Pages

Friday, October 8, 2010

Pagpupugay sa mga tunay na iskolar ng bayan!

“Libro, hindi bala! Edukasyon, hindi gera! Budget cut sa SUC, tutulan, labanan, ‘wag pahintulutan!"

Kakapanood ko lang ng balita tungkol sa naging "eksena" ng mga estudyante ng University of the Philippines- Manila at ibang militanteng kabataan. Dalawa lang ang naramdaman ko habang at pagkatapos ko itong napanood. Una, ay pagpupugay para sa mga kabataang ito, pangalawa ay suklam kay Aquino.

Una ay pinagpupugayan ko ang mga kabataang ito sa pangunguna ng UPM Student Council chair Ces Santos para sa mapanghas nitong aksyon para iparinig kay Aquino ang panawagan ng milyon-milyong kabataan. Alam kong hindi naging madali ang kanilang ginawa lalo na at marahil ay may maximum security measures na ipinapatupad sa lugar na iyon dahil presidente ang nagsasalita. Kahanga-hanga ang katapangan nila para gawin ito. At tulad ng inaasahan ko, may iilan pa ring magtataas ng kanilang kilay sa ginawa ng mga kabataang ito. Ika nga ng iba, ang mga kabataang ito ay "mga bastos", "mga walang modo" at pinalalabas pang para bang maling-mali ang ginawa ng mga ito. Siguro nga ito ay mali para sa mga nagpapaka-intelektwal at nagpapakasibilisado kunong mga burgis pero tingin ko ay ito na ang pinakatamang gawin ng mga kabataan para ipaglaban ang kanilang batayang karapatan--ang maging mapangahas.

Sa panahong ipinagkakait sa iyo ang pinakamahalagang bagay para sa iyo tulad ng edukasyon ay hindi maling sumigaw, "manggulo" at manawagan para kamtim ito. Hindi ito mali at ang mali ay ang manahimik ka habang ginagago ka na nang harap-harapan. Tulad ng mga nanood sa bulwagang iyon na walang ibang ginawa kundi sumisip kay Aquino. Kahit puro kasinungalingan ang pinagsasasabi ay puros tango lang. Yun ang mali. Yun ang kabobohan. At yun ang pambabastos sa henerasyong magmamana ng kasalukuyan. Mga impokrita! Sabi nga ni Vencer Crisostomo ng kabataan partylist, ang pananahimik sa panahong niloloko at winawalang-hiya ka na ay masahol pa sa kamatayan. TAMA!

Kaso bukod sa pagpupugay na nararamdamn ko para sa mga kabataang nangahas para sabihin ang kanilang hinaing ay ang pagkasuklam ko kay Aquino. Nakakasuklam ang kanyang papogi style para pagtakpan ang kawalang-hiyaan. Nakakainis ang lantarang pagsisinungaling nito sa harap ng maraming tao. Nakakasuka!

Ang sabi ni Aquino matapos ang pagsigaw ng mga kabataan ay:

“Huwag nating kalimutang ‘yung edukasyon, ‘di lang naman yung CHED, ‘yung tertiary level. Meron ding DepEd na kasama, meron ding TESDA. Baka pwedeng tingnan kung gaano kalaki ang inilaki ng budget ng DepEd para maalala natin na ‘di pinapabayaan ang edukasyon,"

Ano ba ito Aquino? Hinahamon mo ba kami para ipamukha sa iyo ang pagpapabaya mo sa sektor ng edukasyon? Putang ina, hindi ka ba nahihiya? Ipinagsanggalang mo pa ang basic education para i-justify ang malakihang pagbabawas sa badyet para sa mga pampublikong pamantasan. O sige, itanong mo sa mamamayan kung natutuwa ba sila sa plano mo para sa edukasyon. Ipinagmamalaki mo ba ang gamumong itinaas o itataas na badyet para sa edukasyon sa pangkalahatan? Yun ba ang ibig sabihin mo na hindi lang tertiary level ang edukasyon kaya't tingnan namin ang itinaas ng badyet? Ni hindi nga ito umabot sa rekomendasyon ng UNESCO na 6% ng Gross National Product ang dapat inilalaan para sa badyet sa edukasyon. Hoy! Sasabihin ko sa'yo mas malaki pa ang naging badyet sa edukasyon nung panahon ni Estrada at sa kasaysayan mula sa panahon ng iyong ina ay ito na ang pinakamataas na badyet para sa sektor ng edukasyon! Isa pa, ano bang ipinagmamalaki mong itinaas ng badyet para dito kung ikukumpara mo naman ito sa itinaas ng badyet para sa militar. E sabi nga sa konstitusyon sa edukasyon dapat inilalaan ang pinakamalaking badyet pambansa. Hindi sa militar!

