Pages

Saturday, October 23, 2010

Magkakapamilya, magkakapuso at magkakapatid sa ngalan ng pagsasamantala


Wala talaga tayong maasahan sa mainstream media lalo na sa panahong interes na nila o ng mga taong bumubuhay sa kanila ang pag-uusapan. Sabi nga ni Allain Cadag , bise-presidente ng ABS-CBN-International Job Market Workers Union, magkakalaban lang ang iba't ibang malalaking istasyon sa rating pero magkakampi naman ito sa pagtatanggol sa mga interes nila o sa pambubusabaos sa mga emplyedo nito.

Bilang halimbawa, ilang beses nang nagkaroon ng kilos-protesta o sumama sa mga pagkilos ang IJM Workers Union para igiit ang kanilang karapatan sa trabaho. Tinanggal nang walang pakundangan ng ABS-CBN ang ilan nilang empleyado kabilang na ang batikang reporter na si Wheng Hidalgo pero ni isang kwento mula sa mga mainstream media ay wala akong nakita. Wala akong nabasa at walang akong napanood tungkol dito mula sa kanila. Tanging mga alternative media o mga multimedia outfit lang tulad ng Bulatlat, Pinoy Weekly, Tudla Productions, Mayday Multimedia at Kodao Productions , ang bumitbit ng istoryang ito.

Ang nakakatawa pa nga kahit sa mga online social networks ay wala rin silang paki sa balitang ito. Minsan kasi ay sinubok kong ibenta sa twitter ang aming news video tungkol sa piket ng IJM  sa mga media people. Napansin ko kasing akitbo sila sa twitter lalo na ang mga reporter ng DOS. Pero ilang beses ko mang "twinit" sa kanila ang link ay hindi  pa rin nila ito pinansin. Kumbaga ay patay malisya talaga sila. Kahit "re-tweet" o "repost" ay hindi nila pinagkaabalahang gawin.

Inisip ko minsan ay baka hindi lang talaga nila ito nababasa sa sobrang dami ng nagpapadala ng message sa kanila. Pero naisip ko na imposible naman ito kasi may mga panahon namang nireretweet nila (repost) ang mga link ko lalo na kapag showbiz news lang naman ito. At saka nagrereply naman sila sa akin kapag may itanatanong ako sa kanila. Kaya napagtanto ko, wala talaga tayong aasahan sa mga ito-- na hindi totoo ang sinasabi nilang walang pinoprotektahan, walang kinikilingan at lalong hindi totoo ang slogan ng mga ito na "in the service of the Filipino people". Pawang mga propaganda! Pawang mga kasinungalingan.

Kanya-kanya ang mga media network sa pagtatanggol sa mga taong nagpapayaman o pumoprotekta sa interes nila tulad ng pamilyang Cojuangco na isa sa mga pinakamalaking advertiser nila, tulad ni Aquino na kasalukuyang Presidente at "nagkataong" kapatid ng isa sa mga pinaka-loyal na artista ng dos na si Kris Aquino, at tulad pa ng ibang mga korporasyon, haciendero, negosyante, politiko na pinakikinabang nila. Ito o sila ang pinaglilingkuran at ipinagtatanggol ng mga ito at hindi ang mga mamamayan. Sabi nga, sa ngalan ng pera kaya nilang baliktarin ang katotohanan o kaya nilang ikubli ang katotohanan. Dito sila magaling.

Naalala ko tuloy ang itinuro sa akin ng aking prof sa kolehiyo na ngayon ay DZMM news achor na rin. Sabi niya, sa media daw ay may tinatawag na ACDC o attack and collect, defend and collect. Maninira ka para bayaran ka o di kaya naman ay ipagtatanggol mo ang isang tao, grupo o anu pa man kapalit ng pera. Ibig sabihin, hindi mahalaga ang katotohanan at ang mahalaga ay kung saan sila higit na makikinabang.

