Pages

Saturday, October 9, 2010

Certified Imba si Aquino

Sabi ng tropa kong si Julieto Pellazar na adik sa larong  "defence of the ancients" o mas kilala sa tawag na DOTA, ang ibig sabihin daw ng imba ay imbalanced. Ginagamit raw nila ito sa mga kalaro nilang halimaw sa paglalaro ng DOTA o hindi kaya ay sa mga hindi ganoon kagaling. Ang imbalanced raw  sa DOTA ay maaaring matamo kung mauungusan mo ang iyong mga kalaban o hindi kaya ay ikaw ang mauungusan. Simple, basta hindi balansyado ang laro. Pero hindi lang sa DOTA ginagamit ang imba dahil sa kahit anong online games, mapa-RPG man o simpleng virtual game ay ginagamit na din ito.

Ni-research ko sa internet ang tunay nitong ibig sabihin at nagbasa rin ako ng mga online surveys, blog posts at mga facebook accounts tungkol dito at tama naman ang pagpapakahulugan ng tropa ko. Ayon sa answers.com, imba is an abbreviation of the word "imbalanced" or someone or something that causes an imbalance. It could describe someone who is very skilled in playing DOTA or an idiot who sucks at the game.

At dahil nga sa uso na ang salitang ito, madalas na rin nating naririnig sa mga kabataan ang ganitong salita. Kahit sa usapan ng mga magbabarkadang lasing bukang bibig na rin nila ito: "pare, imba ka kahapon, ang lupit mo" o di kaya ay "dude, imba syota mo, palitan mo na lang". Laganap na rin ito hindi lamang sa online community ngunit maging sa kalye. Nagiging laganap na ito parang sa paglaganap ng salitang jejemon dati.

At sa pagkakataong ito, gusto kong paabutin hindi na lamang sa kalye ang salitang imba ngunit maging sa Malacanang. Dahil para sa mga kabataan maging sa kalakhan ng mamamayan, certified imba (negative) talaga si Pangulong Aquino.

