market o IJM na isang  workers’ database ayon sa kompanya. Ang mga empleyadong tinanggal ay tulad din ni Hidalgo na nagtatrabaho sa kompanya ng lima hanggang dalawampung taon na ngunit nasa katayuang kontrakwal pa rin. Tulad ng kalagayan ni Hidalgo ay inofferan din ang mga ito ng regularization package o yung regularisayong hindi kikilala sa ilang taon na nilang pagtatrabaho kung kaya ay makakatanggap lamang sila ng sahod na kahalintulad ng mga baguhang empleyado.
 
Mga myembro na IJM Workers Union habang nagmamartsa kasama ang iba't ibang People's Organization sa pinakaunang State of the Nation Address ni Pangulong Noynoy Aquino. Photo by akosiliet

Ang tanggalan sa mga emplyedo na bahagi ng IJM ay nag-umpisa matapos tanggihan nila ang offer ng kompanya na ayon sa kanila ay "conditional and discriminatory". In short ay isang insulto para sa mga empleyadong ilang dekada nang nagtatrabaho sa kompanya.

Ang kalagayan ng IJM ay isa sa mga kasong nakahain rin sa DOLE. Sa totoo lang, marami pang iskema ng pagsasamantala sa mga empleyado nila ang nasabing network, katulad sa kaso ni Hidalgo na kabilang naman sa Intellectual Property Creators (IPC). Ang IPC ay parang IJM kaiba lamang dahil ang mga empleyado sa ilalim nito ay  tinaguriang mga “talents” sa bawat proyekto or binabayaran sa kanilang “artistic output.”

Ang IPC at IJM at iba pang grupo ng mga "talents" tulad ng mga bahagi ng Technical Staffs ng ABS-CBN ay hindi sakop ng walong oras na pagta-tarbaho at mga benipisyo na nakasaad sa labor code. Ibigsabihin, kahit sila ay magtrabaho ng lampas walong oras ay parehong kabayaran pa rin ang matatanggap nila. Hindi rin sila nakakatanggap ng mga over time pay. Bihira din ang day-off. Dagdag pa ni Hidalgo ay ni yung iba ay walang Pag-ibig at SSS.

Kumbaga ay nasa iskema sila ng “no-work, no-pay” na nararanasan ng libo-libong mga hindi regular na empleyado ng ABS-CBN

Ito ang mga mahahalagang isyu na hindi ibabalita ng mga sikat na network dahil sila mismo ang salarin. Sa totoo lang, matagal na ito pero kahit isang balita hinggil dito mula sa mga pinagpipitangan nating network ay wala akong nakikita. Kung meron man ay pabor pa rin para sa kanila.

Minsan nga ay naikwento sa akin ng mga kaklase ko na hindi raw sila tinanggap sa ABS-CBN matapos malamang taga PUP sila, sabi ko: "may welga kasi doon, since taga-PUP kayo na kilala sa aktibismo, inisip nila na baka sumuporta kayo sa welga kaya hindi nila kayo tinanggap". Nagtanong sila kung para saan yung welga, at diniskas ko sa kanila yung kalagayan doon. At lalo lang silang naiinis. Nagbiro pa nga ako at sinabing, ganon kasi magmahal ang kapamilya.

Kaya mula ngayon ay aantabay ako sa mga sususnod na kaganapan hinggil sa mga empleyadong ito. At ako ay sumusuporta sa labang ito. At nais kong ipaabot ang aking mataas na pagpupugay at paghanga sa kanilang paglaban at dedikasyong igiit ang kanilang mga karapatan.

Mabuhay kayo!


P.S

ABS-CBN IJM Workers are composed of camera men, lights men, audio men editor, vtr man from Technical Operations Department and writers, production assistants, associate producers from Production dept. The group first filed their petition for union recognition last, November 23, 2009. But the ABS CBN management opposed the union, saying that there's no employee - employer relationship between the workers of IJM work pool and the network because they were merely talents, meaning, they were hired based on their talent and not as regular employees.