Ito ang nangyayari sa mainstream media at ganito ang sistema sa kanila. Sa totoo lang hindi ko naman layuning idiin ang mga reporter ng mga networks dahil alam naman nating gumawa man sila ng kwento tungkol sa mga mahahalagang balita, ang boss pa rin nila ang magpapasya kung ieere ba ito. Tulad ng balita tungkol sa mga iskolar ng bayan na nagsagawa ng kilos-protesta sa gitna ng programa sa "ulat sa bayan" ni Pnoy, kahit nainterview naman ang mga ito ay hindi pa rin naman inere. Tulad ng huling araw ng "Lakbayan ng magsasaka" noong Ika-21 ng Oktubre, nandun naman ang reporter ng dos at sa katotohanan pa nga ay nag-interview pa ito pero sa huli tanging syete (GMA 7) at singko (TV 5) lang ang nag-air ng nasabing kwento. Biro pa ng kaibigan ko, kasama kasi sa raling (rally) iyon ang ABS-CBN IJM Workers' Union kaya hindi talaga ito ieere. At marami pang pagkakataon na nagkaisa ang mga networks na ito sa isang newsblack out dahil pare-pareho silang apektado.

Pero hindi ko rin naman inaalis ang katotohanang may mga k_ _ _ l din talagang reporter (bonus lang ito). Minsan kasi, ibinabalita nga nila ang mga mahahalagang pangyayari pero wala namang kwenta ang anggulo ng storya nila. Tulad ng balita sa  naging kilos-protesta ng mga kabataan noong September 24, lahat ng lead ng balita nila sa telebisyon ay "Nauwi sa rambulan ang naging kilos-protesta ng mga kabataan..blah blah blah". Napaisip tuloy ako, sa rambulan nga ba talaga nauwi ang pagkilos nila? Nandun din  naman ako at para sa akin hindi naman basta nauwi sa rambulan ang kilos-protesta nila higit pa roon ay naging malaking tagumpay ito sa mga kabataan. Hindi ba at mas maganda kung ang magiging lead nila ay "Naging matagumpay ang pagkilos ng mga kabataan laban sa nakaambang budget cut sa mga pampubkilong pamatasan blah blah blah".

Sa huli, napagtanto kong makatwiran pa rin ang hindi pagpili sa kasikatan o kayamanang pwede mong matamo sa pagiging bahagi ng mga malalaking network na ito. Ipinagmamalaki kong mabuti at hindi ako kabilang sa mga network na ito at pinili ko pa ring panindigan ang malayang pamamahayag sa pamamagitan ng pagiging bahagi ng isang alternatibong media outfit.  

At para sa sakin higit na mas mahalaga pa kaysa karerang inaasam ng lahat ay ang pagsusulong ng malayang pamamahayag na magsisilbi sa  mamamayan at hindi sa iilan.


Maari nyong panoorin at basahin ang mga ito:

Hinggil sa pagkakatanggal ni Wheng Hidalgo sa ABS-CBN
Piket ng mga empleyado ng ABS-CBN
Kilos-protesta ng mga kabataan noong September 24
Unang araw ng Lakbayang Magsasaka
Ikatlong araw ng Lakbayang Magsasaka
Pagpupgay sa tagumpay ng Lakbayang Magsasaka

P.S,

"Mas" ang mga network o may-ari ng network ang pinatutungkulan ng akdang ito at hindi ang mga indibidwal na mga mamamahayag. Naniniwala akong marami pa rin ang naninindigan para sa kalayaan ng pamamahayag para sa mamamayan.

 At nais ko ding linawin na hindi ko ibig sabihing wala (as in wala) talagang balita na nagawa hinggil sa isyu ng mga empleyado ng ABS-CBN sa mga mainstream media kasama na ang mga peryodiko dahil meron naman tulad sa Manila times atbp. Sa katunayan, nagawan naman mismo ng ABS-CBN ng storya ang balitang ito (sa internet nga lang at hindi sa TV) at syempre ang treatment sa balita nila ay pabor pa rin sa kanilang management.