Ipinagmamalaki mo ba ang P31.1 B increase sa edukasyon? Hindi ka ba nanginginig niyan?  Hindi ka ba natatakot na makidlatan dahil sa ipinagmamalaki mong iyan? Subukan mong hatiin yan sa milyon-milyong kabataan. Subukan mong kompyutin o tuusin yan at sabihin mo sa amin kung mapupunan na ba niyan ang 4 060 dagdag na guro, 61 343 dagdag na silid aralan, 816 291 dagdag na silya, 113,051 patubig at iba pang pasilidad at halos 400 milyong bagong libro. Hindi mo nga maitaas ang sweldo ng mga guro e. At ito pa ang panukala mong dagdag na 2 taon sa basic ed. Josko naman! Ano ba iyan! Tatandan mo, ang mga ipinagmamalaki ay yung tunay na malaki at lumaki! Hindi yung naungusan mo lang ng kaunti yung iba ay nagmalaki ka na.  Tama nga ang sinabi ni Charrise Banes ng Anakbayan--baliw ka nga!

Hindi ka man lang ba nakaramdam ng hiya sa paghahamon mong tingnan namin kung gaano ang itinaas na badyet sa edukasyon? Mas mabuti pa nga sanang nanahimik ka na lang! Letse!

“It was the loudest feedback President Aquino ever received in his 100 days in office and like what he vowed to do for the rest of his term, [he] listened and heard them well,"

Ito pa, anong pinagsasabi mong (Aquino) hinayaan mong magsalita ang mga kabataan dahil pinaninindigan mong sila ang boss mo? Na ito ang sinumpaan mo sa mamamayan--ang makinig sa mga hinaing namin? Ulul! Naka-live broadcast kasi ito at ayaw mong garapalang ipakita ang hindi mo pakikinig sa kanila kaya ngumiti ka lang. Bakit ganun ba ang nangyayari sa mga rally? Pinakikinggan mo ba ang mga hinaing ng mga ito? Kung pinakikinggan mo bakit nasa kongreso pa rin si GMA at hindi mo pa rin ito nagagawang kasuhan? Ni hindi mo pa yata nauumpisahan ang imbestigasyon. Kung nakikinig ka bakit hindi mo tutulan ang nakaambang budget cut sa edukasyon, serbisyong pangkalusugan, agrikultura at marami pa. Mga bagay na mas higit na kailangan ng mamamayan mo. Kung nakikinig ka bakit nakakulong pa rin ang 43 manggagawang pangkalusugan? Bakit wala pa ring hustisya para sa mga biktima ng karapatang pantao? At kung nakikinig ka e di sana sinusunod mo ang gusto ng mamamayan mo at hindi ng mga dayuhang binubusabos ang bansa mo!

Isa pa, ganon ba ang gagawin ng mga tauhan mo kung sakaling walang camera at hindi ka napapanood sa buong mundo? Nga pala, kita naman sa camera na kinuha agad sa mga estudyante ang kanilang placard. At take note, nilakasan pa ninyo ang music para hindi marinig ang sinasabi nila. Yun ba ang sinasabi ng mga PR people mo na ipinakita mo ang pagkamamamayan mo? Na ikinumpara mo pa ang ang ginawa ni GMA nung panahon may nag-rally din sa programa niya? Na ikaw pinakinggan mo sila at si GMA dinahas sila. Pero ano ba ang ibig sabhin nung marahas na dispersal na nararanasan ng mamamayang nagdaraos lang naman ng mapayapang  programa? Dispersal ng mga estudyante sa CHED, DepEd, Mendiola, Kongreso at kung saan-saan pa. Diba't hindi ito pagrespeto sa kanilang demokratikong karapatan para magpahayag ng saloobin? Ganon ka ba makinig? Kung ikaw kaya pakinggan namin sa paraan kung paano mo kami pinakikinggan? Huwag ka na kasing umastang maka-mamamayan at mahal mo ang kabataan dahil hindi bagay! Alam na namin ang totoo. At mulat sapul palang alam na naming wala kaming aasahan sa'yo! Kaya nga hindi ikaw ang naging presidente ko noong eleksyon!

Muli, pagpupugay para sa mga kabataang walang takot na nananawagan para sa kanilang mga batayang karapatan. At nais ko lang sabihin sa mga nakataas pa rin ang kilay, sinuri ko ang slogan na "Edukasyon ay karapatan, ipaglaban! at nakakatuwang kahit pagbalik-baliktarin mo pa ang mundo ay tama ito. Kahit anong ideyolihya o teorya pa ang ilapat mo ay tama at makatwiran pa rin ito. Kahit anong wika pa ang itumbas mo dito. At kahit anong relihiyon pa ang pabasahin mo nito, tumpak talaga ang panawagang ito!

Mabuhay ang mga kabataang lumalaban!
Mabuhay ang mamamayang lumalaban!

UP Manila Student Coucil Chair Cesarie Ann Santos

Maaari ninyong mapanood ang balita ng GMA 7 tungkol dito sa pamamagitan ng link na ito.

9 comments:

  1. marapat lamang na pagpugayan ang mga kasamang nangahas at naglakas ng loob na pakitaan ng militansya presidenteng hindi nmn talaga nakikinig sa totoong kalagayan ng mamamayang pilipino lalong lalo na sa aming mga kabataan. walang pagbabago sa mga polisiya at patakaran bagkus nangongopya lamang din ng konsepto at pinagpapatuloy ang mga bulok at di makataong mga gawain!
    pagpupugay din sa manunulat ng blog na ito at sa mga elitistang naninira sa blog na ito at sa mga makasarili may araw din kayo!