Based on the Department of Labor and Employment's decision last August 2010, these workers were regular employees because they perform jobs 'necessary and desirable to the ordinary course of business of ABS-CBN' and they have worked several years of service to the company.

Watch their video here:

49 comments:

  1. KAPUSO ka noh?! Tigilan mo nga ako..May ganyang issue din ang GMA 7 kunbg di mo pa alam!!!!
    Kung sinasabi mong kapitapitagan ka di ka dapat kumikiling sa kahit kaninu at mag imbestiga ka din sa mga kalabang istasyon dahil baka mas malala pa sila?Ok?

    Anyway, di din totoo na di tumatannggap ng taga PUP ang ABS, may friend akong may klassmate na nagwo-work sa ABS na grumaduate sa PUP B.S. Masscom Major in Journalism ok? at mga 2 years na sya ngayon.

    Kung totoman yang balita mo, sabi ko nga, isama mo din ang GMA 7 at iba pang netwok..baka mas may malaman ka pa nang di magmukhang "BIAS" ka.

    ReplyDelete
  2. Hello, magandang gabi naman sa iyo kaibigan, hindi po ito usapin ng network. Sa una pa lang ay nilahat ko na ang mainstream media (gma, abs-cbn, TV5). Hindi ko sinisiraan ang ABS-CBN, mas gusto kong ilabas ang katotohanan higit pa sa manira.

    Ito ang kalagayan sa ABS-CBN at hindi ko sinabing walang ganito sa GMA 7. Ang punto ko ay ang paghanga ko sa mga katulad nilang hindi nanahimik bagkus ay lumalaban.

    Salamat naman sa comment mo, kaso sa totoo lang, ang babaw ng pinaghuhugutan ng reaksyon mo. Hindi ito labanan ng network. Intindihin mo ang mga sinabi ko sa blog ko at muli ay magkomento ka.

    Natatawa talaga ako sa naging reaksyon mo at mas may karapatan akong magsabing KAPAMILYA ang network mo. Pakiramdam mo siguro naninira ako, pero tatapatin kita, KAPAMILYA rin ang network ko.

    Muli,apir!!! Mwahahahaha

    ReplyDelete
  3. Pahabol pala, taga-PUP rin po ako at nais ko lang ipagbigay alam na wala pong B.S Masscom major in Journalism dun, ako mismo ay bahagi ng college of communication na may 3 degree courses, Bachelor in Broadcast Comm, Journalism at Comm Research. Ayos ba Apir na lang!

    ReplyDelete
  4. hahahaha!! nakakatuwa naman yung comment. ang linaw naman na ang tinutukoy dito ay yung illegal na pagtangal ni hidalgo di ang labanan ng kung ano pa mang network.tsaka wala naman palang B.S. Masscom Major in Journalism sa pup,hehe!sana naman wag tayo magagalit kung medyo napapag usapan ang mga pagkakamali ng network na favorite nyo.sa mga taga abs-cbn na natangal sa trabaho,ipagpatuloy natin ang laban.
    mabuhay ang mga taong patuloy na lumalaban sa mga pang aapi.wag tayo magsa walang kibo lang.

    ReplyDelete
  5. naks! ngayon lang ako bumisita dito sa blog mo ah.. very informative pala.. hindi ko talaga lubos maisip na mayroong mga ganitong pananamantala sa mga manggagawa ng mga tv stations.. actually, its the second time that i've heard this kind of shocking news (the first time eh hindi ako naniwala becoasue of lack of details), siguro nagkaron ng news blockout dahil nga involve ang halos lahat ng stations.. galing mo talaga immo..hahaha...
    Ayun, ,may pint naman si jaime eh.. hindi nya sinabing sa "Kapamilya Network" lang nag-eexist yan.. paminsan-minsan kasi dapat pinag-iisipan muna natin ng masinsinan ng mga kumento naten.. Kapamilya din ako, pero against ako sa mga ganitong gawain, pero mababaw kasi ang labor code naten 'bout this case eh.. i mean, walang pangil... PUPian nga din pala ako, Engineering Student...
    -Hulaan mo kung sino ako...