Imba si Noynoy dahil:
  • Una, hindi nagawang panagutin o usigin man lang ni Aquino si Arroyo at iba pang naging sangkot sa malawakang korapsyon at paglabag sa karapatang pantao. Ipinagmalaki pa ni PNoy ang binuo niyang Truth Commission e wala naman itong naisampang kaso para kay Arroyo. Sa katunayan ay pinabagal lang nito ang proseso ng pag-uusig sa mga salarin. Marahil ay nagawa nga ni Aquino na i-intimidate (intimidation lang talaga) ang ibang tax-evaders, mga patabaing baboy sa nakaraang adminstrasyon na tumatanggap ng sobrang laking sahod at mga luho mula sa kaban ng bayan pero walang kwenta si Aquino para sa pag-uusig sa pinakapasimuno ng mga anomalyang ito--si GMA.
  • Pangalawa, sa loob ng isang daang araw ni Aquino sa pwesto ay walang nakuhang hustisya ang mga biktima ng extra-judicial killings at enforced disapparances. Sa unang mga  linggo pa lang ng kanyang pag-upo ay tatlo na ang pinaslang na aktibista at sa ngayon ay may kabuuan ng 16 aktibista ang pinapaslang. Sa katunayan ay nagpapatuloy pa ang insidente ng panghaharas, iligal na pang-aaresto at torture sa mga kritiko ng gobyerno. At ang nakakalungkot pa rito ay wala pang umuusad na kaso sa pinakamasahol na human rights violator na si Arroyo. Nandyan din ang isyu ng Morong 43 na magpasahanggang ngayon ay nakapiit pa rin Camp Bagong Diwa. At sa kabila ng lahat ng paglabag sa karapatang-pantao ay nagawa pang i-extend ng gobyerno ang madugong programa kontra-insurhensiya ni GMA na Oplan bantay laya (Operation freedom watch).
  • Pangatlo, kaiba sa ipinangako ni Aquino ay hindi pa rin nasusolusyunan ang makasaysayang laban ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita. Hanggang sa ngayon ay nasa kontrol pa rin ng angkan ng mga Cojuangco ang buong lupain at patuloy pa ring busabos ang mga magsasaka sa kanilang sariling lupa. Sa pangkalahatan ay wala ring esensyal na reporma sa lupa na nagawa si Aquino. Sa katunayan pa nga niyan ay hindi niya rin pinakinggan ang agenda ng mga magsasaka dahil sa pangatlong araw pa lang ng kampuhang magssaka mula sa iba't ibang mga rehiyon ay marahas na itong bunuwag sa Mendiola. Nanatili pa rin magpasahanggang ngayon ang sistemang hasyenda na nagpapahirap sa ating mga magsasaka tulad ng sa Hacienda Yulo sa Calamba, Hacienda Looc, Roxas, Puyat, Agoncillo at Zobel sa Batangas, Hacienda Fule sa Laguna at marami pang iba. At masahol pa dito, sa kanyang ulat sa bayan para sa unang isang daang araw niya sa Palasyo ay wala rin siyang tinalakay hinggil dito.
  • Pang-apat, ipinagpapatuloy pa rin ni Aquino ang mga bigong patakarang neo-liberal ng mga nagdaang gobyerno.  Tulad ng kanyang sinundan, nakasandig pa rin si Aquino sa mga foreign investments, foreign loans at OFW remittances para isalba ang naghihingalong ekonomiya. Wala rin siyang plano para magpatupad ng mga tunay na reporma sa lupa, pambansang industriyalisasyon na pundamental para sa pambansang pag-unlad.Sa katunayan ay pinangangalandakan ng gobyernong Aquino ang Public-Private Partnership program nito.
  • Pang-lima, pinaliit din ni Aquino ang badyet para sa serbisyo-sosyal tulad ng edukasyon at kalusugan habang ipinagmamalaki ang programang “conditional-cash transfer” para tugunan di-umano ang kahirapan ng mamamayan. Sa kabila nito ay nakaamba rin ang pagtataas ng pasahe sa LRT/MRT at presyo ng iba pang pangunahing bilihin. Nandyan rin ang pagpapatupad sa susunod na taon ng dagdag na dalawang taon  (K+12) para sa basic education.
  •  Pang-anim, nagpapatuloy pa rin sa pagpapatuta ang gobyernong ito sa gobyernong Amerika. Kaiba sa naipangako ni Aquino ay wala pang nagiging hakbang ang gobyerno para sa pagrerebyu ng Visiting Forces Agreement. Sa katunayan ay sinuportahan pa ni Aquino ang US war on terror at ang panghihimasok ng Amerika sa Southeast Asia. Hindi rin ito naninindigan sa pagpapalayas sa mga tropang militar ng Amerika sa Mindanao na nagreresulta lamang ng karahasan lalo na sa mga kababaihan at bata.

Ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit  "imba" nga talaga si Aquino. Imba siya para sa mga mamamayan. At tulad nga ng sinabi ni Renato reyes Jr, secretary general ng Bagong Alyansang Mabayan, ang pag-unlad na ipinagmalaki ni Noynoy sa kanyang ulat sa bayan noong ika-7 ng Oktubre ay malayo sa bituka ng mamamayang nakakaranas ng matinding kagutuman at kahirapan. Kumbaga, wapakels ang mga tao sa mga pag-unlad na natamo kuno ng gobyernong ito sa unang isang daang araw ni Aquino dahil ang kailangan nila ay LUPA, SAHOD, TRABAHO, EDUKASYON AT SERBISYO-SOSYAL. Ito ang esensyal para sa mamamayan.

Kaya para sa amin, certified imba ka talaga Aquino!

11 comments:

  1. IMBA din report na 'to... it only presented what President Aquino failed to do. How about the accomplishments? So that we can compare or I should say we can weigh, how imbalance this administration is.

    Let's look at the big picture.

    ReplyDelete
  2. Hi Gibo, accomplishment?
    Sabi ko nga sa dulo, ang mga pinagmayabang na accomplishment niya sa first 100 days niya ay MALAYO SA BITUKA NG MGA MAHIHIRAP. Hindi ramdam dahil hindi ito ang kailangan ng mamamayan.

    Isa pa, pwedemong bisitahin ang site ng ABS-CBN Promise tracker kung saan ay nakasulat doon ang mga ipinangako ni Aquino at kung ano ng progress nito at nakakahiya ay halos wala pa siyang nauumpisahan hehehe.

    Nice imba comment! Apir! Thanks for reading this and commenting!

    ReplyDelete
  3. @Gibo

    sana kasi ikaw na lang nanalo.

    hehe!

