Popular Posts

Wednesday, September 29, 2010

Bukas na liham (Tulagalag: 100 official entry)


Salamat sa Kilometer 64 para sa pagtanggap ng aking tula bilang opisyal na entri sa TULAGALAG: 100 Mobile poetry project. Sa totoo lang ay hindi naman ako mahilig gumawa ng tula, hindi ko nga alam na tula na pala ang ganito. Minsan para kasing sanaysay na pinaghiwa-hiwalay lang ang bawat pangungusap (enter ng enter sa keyboard)  ang nagagawa ko. Pero tula na nga ito!

Muli, maraming salamat at asahan ninyong kaisa nyo ako sa inyong mga mithiin.
MABUHAY KAYO!

Monday, September 27, 2010

100 Araw: Ang pagtutuos sa daang matuwid (Part 1)

Sabi nga ng K.M 64 sa pamamagitan ng kanilang account sa facebook na K.m Poetry, sa pinakahuling mga pag-aaral, sinasabing ang memory ng isang goldfish ay umaabot lamang sa tatlong buwan (lampas pa ang 100 araw). Ang lahat ng mangyayari pagkatapos ng tatlong buwan ay magiging panibagong mga alaala.

At sa nalalapit na ika-100 araw ng pamumuno ni Pangulong Aquino ay nababahala akong maging tulad ng isang goldfish ang karamihan dahil sa nakakasilaw na dilaw na tabing na bitbit niya. Nakakatakot na baka pagkalipas ng 100 araw ay makalimutan na ng iba ang mga nangyari sa atin ng mga nakaraang buwan. Ang pagkakahuli ng mga walang-hiyang gumagamit ng wang-wang, ang star-studded inauguration at State of the Nation Address ni P-Noy, ang paghihiwalay ni Kris at James Yap,  ang mga aktibistang pinatay sa unang linggo ni Aquino sa Malakanyang, ang kapalpakan sa Hostage-taking crisis sa Luneta, ang pag-iwas ng mahal nating pangulo sa isyu ng Hacienda Luisita, korapsyon sa MWSS, demolisyon sa North triangle, at ang makasaysayang pagbisita ni Pangulong Benigno Aquino III sa  Amerika at marami pang iba.

Sunday, September 26, 2010

Para sa migrante



PARA SA MIGRANTE is a song that lauds the Filipino migrant workers' unconditional sacrifices while at the same time raises awareness of their plight. Because of the unfortunate economic conditions in third world nations such as the Philippines, people are forced out of their own countries in order to survive and sustain their families. PARA SA MIGRANTE is a tribute to these "modern-day heroes" who would give up anything, including the comfort of being in one's homeland, for their loved ones.

I offer this song to my beloved father who works abroad--for his exceptional sacrifices for us. And for all Filipino migrant workers. Pinagpupugayan ko kayo.

Composed and Performed by Taospuso
Music produced and recorded by Raul Menchavez
Video produced, directed, photographed, and edited by Roberto Reyes Ang

An RRA-MediaVisions production with the support of Arteon New York Art Foundation and the New York Committee for Human Rights in the Philippines (NYCHRP)
An RRA-MediaVisions Production
Roberto Reyes Ang and Taospuso © 2010

Long live the Filipino workers!
Long live the struggle for social change!

Kodao Productions "Sali Na, Bayan!" replay episodes 1 to 5


Replay of episodes 1 to 5 of Kodao's public service radio program Sali Na, Bayan! can now be accessed at www.kodao.org. Check our episode guide below.

Sali Na, Bayan! Episode 1 (09-06-2010)
http://www.kodao.org/radio/sali-na-bayan-episode-1-09-06-2010
Aside from our main host Raymund Villanueva, co-hosting during the debut episode are Prof. Danny Arao of the UP Diliman College of Mass Communications and Benjie Oliveros of the independent and alternative online news program Bulatlat.com. Film and TV director and scriptwriter Bonifacio Ilagan, National Artist Bienvenido Lumbera, and Kodao Productions board member Marili Fernandez-Ilagan are guests in this debut episode.