    ReplyDelete
  6. applause for this jaime. ipagpatuloy mo lang ang mga blogs mo para mas mamulat tayo sa realidad.

    and again, hindi po ito usapin ng networks, kahit ako, kapamilya shows ang pinapanood ko dahil magaganda naman talaga ang mga palabas nila pero this is the other side of the story, this is what's behind those good programs that we are watching.

    apir tayo dito jaime! :)

    ReplyDelete
  7. @Jose, grabe ka pinagtawanan mo pa. Baka mamaya mag-comment yan dito tapos maglabas ng mga baho ng GMA, para kasing bitter talaga siya sa mga kapuso e hahaha. Pero seriously, mas issue based itong lathalain na ito at hindi network para sa mga network fan hahaha

    @IE, ampota naman (oops sorry sa words) nababaliw na ako sa kakahula kung sino ka. Hindi ka naman siguro tibak sa PUP dahil kilala mo ako bilang immo, saka isa lang ang kilala kong IE sa PUP pero hindi naman yun mahilig mag-net. At pasibo talaga yun sa mga social issues kaya hindi yun magrereact tulad ng sau. Anyway, sige sige lang, salamat a? At sana kasi, matagal mo na itong binabasa. Hahah

    @Mon,ganda ng point mo sa huli, "pero this is the other side of the story, this is what's behind those good programs that we are watching." apir! Salamat din sa pag-share. Tag nyo pa sa mga classmate natin.
    Actually, si lileth ang tinutukoy kong nagkwento sa akin na hindi sila (o kayo) tinanggap sa ABS). Paki-confirm nga hahaha :-) APIR!

    ReplyDelete
  8. haha! siyempre kami yun. hahaha! pero nakkaloka yun, after a month or weeks ata, tumawag ulit samin. tapos tinakasan namin. hahaha! nakakatawa yun. ayun, apir ulit! 'til your next posts! :)

    ReplyDelete
  9. Natatawa naman ako sa inyo mon, hahaha kayo pa ang tumatakas sa mga dekalibreng estasyon. Hehehe

    Apir, cge bukas may sampung article ako na ipo-post basahin mo lahat ah? 6 pages each hahahha

    ReplyDelete
  10. true! tsktsk.
    nakakadisappoint.

    ReplyDelete
  11. Oh may anonymous... ikaw na naman hahaha.
    Thanks for a wonderful reaction! Apir!

    ReplyDelete
  12. nakaka-disappoint talaga 'to.

    "...in the Service of the Filipino"

    Dapat siguro isama sa standards (o siguro requirements?) ng license to operate ang way kung paano tratuhin ang mga employees.

    Isa lang 'to sa mga dahilan kung bakit hindi okey mag-trabaho sa Pilipinas.

    ReplyDelete
  13. Nyaak, ganon Jeova? Sana ang mas maging kaisipan natin ay ito ang dahilan kung bakit mas lalo dapat nating isulong ang panlipunang pagbabago. Para kasi tumatakbo tayo sa ating mga kalagayan, kapag hindi ka dito nagtrabaho at yun lang ang ginawa mo, yung mga anak mo at magiging anak pa nila ang mag-sa-suffer sa lipunang pinabayaan mong maging walang kwenta, marahas, at inutil sa mamamayan.

    Well, anyway, wala akong sinasabing mali ang pagtatrabaho sa ibang bansa (practicality yun e) pero wag sana nating kalimutan ang resposiblidad natin sa bansa. Apir!

    Salamat uli!

    ReplyDelete
  14. haha! di ko rin naman sinabing dapat mag-work tayo sa ibang bansa at takasan ang problema ng Pilipinas, sinabi ko lang na ito ay dahilan ng pagtakas ng marami ng kababayan.

    ReplyDelete
  15. Ah ok, cge cge salamat hahaha. Wak tayo away. Peace!

    ReplyDelete
  16. haha basag yung isang nag-comment ah. :D define inis at pagka-poot... "KAPUSO ka noh?! Tigilan mo nga ako.." hahaha
    mas naaliw ako sa comment... sa totoo lang.
    salamat sa mga blog jaime. go go go! :)

    ReplyDelete
  17. @megandang megan, hahaha apir!
    Bitter talaga yun at ramdam na ramdam ko hanggang ngayon tsk tsk.