    ReplyDelete
  4. malaking TAMAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  5. hindi ba International Mountain Biking Association (IMBA) ang imba.. wahahaha

    ReplyDelete
  6. Well for me, maybe it could make a difference kung iba ang naging presidente ng pilipinas but let's be factual, Philippines is in great crisis and it can't be revived by one good president only. It needs series of good and very dedicated president for it to be revived from its downfall. I got your point that PNoy is overreacting in establishing a truth commission against the previous administration. IMBA might be the right term to be used as a way to describe him but i think it doesn't fit only to him but toall the filipino citizen, because there is no such person as a well balanced. =) just an opinion. I am not an Aquino loyalist, I am just open to possibility of having a room for improvement

    ReplyDelete
  7. ang kailangn ng pilipinas ay isang magaling na pinuno at di ang presidenteng ang lumabas lang sa bibig ay puro matatamis na pananalita,

    nakakasuka kasi.

    mas mahalaga pa sakanya ang image niang mabait
    over sa imaheng mahusay na pinuno.

    sa konseptong "lets see the big picture"
    at tingan naten ang mga nagawa niang accomplishments,

    sa lahat ng nagdaang presidente ng pilipinas malamang yan din nasabi.

    ReplyDelete
  8. Siguro, yung sinasabi ni pareng Gibo, ay yung paglista ng sinasabing accomplishments nya dito, malapit man o malayo sa bituka ng mga mamamayan, para maging balanse ang impormasyon sa blog na ito. :)

    Kung gusto mo kasing mabasa 'to ng mga mamamayan at maging maimpluwensiya ito, mas maganda na may dahilan yung pag-"Oo nga no." ng mga tao dahil nabasa nila ang impormasyon nang kumpleto, o kung hindi man, naipresenta ang parehong panig. Para wala nang tanong pang maiiwan sa mga mambabasa, at hindi na nila kailangan pang humanap ng link patungo sa tanong nila. Ang hassle. :D

    Kasi nagca-cater lang ito sa failures niya. Sana naiintindihan mo ang punto ko at sige, ang punto na rin ni pareng Gibo sa pagkakaroon ng "accomplishments" part dito. :) Naka-bullet form din daw.

    Imba 'to.

    ReplyDelete
  9. Hi Jet, i visited your blog and it's nice. I wonder how did u put some flash there at kung ikaw ba gumawa nun.

    Sana ay magawan mo din ako ng bagay sa aking blog. Tingin ko html/ ccs master ka hehehe apir! Thanks for visiting my blog. Hope ull follow my blog!

    ReplyDelete
  10. I pray that every JDC will have a contented and appreciative heart and mind.

    ReplyDelete
  11. Kristian said...

    oo nga masyado kasing protective ang ating pangulo sa kanilang image! image kasi ang nagpanalo sa kanya, kaya pilit niyang pinapanatili ito ngunt hindi niya namamalayan na nagiging hadlang ito sa pagpapatupad ng mga dapat niyang isagawa. Natatakot siyang may masagasaang matataas na tao kaya walang pag-unlad sa bansang pilipinas kahit mabait na pinuno kailangan din itong maging istrikto na walang sinuman ang maaaring sumuway sa kanya gaya ng pamilyang arroyo hindi man lang nangangamba sa kanilang kabuhayan at sa kanilang kasalanan. Wala yatang balak si pangulong NOyNoy na rebisahin ang mga korapsyon sa terminong arroyo at ang pangako niya sa mga magsasaka ng las hacienda luisita ay pawang nakabinbin pa rin hmmmm.... araw araw kong ipinagdarasal na ang kapayapaan at kaunlaran ay makamtan ng bansang pilipinas pero pano ito matutupad kung ang namumuno ay walang plano sa aking pinapanalangin na bansa kailangan na yatang kumilos at hindi basta pagdarasal ang gawin ng mga mamamayan ng pilipinas upang matauhan ang ating pangulo, dumarami na ang namamatay na aktibista ngunit wala silang aksyon siguro ang tingin nila sa lahat ng aktibista ay kalaban ng gobyerno.. hindi nila alam na kaya nagkakaroon ng aktibista e dahil din sa maling isinasagawa nila at ito ang matiyagang nagpapaalala na dapat isagawa ang mga nakabinbin na planong puro sa salita lang masarap pakinggan. siguro ito na lang muna ang masasabi ko sana magising na ang ating pangulong NOyNoy upang magsimula na ang pag-unlad ng bansang mayaman na pilit pinaghihirap!

    ReplyDelete

Please do not forget to have your identity. After commenting, you may share this. Thanks! Apir!