Pages

Tuesday, September 21, 2010

Statement of the Morong 43 on the Commemoration of the Declaration of Martial Law

Dalawampu’t apat  na taon na ang nakalipas nang wakasan ng People Power I ang may dalawang dekadang  diktadura ni Marcos. Apat na administrasyon na ang nagdaan simula  nang ituring ng sambayanang Pilipino ang pag-alpas mula sa pangil ng  Batas Militar at malalang paglabag sa karapatang pantao.

Dalawampu’t  apat na taon at apat na administrasyon, kasing-edad na ng ilan sa  aming mga itinuturing na terorista ay ngayo’y nananatiling nakapiit. Karamihan  sa amin sa Morong 43 ay hindi na naabutan pa ang bagsik ng diktadurang  naranasan ng sambayang Pilipino. Ngunit sa aming naranasang dahas  mula sa military at iba pang ahente ng gobyernong Arroyo, may pagkakaiba  nga ba ang mabuhay noong panahon ni Marcos sa ating ating panahon ngayon?

May  pitong buwan na ang nakalipas mula nang iligal na inaresto ang Morong  43 ng mga sundalo sa aming ika-anim na araw para sa pagsasanay  medical na aming inilunsad sa Morong, Rizal. Nananatiling nakamarka  ang pait at hirap ng karanasang iyon noong Pebrero 6, 2010. Ang  pisikal, mental at sikolihikal na tortyur ay bahagi ng aming  naranasan, na ayon sa mga humuli sa amin ay SOP daw. Standard  operating procedure pala ng militar at pulis ang tortyur! Kasabay ng  pagpiring sa aming mga matang luhaan, narinig namin ang paglibak sa  aming hangaring maglingkod sa bayansa sarkastikong pagtawa, paulit-ulit na  tanong at pagsambit ng “Nars ka ba ng NPA?” o “Sayang ka, yan tuloy ang napala  mo!” Inihahalintulad nila ang pagseserbisyo sa mahihirap sa isang bagay  na hindi dapat tularan.

Ito nga ang napala ng 43  manggagawang pangkalusugan --- ang mapiit dahil sa pagkalinga sa  mahihirap at kapos-palad. Ito rin ang sinapit ng daan-libong aktibista,  mamamahayag at iba pang sektor ng lipunan dahil sa paniniwalang makatarungan  ang lumaban para sa wasto at makatwiran. Kinukutya, tinotortyur at  pinapatay ang mamamayang lumalaban dahil sa simpleng paniniwala sa
katotohanan  at paninindigan para sa inaapi at pinagsasamantalahan. Sa desperasyong  ipangalandakan ang katapusan ng insurhensya sa bansa, ginagawang  tropeo ang iligal na pagdakip, pagdukot, pagpatay at pagmasaker.

Sa  ating paggunita ng deklarasyon ng Martial Law ngayong Setyembre 21, alalalahanin  natin ang pananatili ng mga militarista at maka-hayop na pagturing  sa karapatan ng mamamayan. Kasama nating alalahanin ang hindi mabilang  na paglabag sa karapatang pantao. Kasama nating alalahanin ang mga buhay  at pag-asang kinitil kapalit ng gantimpalang pilak at ginto ng mga salot  sa lipunan. Kasabay ng ating pag-alala ay ang ating patuloy na paninindigan  para sa kanilang ipinaglalaban.

Ang laban ng Morong 43  ay hindi natatapos sa aming pagkapiit. Sa aming pakikibaka para sa  katarungan at paglaya, batid naming ang napakalaking papel ng suporta  at pagkilos ng mamamayan. Bilang mga manggagawang pangkalusugan,  hindi hiwalay an gating mga ipinaglalaban -- ang makamit ang katarungan  at sapat na serbisyong panlipunan. Bilang mga ina, ama, o anak, hindi  hiwalay an gating nais na magkaroon ng malayaat tunay na payapang
pamumuhay.

Sa  kabila n gaming pagkapiit, asahan niyo ang patuloy naming pakikibaka  para sa paglaya, at ang patuloy na pag-asang muli’t muli, babalik  kami sa mga komunidadupang magbigay ng serbisyong pangkalusugan.  Nagpapasalamat kami at patuloy na nananawagan sa inyo para sa aming  paglaya at paglaya ng lahat ng bilanggong pulitikal. Ang pagkilos ng  sambayanan ang nagbibigay sa amin ng katatagan at lakas ng loob sa  pagharap sa hamong ito sa aming buhay.

Palayain ang  Morong 43 at lahat ng bilanggong pulitikal!
Ilantad, tutulan at  labanan ang pasismo ng estado!
Katarungan at kalayaan sa lahat ng  biktima ng paglabag sa karapatang pantao!


No comments:

Post a Comment

Please do not forget to have your identity. After commenting, you may share this. Thanks! Apir!