Popular Posts

Showing posts with label KM 64. Show all posts
Showing posts with label KM 64. Show all posts

Thursday, October 7, 2010

100 Araw: Ang pagtutuos sa daang matuwid (Part 4)

Akala ko sa Wikang Ingles ka lang hirap, Noy.

Akala ko.

Akala ko sa Wikang Ingles ka lang hirap, Noy. Akala ko talaga. Kaya nga, sinubukan kitang paliwanagan sa mga terminong ginamit mo kamakailan sa iyong pananalumpati sa harap ng UN, mga terminong, baka kako hindi mo nauunawaan ang depinisyon at kahulugan.

Ngunit, kahit pala sa sariling wika'y hindi ka nakauunawa. Mano ba namang ito ang mensaheng binigkas mo kahapon sa iyong paguulat sa bayan sa mga naabot at itinakbo ng iyong unang isang daang araw.

Wednesday, September 29, 2010

Bukas na liham (Tulagalag: 100 official entry)


Salamat sa Kilometer 64 para sa pagtanggap ng aking tula bilang opisyal na entri sa TULAGALAG: 100 Mobile poetry project. Sa totoo lang ay hindi naman ako mahilig gumawa ng tula, hindi ko nga alam na tula na pala ang ganito. Minsan para kasing sanaysay na pinaghiwa-hiwalay lang ang bawat pangungusap (enter ng enter sa keyboard)  ang nagagawa ko. Pero tula na nga ito!

Muli, maraming salamat at asahan ninyong kaisa nyo ako sa inyong mga mithiin.
MABUHAY KAYO!