APAT NA ARAW mula ngayon ay makakamtan na ng bayan ang matagal na nitong pinakahihintay na pagbaba ni Arroyo. Nakakahiya na sa mga nalalabing araw ni GMA ay walang pakundangan niyang pinangangalandakan ang mga nagawa nya di-umano sa kanyang termino. Talamak ang mga patalastas, mga infomercials, print ads, atbp na kanyang ipinagawa upang ipagsigawan ang mga bogus na kaunlarang tinupad nya higit pa raw sa kanyang ipinangako. Maraming trabaho, pabahay, edukasyon at pagkain sa bawat hapagkainan.
At sa puntong ito, nais kong ilahad kung ano nga ba talaga ang pamana ni Gng. Arroyo sa mamamayang Pilipino? Ano nga ba ang kinahinatnan ng bansa sa loob ng siyam na taon n;'yang panunungkulan. At ano nga ba ang totoong kalagayan ng ating ekonomiya sa ilalim ng rehimeng naging kontrobersyal sa loob at labas ng bansa.