Sali Na, Bayan! Episode 2 (09-07-2010)
http://www.kodao.org/radio/sali-na-bayan-episode-2-09-07-2010
A special episode about people's journalist Alex Remollino and labor and transport leader Ka Roda. Guests: Rebecca Lawson, Len Olea of Bulatlat.com, and Ka Steve of PISTON.

Sali Na, Bayan! Episode 3 (09-08-2010)
http://www.kodao.org/radio/sali-na-bayan-episode-3-09-08-2010
SNB's 3rd episode is about community health workers and the 43 health workers illegally arrested in Morong, Rizal. Guest: Jon-jon Montemayor of the Free the 43 Health Workers Alliance.

Sali Na, Bayan! Episode 4 (09-09-2010)
http://www.kodao.org/radio/sali-na-bayan-episode-4-09-09-2010
The 4th episode of SNB talks about Hacienda Luisita. Guest on the program is Ka Willy Marbella, Deputy Secretary General of Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP).
 
Sali Na, Bayan! Episode 5 (09-10-2010)

http://www.kodao.org/radio/sali-na-bayan-episode-5-09-10-2010
The 5th episode talks about 9/11 and America's wars of aggression.

Tune in to "Sali na, Bayan!" DZUP 1602khz or through their online Live audio stream http://www.kodao.org/snb daily from 2pm to 3pm.

Silang mga inspirasyon ko sa pagsulat

Ang daming magagaling na manunulat. Kanina nga lang ay nabasa ko ang sulatin ni Danilo Arao tungkol sa mga maralita ng San Roque II. Magaling. Mahusay at talagang kahanga-hanga ang mga ideya. Iba talaga si Prof. Danny, malinaw at simple lang ang mga gawa. Kumbaga "simple lang pero rock". At sa tuwing nagbabasa ko ang mga akda niya ay wala akong ibang sagot kundi, "oo nga" o 'di kaya ay "tama!". Nakakabilib ang kagalingan niya sa pagbabaybay ng mga ideya at pag-aanalisa sa mga isyu ng bayan. Malupit talaga.

Thursday, September 23, 2010

Demolisyon at pansariling interes

Kumakain ako kasama ang aking kasamahan matapos ang aming coverage sa naging marahas na demolisyon sa North Triangle sa Quezon City kanina. Pagod at talagang depress sa mga natunghayan. Nakakagalit ang kaarogantehan ng mga tao sa demolition team pati ang mga pulis.  Habang kami ay kumakain ay may pumasok na lalaki at nagsabing grabe naman daw yung mga tao, binayaran na daw lahat at binigyan na raw ng ilang pagkakataon ay nakikipagmatigasan pa. Kawawa naman daw yung mga pulis na nasaktan. Pero hindi ako nagreact, gusto ko sanang sumabat kaso baka awayin ko lang ang mga tao. Gutom pa naman ako. Ito na lan ang masasabi ko, alamin nyo muna kasi ang pinaglalaban nila.

Tuesday, September 21, 2010

Statement of the Morong 43 on the Commemoration of the Declaration of Martial Law

Dalawampu’t apat  na taon na ang nakalipas nang wakasan ng People Power I ang may dalawang dekadang  diktadura ni Marcos. Apat na administrasyon na ang nagdaan simula  nang ituring ng sambayanang Pilipino ang pag-alpas mula sa pangil ng  Batas Militar at malalang paglabag sa karapatang pantao.

Dalawampu’t  apat na taon at apat na administrasyon, kasing-edad na ng ilan sa  aming mga itinuturing na terorista ay ngayo’y nananatiling nakapiit. Karamihan  sa amin sa Morong 43 ay hindi na naabutan pa ang bagsik ng diktadurang  naranasan ng sambayang Pilipino. Ngunit sa aming naranasang dahas  mula sa military at iba pang ahente ng gobyernong Arroyo, may pagkakaiba  nga ba ang mabuhay noong panahon ni Marcos sa ating ating panahon ngayon?