    Actually,nang makita kong may comment na sa blogpost na ito, nagmadali akong mag-log in at halakhak ako ng halakhak sa comment niya. HINDI AKO NAINIS o anupaman :-)

    Salamat meg, sana maging follower ka na since u find this helpful. Yung follower na magsa-sign up as follower hehehe

    ReplyDelete
  18. ganito rin ba ang sitwasyon na dinaranas ni atom araullo?

    shock naman ako hindi ko na pala makikita si wheng hidalgo... at hindi pa pala siya regular after 16 years niya sa abs-cbn... nakakalungkot na balita, "kapamilya pa naman ako..."

    ganun pala ang mga reporters dun contractual din parang mga actors/actresses... i wonder kung lahat sila ganun like ung mga news anchors or ung other field reporters like nina corpuz, sol aragones and george carino, o may pinipili lang sila?

    pero dami ring taga-pup dun sa iba't ibang departments, ask ko pala news and current affairs lang ba ang pinapatamaan dito? kasi napansin ko mas nabibigyan priority ung tv prod na entertainment kaysa sa NCAG lalo na sa budget...

    now i know kaya pala marami ang lumipat sa tv5, anyways for sure naman si wheng hidalgo ay makakahanap ng bagong career sa ibang network, magaling kaya siya.. di ba jaime! apir!

    sino kaya ako? :))

    ReplyDelete
  19. Sagot para sa pinakamamahal kong si Anonymous:

    Honestly, hindi ako pamilyar sa kalakaran sa ABS, ang alam ko lang ay ang mga naitala dito sa post kong ito tulad ng kalagayan ng mga bahagi ng IPC at IJM, sila Sol Aragones, Nina Corpus atbp ay hindi ko alam ang kalagayan at kung saan sila nabibilang, hindi natin alam kung parte din ba sila ng IPC tulad nila Wheng.Hindi ko rin tiyak kung sa current affairs lang ba pero totoo at maganda ang punto mo na silang lahat at mga contractual, ganon kasi sa industriyang ito. Lahat ay kontraktwal. Mga artista at iba pang "talent" nito. Hal. ang prod stafsf ng Sharon na malapit ng matapos ay hindi sure na magiging sila pa rin ang prod staffs sa mga darating na program ni Sharon. May kakilala nga ako na segment producer ng Game Ka na Ba (Si Edu na ang Host) ng mawala ito ay nawalan na rin yata siya ng project pero as of now, hindi ko na alam kung nakakuha uli siya ng bagong kontrata. Anyway, magcoconduct ako ng comprehensive research tungkol sa mga ito.

    Hindi ko rin po maicoconclude ang especulations na kaya maraming lumipat sa TV5 ay dahil dito, dahil yung iba ay career at compensation talaga ang hanap. Ibig kong sabihin ay maaaring yung ibang TALENTS (artista at reporter) ng dos ay inoferan ng mas malaking sahod tulad ni Sheryl Cosim. Yung iba naman ay lumipat dahil naghahangad sila nang pagsikat sa TV5. Sa Dos at syete kasi ay maraming magaling atleast sa 5 e sila sila pa lang so baka mag-blom ang career nila.

    Regarding kay Wheng ay mas hindi yata ang paglipat sa ibang network ang balak niya kundi yung pagtuloy ng laban niya sa network kaya lalo akong humanga sa kanya. Pero di pa rin natin alam dahil mahirap ang buhay hehehe.

    Salamat sa pagkomento! Sa makabuluhang komento.

    Apir! Pakilala naman kayo o.

    ReplyDelete
  20. Pasenya na sa mga Typo-error sa previous comments ko ahehehe intindihin nyo na lang. Apir!

    ReplyDelete
  21. OMG 16 yrs in the service ang magaling na reporter and hindi siya regular?? grabe naman yun, saka natawa naman ako kay Anonymous, nilayo agad ang issue hehehe. Jan nag uumpisa ang walang kwentang debate kapag pinatulan ng iba. Nice blog Jaime, more power...