    ReplyDelete
  2. isa lang masasabi ko..sana lakihan ang budget ng mga SUCs sa Pilipinas.. lalo na yung pamantasan ng mga mahihirap, ung PUP.

    ReplyDelete
  3. haay,,nakakadismaya pala ang koment ni PNoy. well, mukang walang president na gustong atupagin ang edukasyon,,
    -sana wag nya kalimutan ang mga kolehiyo.. bigyan sana ng patas na budget. PATAS AT MAKATARUNGAN.

    ReplyDelete
  4. P-NOY YOU'RE NOT REALLY FOR PINOYs!

    hindi lang iyon simpleng usapin ng freedom of speech, dahil kung freedom of speech lang ang ipinagmamalaki nya, taliwas ito sa mga kaganapan sa mga pagkilos, lalo pa at sa kanyang "MENDIOLA PEACE ARCH" SADYANG NAPAKA-IRONIC NG MUNDO.
    ISA PA SA USAPIN NG BASIC EDUCATION, MAY DAGDAG BADYET DAHIL NA RIN SA KANYANG PROGRAMANG K+12 NA SA TOTOO LANG AY ISANG ISKEMA SA PATULOY NANG PAGPAPABAYA NG ADMINISTRASYON SA SEKTOR NG EDUKASYON DAHIL NAG-EENGANYO ITO UPANG MKPGTRBHO ANG MGA HS GRADUATE NA MAARING MAGRESULTA SA PAGLIIT NG POPULASYON NG MGA ESTUDYANTE SA KOLEHIYO, MAS MALIIT NA POPULASYON MAS MALIIT NA BADYET ANG KAILANGAN., LAYUNIN NITO NA BGYAN AGAD NG MGA HS GRADUATE COLLEGE GRADUATE NGA WALANG MHANAP NA TRBHO E, KALOKOHAN!
    P-NOY ISANG DAANG ARAW PA LANG, SABI NG IBA BGYAN KA PA NG PAGKAKATAON..PERO ANG MAMAMAYAN ..MATANDA PA SAYO ANG PAGHIHIRAP AT NI MINSAN AY HIND NAMAN TALAGA NGKAROON NG PAGKAKATAONG MAMUHAY NG MAAYOS, DAHIL PAULIT-ULIT SILANG BINIBILOG NG BULOK NA SISTEMA KUNG SAAN KA NAGLILINGKOD!

    ReplyDelete
  5. Hindi ko inaasahan ang sagot ni PNOY sa ating panawagan. Napakabobo! Para sabihin ko sa kanya, Hindi dapat pinaghihiwalay ang usapin sa Budget na inilalaan sa Basic Ed at sa Higher Ed. Parehas na Tungkulin ng gobyerno ito, at hindi dapat inaabandona o pinapabayaan ang kahit isa sa dalawa! G*** K* P***** *** M* ! Saksakan ka ng Bobo!

    ReplyDelete
  6. Sa panahong kahit ang mga SUCs na tangi na lamang inaasahan ng mga kabataan na kaya nilang pasukan dahil relatibong mas mababa ang matrikula ay nagiging pribado na, sa panahong hindi kayang magbayad ng tuition ng mga kabataan para makapag-tapos sila ng pag-aaral, sa panahong halatang pinababayaan ng gobyerno ang edukasyon at ang iba pang serbisyong panlipunan, walang karapatan ang gobyernong PNoy na sabihing me freedom of speech dahil kahit na sabihin ng kabataan gaya nila Ces sa pagmumukha ni PNoy na HUWAG BAWASAN BAGKUS AY DAGDAGAN ANG BUDGET SA BUONG SEKTOR NG EDUKASYON, kung wala siyang balak makinig, walang mangyayari. Naririnig niya ang mamamayan, pero hindi niya tayo pinakikinggan.

    ReplyDelete
  7. isa lang ang masasabi ko sa sagot ni PNOY:

    BOBO much? WAG VOVO PLEASE.

    kainis. presidente pa naman sana, bobo bobo. grabe. kairita. wala talaga. lumalabas na totoo niyang kulay.

    ReplyDelete
  8. Kaya siguro ganyan kahina at kawalang kwenta ng sagot niya, kasi hindi rin ata siya nakaranas ng magandang edukasyon. Tsk3.

    P- Noy: Magpasalamat ka at may mga matatalinong estudyante pa rin na handang pigilan ang mga kamalian mo.
    Wag mo silang balewalain at hamunin nang ganyan-- kasi walang kwenta talaga.

    ReplyDelete
  9. Masyado kasing naging kampante ang iba sa pagboto kay Noynoy. Porke't hindi raw nangungurakot binoto na. Isang napakalaking pagkakamali.

    Haay, mukhang di ko na mapagpapatuloy ang pag aaral ko sa UP dahil sa budget cut na ito. :| 100,000 per sem? Tae. Mas mahal pa sa Ateneo.

    ReplyDelete

Please do not forget to have your identity. After commenting, you may share this. Thanks! Apir!