Popular Posts

THE BLOG

Ito ay blog ni Liet (Jaime Sanone de Guzman) na binuo noong May 2010. Originally, ito ay mula pa sa blog na silipsalipunan.blogspot.com na binuo naman noong taong 2009. Dahil sa hindi na nya ito na-update pinagpasyahan niya na lamang na burahin ito. March 2010 naman ng subukan niyang muling gumawa ng blog at pinamagatan itong makabayan2010.blogspot.com. Ang makabayan blog ay binuo noong nakaraang eleksyon sa layuning makatulong sa pagpapanalo sa Bayan Muna Partylist at kila Satur Ocampo at Liza Maza. Ito ay nanatili sa loob ng tatlong buwan. Basically, ang makabayan blog ay para talaga sa eleksyon at sa mga makabayan.

At dahil tapos na ang eleksyon, binura nya uli ito at nagpasyang gumawa ng isang "very personal" blog. At dito na nga nabuo ang akosiliet.blogspot.com. Pero ang tunay nitong web address ay akosiliit.blogspot.com ngunit dahil nasira ito sa 'di malamang dahilan ay pinalitan niya ang "i" sa liit ng "e" at naging "akosiliet" na ito. Ganon pa man, ipinapangako na ni Liet na ito na ang magiging permanente nyang blog hanggang sa tagumpay:-)

Naka-post din dito ang mga blogpost nya sa mga previous blogs nya dahil nanghinayang siyang burahin na lang ang mga ito ng ganon ganon lang. Ilan sa mga ito ay ang:


Ang blog na ito ay meron ding facebook page (akosiliet.blogspot.com). Sana ay magustuhan nyo ito at maibahagi sa iba.

P.S.

Isa sa mga layunin ng blog na ito na magamit ang blog, mga social networking sites at ang new media para sa pagmumulat ng mga tao hinggil sa mga napapanahong isyu at kaganapan sa loob at labas ng bansa. Nililinaw din natin na hindi nirerepresenta ng blog na ito o maging ng blogger ang sinumang tao (bukod sa manunulat dito), grupo at maging mga pananaw nila sa iba't ibang isyu. Ito ay  mga sulatin o opinyon, likhang multimedia na base lamang sa pananaliksik at pag-alam ng manunulat nito.

No comments:

Post a Comment

Please do not forget to have your identity. After commenting, you may share this. Thanks! Apir!