    ReplyDelete
  22. karamihan nman n high profile na bisneses d2 ay ganito ang situation,kht s govt.mas malala pa.every 6months renewal lang ng contrata,hanggang tumanda kana wka ka pang magandang plantilya na makukuha..corrupt kc lhat d2 s pinas.

    kap green

    ReplyDelete
  23. Salamat @mark atas, nag-comment pala ako sa blog mo, actually di kita kilala pero binusisi ko lang account mo at may favor akong iniwan dun hahaha apir! Salamat.

    Sino nga palang anonymous ang tinutukoy mo? Maraming anonymous e.

    ReplyDelete
  24. Yung nagsabing "BIAS" raw... the first one... hehehe..

    ReplyDelete
  25. Ah oo nga, kupal nga e hahaha Apir! Geh Geh

    PS.
    Parang chat lang ang comment ko pati words na ginamit tsk tsk. Bastos!

    ReplyDelete
  26. NAGBABAGANG BALITA!!

    isang reporter ang nagreklamo sa kumpanyang pinagtatarabahuan nya dahil di pa sya nagiging regular sa kabila ng labing-anim na taong pag-seserbisyo nya dito....









    .....at ang nagbabalita,
    WALA....
    naku naman oh!!!

    mabuhay ang sambayanang lumalaban,!
    tuloy ang laban!

    ReplyDelete
  27. @Anonymous number 48, salamat sa comment sana mag-follow ka na dito.

    Nga pala, pwede din kayong magmungkahi ng topic o di kaya ay mag-contribute ng inyong mga gawa. Video, photos, article, tula atbp basta para sa bayan! Anything under the sun. Kahit hindi tungkol sa politika basta para sa masa! Apir!

    \m/rakenrol

    ReplyDelete
  28. thanks jaime for the blogs---
    Ewan ko lang kung totoo. Pwedeng paki post dito sa blog mo..
    Kasi Nung panahon daw ni presidente marcos walang contractual law.. Kung totoo man yun eh di mas makabayan pa palang di hamak si marcos kesa sa mga nagpapanggap na makabayan kuno ngayon.

    Isang kanser na problema ngayon yan dito sa pilipinas.. ang contractualization.. Ang daming nadedenggoy dyan. Wala ka ng benefits pagminalas kapa pati contribution mo sa sss hindi nareremit.

    ReplyDelete
  29. to Jeova Sanctus Unus--- totoo sinabi mo nakaka disappoint magwork sa pilipinas. Naiintidihan ko si wheng hidalgo.. lahat naman tayo nangangarap ng malaking sweldo at siguradong trabaho o permanente o regular.. para sa kinabukasan.. Sino bang gusto ng araw araw kang kinakabahan na baka pag pasok mo eh magkamali ka at ikasibak mo yun nagawa mo sa trabaho dahil contractual ka at madali kang sipain..

    ReplyDelete
  30. may karapatan siyang humiling ng naaayon s kanyang itinagal n s paglilingkod s ABS CBN ganyan tlga ang mga mentalidad ng mga malalaking kumpanya,,kya kung di ipaglalaban ang karapatan ,,,sila ay mawiwili s pag labag s karapatan ng isang lihitimong manggagawa.mabuhay ng mga manggagawa!!!!

    ReplyDelete
  31. kontraktwalisasyon matagal na yan sa mga enklabo sa industriya sa Pilipinas,marami na namatay dyan sa sapilitang pagtratrabaho ng walang benepisyo, lalo na sa Laguna,Cavite at Clark Ecozone,dapat baguhin ng gov't ang labor policy nito kung sila talaga ay makatao, pero wala tayo aasahan sa isang pamilya ng landlord na Presidente,umuulit lang ang history, dapat pahigpitin ang labor union,wag sumali sa dilawan unyon, ang media reporters/workers ay isa lamang na dapat sumama sa laban ng unfair labor practices...