Sunday, September 12, 2010

ABS-CBN's exploitation scheme

Hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang nabalitaan ito. Marahil ay hindi naman nga kasi ito binabalita ng mga sikat na network tulad ng ABS-CBN at GMA 7...isama na rin natin ang TV 5. Pero matapos kong mabasa ang balita hinggil sa tumitinding tanggalan sa ABS-CBN at sa isang sikat at magaling nitong reporter na si Wheng Hidalgo ay lalo akong nainis at nasuklam sa kapamilya network. Gaya nga ng sabi sa mga nakaraang balita at artikulo ng bulatlat.com ay wala namang kapamilya treatment sa empleyado nila--na paano naaatim ng mga Lopez na ipangalandakan ang pagiging kapamilya nila kung mismo sa bakuran nila ay may mga manggagawa silang pinagsasamantalahan at binubusabos.

Comedy Bar

BASTOS PALA ITO!

Idol ko si Eugene “Uge” Domingo ‘pag dating sa aktingan at syempre sa komedya. Gaya nga ng taguri ng nakakarami ay isa na siya sa mga pinakamagaling na babaeng komedyante sa industriya ng showbiz bukod pa kay Ai-Ai. Dahil sa kagalingan niya isa siya sa mga may pinakamaraming proyekto--hosting, pelikula, concert at iba pang raket. At isa sa mga proyekto ni Uge ay ang comedy bar ng GMA network na umeere tuwing sabado, mga alas onse ng gabi pagkatapos ng imbestigador.

Minsan ay napanood ko ito. Hindi pala minsan! Madalas pala dahil nga sabado. Sa mga una nitong episode ay ok naman. Nakakatuwa talaga. Iniisip ko nga e siguro ganon talaga ang nangyayari sa isang comedy bar. Tamang tama dahil hindi pa ako nakakapasok sa mga ganon.

Wednesday, September 8, 2010

Salamat sa lahat ng bumati, regalo at handa

Wala akong handa. Wala ring programa para ipagdiwang ang birthday ko. Ganon pa man, kahit siguro sa pinakasimpleng dahilan ay naging makabuluhan ang araw na ito para sa akin. Naging masaya ang aking kaarawan dahil sa mga bumati sa akin sa pamamagitan ng text, tawag, comment sa blog, twitter at syempre sa facebook. Nakakatuwa lang dahil kahit mga hindi ko personal na kilala ay bumati rin. Kilala ko sila sa facebook o twitter o 'di kaya ay dahil follower sila ng blog ko--marami sila. At nagpapasalamat ako sa mga kontribusyon nila para maipalaganap ko ang blog na ito.

At dahil sa sobrang kagalakan ko ay minarapat kong ilagay at ipangalandakan lahat ng pangalan ng mga bumati sa akin. Hahaha.

Tuesday, September 7, 2010

Facebook apps virus?

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa facebook pero kaninang hapon ay biglang may nagpadala sa akin ng message thru chat box about sa isang video kung saan nandun daw ako. Ito yung message niya:

"Hey Jaime, what are you doing in this video? LOL No comment! apps.facebook.com/friendvidti/"

Sinubukan kong puntahan yung link kaso biglang nag-warn ang firefox na may malware something daw yung link o yung address na yun at it will be very dangerous to continue. Hindi ko masyadong naitindihan yung mga nag-pop out na message at hindi ko rin masyadong inintindi dahil akala ko ay ano lang. Pero may mga natandaan akong salita na nabasa ko sa mga mensahe na iyon. Nandun yung facebook applications, malware detection, get me out of here atbp na nagsasabing mapanganib para tumuloy sa site na iyon dahil sa ito ay hindi lehitmong site o meron daw something that is untrusted ekek.

Wednesday, September 1, 2010

Kodao Productions: "Sali na, Bayan!"


We are very happy to announce that the debut episode of Kodao's people oriented public service radio program Sali na, Bayan! will start airing on Monday, Sept. 6, 2010. Tune in to DZUP 1602 Khz Monday to Friday, 2-3 PM (Manila) or browse www.kodao.org/snb for the live audio feed, SNB's interactive features and episode archive.