Pages

Sunday, November 21, 2010

Never Forget





Media personalities remind the public not to forget the Ampatuan Massacre and to join the call for justice for the victims.

Director: TJ BESA
DOP: NAP JAMIR
Script: ALWYN ALBURO (Tagalog) and SONNY FERNANDEZ (English)
Sound: TJ BESA / JING GARCIA
Executive Producer: ALWYN ALBURO
Production Managers: VERONICA UY / TJ BESA
Producers: NOVEMBER 23 MOVEMENT (N23M) / NATIONAL UNION OF JOURNALISTS OF THE PHILIPPINES (NUJP)
Production: RSVP FILM PRODUCTION & RENTALS
Post-Production: UNDERGROUND LOGIC

Talents / Personalities:

Tagalog
1. Weng Paraan / National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)
2. Nikko Dizon / Philippine Daily Inquirer (PDI)
3. Cecille Lardizabal / Radyo Inquirer 992
4. Evangeline Fernandez / Hustisya
5. Luis Liwanag / PCP
6. Inday Espina-Varona / NUJP & ANC
7. Paolo Villaluna / ANC
8. Kiri Dalena / ANC
9. Alwyn Alburo / NUJP & GMA 7

English
1. Ed Lingao / Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ)
2. Paolo Romero / Philippine Star
3. Pat Evangelista / ANC
4. Maria Ressa / formerly ABS-CBN / Veteran Journalist
5. Vergel Santos / Center for Media Freedom & Responsibility (CMFR) & Business World
6. Inday Varona / NUJP & ANC
 
Courtesy of National Union of Journalist of the Philippines
(Youtube Channel: nujp2010)

Wednesday, November 17, 2010

Welga kami laban sa budget cut!


WELGA! Ito na nga siguro ang pinakanararapat na gawin sa panahon na garapalang ipinagkakait sa mamamayan ang kanilang mga demokratikong karapatan. Dahil kahit kailan, wala namang napagtagumpayan sa isang "magandang usapan". Yung tipong makipagdiyalogo daw ng maayos at huwag maging radikal.

Wednesday, November 10, 2010

Mga drayber ng kuliglig at pedicab nagkaisa laban sa phase-out


Naglunsad ng isang press conference kasama si Bayan Muna representative Neri Javier Colmenares ngayong araw sa Quiapo, Maynila ang mga drayber ng kuliglig at pedicab para tutulan ang planong phase-out sa kanila sa syudad.

Nanguna sa conference ang mga representante ng mga drayber sa iba’t ibang distrito sa Maynila na sina Ben Casinga ng Ika-limang distrito, Fernando Picarro ng Ika-apat na distrito, Vandolph Lacsina ng Ikatlong distrito at si Jeffrey Olidan ng ikalawang distrito.

Mga manggagawang pangkalusugan, nanawagan ng dagdag-sahod


Nanawagan ang mga manggagawang pangkalusugan sa pangunguna ng Alliance of Health Workers ng mas makatarungan at nakabubuhay na sahod sa isang press conference kanina na nilahukan ng mga tagapangulo ng iba't ibang institusyon at asosasyong pangkalusugan.

Dumalo bilang tagapagsalita sina Dr. Teresita I. Barcelo, Presidente ng Philippine Nurses Association; Cecille Banca-Santos, Presidente ng Philippine League of Government and Private Midwives, Inc.; Dr. Fresco B. Yapenson, Presidente ng Philippine Assembly of Medical Specialist; Leah Paquiz, RN, Presidente ng ANG NARS; Eleonor Nolasco, RN, Presidente ng NARS NG BAYAN- Community Health Nurse Association; Dr. Joseph Carabeo, Presidente ng Community Physician Association at si Emma Manuel, RMT, Presidente ng Alliance of Health Workers.

Friday, November 5, 2010

Mga anak ng diyos (God's Children) with subtitle




Nagbabalik ang youtube sensation na si Mae Paner a.k.a "Juana Change" sa isang video teaser higgil sa reproductive health bill.

Ginampanan ni Mae Paner sa video na ito ang isang babaeng naanakan ng isang pari (Lou Veloso) na sa huli ay napagtanto ang pangangailangan para ipasa ang nasabing panukalang batas--na ang RH BILL ay tutugon sa usaping pangkalusugan higit pa sa usapin ng populasyon.

Magandat at nakaka-enjoy ang presentasyong ginawa rito. Malupit ang mga ideyang patama sa mga tumututol sa panukalang batas lalo na ang simbahang katolika. Apir!

Maaari nyo ring basahin ito: 
Introduction to the comprehensive reproductive health bill

Thursday, November 4, 2010

Blog status


Ako ay nakikiisa sa panawagan para sa pagpapalaya sa lahat ng bilanggong pulitikal kasama na ang 43 manggagawang pangkalusugan.

FREE ALL POLITICAL PRISONERS NOW!
FREE THE MORONG 43 NOW!