    ReplyDelete
  32. bakit hindi binabalita dito ang issue ng contractualization sa Philippine Airlines?

    ReplyDelete
  33. Hindi binabalita saan? Meron po tayong blogpost tungkol sa PAL issues. Browse the site hehehe apiR!

    ReplyDelete
  34. hahahaha... marami talagang porma ng pagsasamantala sa mga manggagawa... at hindi lng un... ang media din ay bahagi ng panlilinlang sa mga mamamayan... kaya nga meron silang binuong HATI sa hanay ng mamamayan... at un ung tinatawag nila na KAPAMILYA ka or KAPUSO... dahil sa ganyang paraan nahahati at nawawala din ang pagkakaisa ng mga tao.. nakita naman natin sa reaksyon nung naunang nagkoment... ahehehe... tama ba...???

    ReplyDelete
  35. Jaime, I support your comment...
    May kilala akong tinanggal sa kapamilya na nag trabaho mahigit 16 taon. Dedicated siya sa work nya at ng nalaman nila kasama siya sa mga nag sampa sa DOLE ay natanggal din...

    Kaya ituloy ang laban...

    ReplyDelete
  36. Naturally, the company itself will protect it's image...that's the basic thing that they would do...for it would be absurd to report in their own station that their employees are like this and like that and so so...the company will uphold it's IMAGE more than it's people...that's the reality..not only to ABS...if not whole..but to most of the companies...

    let me ask you jaime since journa ka rin...for example...if you are currently working now in ABS & one day...you receive a verified information (an information that is already proven to be true) that would make your company bad....will you still report it to the public despite of the threat that you'll be fired because of it??

    hesitation hesitation hesitation...will you ayt??

    the reality is...the freedom of speech is continually being strain in every way and in every form...
    a journalist may have no bounds of knowing all the information...but still the company directs your mouth on what to say to the public...(ouch!)

    what you posted is not something new...it's naturally happening...even before you we're born...as for wheng...she's just one of those many victims...and one of those many people who fight for it....and in the later part...decided to take silence...for justice is too far to obtain....(hope it will not happen this time)...but still a punch in the moon...

    the company will always say...we care for our people...that's not the truth...what they've said is the only the beauty...for the real truth is they only care for their image image!..and that is all....the truth & beauty of this world...(bows head!)

    baka di na me mkabalik d2...

    jaa~ne!

    ReplyDelete
  37. Ok. Salamat Mihael,

    Una tinatanong mo ba ako kung ako ay gagawa ng report kahit alam kong pwede akong i-fire? Absolutely yes. Hindi ito ka-impokritohan sa bahagi ko, totoo ako sa sinabi ko, sabi ko nga sa dulo ng hulig kong sulatin (Magkakapamilya, magkakapuso, magkakapatid sa ngalan ng pagsasamantala):

    "Para sa sakin higit na mas mahalaga pa kaysa karerang inaasam ng lahat ay ang pagsusulong ng malayang pamamahayag na magsisilbi sa mamamayan at hindi sa iilan."

    Pangalawa, alam kong hindi na ito (sistema ng pagsasaantala sa mga manggagawa) bago, may clause ba sa mga article ko na lahat ng tungkol dito ay bago pero alam kong marami sa mga nakakabasa nito ay hindi pa alam ito at yung ang purpose ko ipaalam ito sa mga walang alam at pakialam. ALAM KO ANG REALIDAD MORE THAN UR EXPECTATIONS FROM ME.

    At isinulat ko ito dahil alam kong dapat mabago ang ganitong sistema. Hal. ikaw, sinasabi mo sa akin na laam mo na ito, ang tanong anong ginawa mo para malaman pa ito ng mas marami at ng sa ganon ay magkaroon sila ng pagkakataong kumilos para baguhin ito. Tulad ko na minamaksimisa ang lahat ng venue para magpropaganda at ipaalam sa lahat ang kanilang kalagayan. Ako bilang mamamahayag at manunulat. Ikaw? Sana may ginagawa ka din at huwag kang magpatali sa idea na hindi na ito bago. Hindi na to bago? And so? Kaya hayaan na lang. Palipasin na lang.