Nais ko ding pasalamatan ang aking kaibigang si Ron Erik Bautista para sa pagbibigay ng  pamagat na ito.

11 comments:

  1. These networks need to survive as well. So they have to protect their names when it's tainted. If firing someone will save their asses, they'll do it. They have actually done it many times. Everything is commercialized. Survival of the fittest is the name of the game.

    ReplyDelete
  2. @arnel_2082: if you think that life is a game.. i think your wrong...life is having dignity and wisdom and doing the right think for the interest of your social class that you love and serve and leave a legacy that your class will treasure in days to come.

    if you think it is survival of the fittest..who are the fittest class to defeat the ruling class? do you have any idea who will defeat the imperialist and its cohorts in what you call game of survival in order to change the old and rotten semi feudal and semi colonial society with a new one that will serve the interest of the oppressed and the exploited?

    class contradiction not survival is the name of the game if i may borrow your words.

    these networks is one and the same if the issue is class contradictions and all these networks will serve the interest of the ruling class in present dispensation and that is a fact and happening..now! the question is were do we stand? are we going to let them continue their oppression and exploitation of the network work force? your answer is as good as mine.

    ReplyDelete
  3. formation reaction lang yung mga slogan nilang "in the service of the filipino," "walang kinikilingan," at etc. inuuto laman nila ang mga tao. one good example eh yung ratings game, nag aaway na yung mga iba dahil dyan eh sa totoo naman magkakampi silang lahat.

    ReplyDelete
  4. feeling ko may kinalaman yung paggawa ni kris ng project with dingdong dantes under GMA.

    ReplyDelete
  5. " Kanya-kanya ang mga media network sa pagtatanggol sa mga taong nagpapayaman o pumoprotekta sa interes nila tulad ng pamilyang Cojuangco na isa sa mga pinakamalaking advertiser nila, tulad ni Aquino na kasalukuyang Presidente at "nagkataong" kapatid ng isa sa mga pinaka-loyal na artista ng dos na si Kris Aquino, at tulad pa ng ibang mga korporasyon, haciendero, negosyante, politiko na pinakikinabang nila. Ito o sila ang pinaglilingkuran at ipinagtatanggol ng mga ito at hindi ang mga mamamayan. Sabi nga, sa ngalan ng pera kaya nilang baliktarin ang katotohanan o kaya nilang ikubli ang katotohanan. Dito sila magaling."

    ReplyDelete
  6. Salamat sa mga komento sana ay i-repost nyo pa ito pati yung ibang mga article related dito. Salamat!

    Basa pa kayo ibang blogpost tungkol sa ibat ibang issue hehehe apir!

    ReplyDelete
  7. parang walang pinag-iba sa showbiz. pinapaikot ung mga tao based sa kwentong gusto nila palabasin.propaganda nga naman. nililigaw ang tao sa kung ano ang totoo.

    ReplyDelete
  8. maganda magwelga 'till ndi u nadadanas hirap mghanap ng work. kung gustong mawalan ng work ng mga yan, then, go! wag lang mga station sisishin nila in the end.

    ReplyDelete
  9. @PNOY NEWS: Ateh! ano bang pinagsasasabi mo? eh ang mga empleyado nga ng ABS-CBN sumama mismo sa kilos protesta precisely dahil sa walang-katarungang pagtanggal sa kanila sa trabaho! at bago man sila matanggal sa trabaho nararanasan na rin nila ang pagsasamantala dahil sa kontraktwalisasyon. Tama lang na manindigan sila sa mga karapatan nila!

    ReplyDelete
  10. walang kapamilya, kapuso o kapatid sa midya, bagkus MGA KASAMA SILA BILANG MANGGAGAWANG PANGKULTURA PARA SA SAMBAYANAN.

    PARA SA BALITA NG MALAYANG PILIPINAS

    ReplyDelete
  11. gabby lopez is a union buster!!!

    ReplyDelete

Please do not forget to have your identity. After commenting, you may share this. Thanks! Apir!