Akala ko sa Wikang Ingles ka lang hirap, Noy.
Akala ko.
Akala
ko sa Wikang Ingles ka lang hirap, Noy. Akala ko talaga. Kaya nga,
sinubukan kitang paliwanagan sa mga terminong ginamit mo kamakailan sa
iyong pananalumpati sa harap ng UN, mga terminong, baka kako hindi mo
nauunawaan ang depinisyon at kahulugan.
Ngunit,
kahit pala sa sariling wika'y hindi ka nakauunawa. Mano ba namang ito
ang mensaheng binigkas mo kahapon sa iyong paguulat sa bayan sa mga
naabot at itinakbo ng iyong unang isang daang araw.