    Sa ngayon, may welga ang ABS-CBN IJM Workers Union, alam mo na ba ito? Bago lang ito, yun ang punto ko, marahil alam mo na ang sistemang ito pero maraming pag-unlad o update na pwedeng hindi mo na nalalaman kasi akala mo alam mo na. Gets mo ba?

    Saka hindi ako magsasawa para ulit -ulitin ang pagsusulat hingil dito hanggat walang pagbabago. Ayokong tanggain ang ideya mong "dats reality". DAHIL KUNG ITO ANG REALIDAD MARAHIL AY ALAM NA NGA ITO NG MARAMI pero ang mas importante sa akin ay ano ang nararapat kesa sa realidad. At ito ang mas pinapatampok ko sa bawat blog ko--ano ang dapat gawin, ano ang dapat mangyari. Apir!

    Saka ang mas gusto kong ipakita sa bawat blog ko ay paano ito nangyayari tulad ng nlatag kong facts dito, alam na ba ito ng nakakarami? Na ay IPC, IJM sa ABS-CBN at kung ano-ano pa. Baka nga patiikaw hindi yun alam. Marahil alam mo ang moda ng pagsasamantala sa bawat kompanya, normal nga ito pero dapat ilatag natin kung paano ito nangyayari. Hal. sa PAL, may pagsasamantala hindi ito bago, ang tanong PAANO ito nangyayari okidoki? May article din ako dun. hehehe (De javu ng pagsasamantala. Apir!

    Salamat sa pagbisita. Peace!

    ReplyDelete
  38. To answer your statement:
    Indeed I just recently knew this when I visited the BMPM to see some cracks...even if this is the new current issue. It doesnt still change the fact that this is just a normal event happenin not only in the Phil. but to the whole world.

    second thing, to what am I doin despite of knowing this kind of system? honestly NONE...you know why? for the system itself is built for injustices, corruption, manipulation and blindness to every people...whether how many times you shout "IT IS WRONG!" (your fight for truth may be solve) but it will still not stop...you know why? because people don't want to face the truth for they fear it...they prefer to live in this current system...for that's what people are built by the government through their Education agenda...for example...wayback in 1980's...so many activist you can see left & right...how about in this current generation? their numbers are getting smaller & smaller...why? because the Government so-called education discourages them, instead told them to pursue success, live up to your dreams, say yes and yes to the company & you'll be great & etc etc...LIES!

    another example for you on how rotten the people are...look at wheng colleagues...those that are permament already or those who havent been fired yet...why in the world they have not even report it although they still have access in their network...why? they are scared...simple as that...and that's what our Governemnt & Private Education system teaches us...

    What is written won't be change...there time (referring to the few people who runs this kind of system) have not yet come...even if you expose it now it wont go miles away...but rest assured that they'll fall soon at the perfect time...

    If you have that passion to let the people know...then keep doin it...fow now...I'll be just steady & stay cool...and will act only when the right time comes...I don't need to rush to the fight...call me pathetic, scared, coward or whatsoever that is...but I have my own views on it...I totally agree with you...we hate this system...but I'll only act when the right time comes...

    speaking of right time??? it's when people will just march on the streets even if you don't call them, even if you don't persuade them...a solid example of that is EDSA 2...when people is full of it..there scattered voice will just surprisingly unite in one voice and say "Enough!" and that will be the time of there donwfall(to those system freaks)...(bows head!)

    hey..for you to say Apir is kinda akward...it's like a gay or somethin like that...LOL

    ReplyDelete
  39. eow powz! correction lang sa IJM- Internal Job Market and not International Job Market

    ReplyDelete
  40. Naku Mihael, may mali sa mga personal views mo, sorry to say pero hindi ito objective at mga subjective feeling lang.

    Hindi totoong nagsasawa na ang taong lumaban at lalong hindi totoo na kumakonti na ang mga taong nais ng pagbabago. Baka may ibang paraan lang silang nakita kung paano ito babaguhin tulad ng armadong pakikibaka. Lumalakas na ito. At baka dun na nila nakita ang pagbabagong inaasam nila. O di kaya ay baka hindi mo naman kai talaga nakikita dahil hindi ka nga sumasali. Sabi nga ng isang tanyag na rebolusyonaro, walang karapatang magsalita ang walang alam at pag-alam. Lalo na sa bahagi mo na hinuhusgahan mo ang lakas ng kilusang masa (people's movement)ng walang objective na batayan. Sa maynila lang siguro ang batayan mo ng dami ng nag-aaklas, o di kaya ay sa bahagi kung saan ka nakatira.

    Anyway, ayoko ng pahabain pa ang diskusyon dahil nakaka-stress ang argument sa ganitong set up basta ako ang mungkahi ko lang sayo ay magsri ng lipunan, pag-aaralan mo ang mga uri sa lipunan, tunggalian dito at saka mo sabihin ano ang solusyon Ok?

    P.S,
    Hindi kabadingan ang APIR! hehehe orayt?!
    Apir!

    ReplyDelete
  41. Nga pala, gusto ko lang ding bigyang diin ang ideya mo na RIGHT TIME para lumaban ay yung oras na handang pumunta ang mga tao sa lansangan kahit hindi mo pilitin, tulad kamo ng Edsa 1. Sasabihin ko sayo, kawalan ng utang na loob sa mga nag-umpisa ng laban para patalsikin ang isang diktador kung yun ang pagtingin mo. Oportunismo. Sa tingin mo ba lalakas ang laban kay Marcos kung walang magsisimula, baka nung panahon ding iyon ay mga tao din na katulad mong mag-isip, na hihintayin na lang ang panahong malakas na malakas na ang laban tapos doon susulpot. Kapag nagtagumpay, ipagmamalaking bahagi siya ng tagumpay. hahaha.

    Anyway, mas magandang usap tayo ng personal sa mga ideya natin orayt?

    ReplyDelete
  42. Naku akala ko pa nman ok ang abs cbn may mga baho din naman pala yan sila na ganyan. Kung ganun ang ginagawa ng abs-cbn at walang marereport, paano na lang. bilib pa nman ako sa abs cbn live, pero ngayon bakit ganun.

    ReplyDelete
  43. Wheng Hidalgo is now on TV5.. :)

    ReplyDelete
  44. Kaya siguro tinanggal sa abs cbn yan si wheng hidalgo ay dahil walang may gusto sa kanya. Masama siguro ugali. Kung sa bagay karapatan ng abs cbn pumili ng mga empleyado nila. Sa totoo lang, wala kasing dating ang reporter na si wheng hidalgo. Di sya kaaya aya tignan sa tv. Di rin masyado maintindihan pinagsasasabi nya. At walang hitsura. In short panget mukha nya. Di ks gaganahang panoorin sya sa tv. Kawawa naman tv5, kumuha ng basurang itinapon.

    ReplyDelete
  45. Panget mo wheng hidalgo. Mukha kang palaka.

    ReplyDelete
  46. May baho talaga kaya tinanggal sa abs cbn yan si wheng hidalgo. Alam nyo ba na bukod sa panget ay may halitosis pa! Bad Breath yan si wheng hidalgo.

    ReplyDelete
  47. Kung magaling yan si ms rowena wheng hidalgo for sure di sya aalisin sa Abs Cbn. Baka naman kasi talagang wala lang laman utak nyan. Balita ko nang aagaw pa ng asawa ng may asawa sa panget na hitsura nyang yon. Apir!!

    ReplyDelete
  48. may karapatan ang abs cbn magtanggal ng kahit sino. Besides, pumirma si weng hidalgo Di ba? So meaning, she is aware that her situation is contractual. Aware siya. Kapal ng face nya o talaga lang she is stupid. E, tanga pala yan si wheng hidalgo e. Bakit pumayag ng 16.years na contractual? TANGA KA WHENG HIDALGO. MASAMA UGALI MO . KAMAY MO KAMAY NG NAGPAPAKAIN

    ReplyDelete

Please do not forget to have your identity. After commenting, you may share this. Thanks! Apir!