Popular Posts

Showing posts with label News and Current Affairs. Show all posts
Showing posts with label News and Current Affairs. Show all posts

Wednesday, November 10, 2010

Mga manggagawang pangkalusugan, nanawagan ng dagdag-sahod


Nanawagan ang mga manggagawang pangkalusugan sa pangunguna ng Alliance of Health Workers ng mas makatarungan at nakabubuhay na sahod sa isang press conference kanina na nilahukan ng mga tagapangulo ng iba't ibang institusyon at asosasyong pangkalusugan.

Dumalo bilang tagapagsalita sina Dr. Teresita I. Barcelo, Presidente ng Philippine Nurses Association; Cecille Banca-Santos, Presidente ng Philippine League of Government and Private Midwives, Inc.; Dr. Fresco B. Yapenson, Presidente ng Philippine Assembly of Medical Specialist; Leah Paquiz, RN, Presidente ng ANG NARS; Eleonor Nolasco, RN, Presidente ng NARS NG BAYAN- Community Health Nurse Association; Dr. Joseph Carabeo, Presidente ng Community Physician Association at si Emma Manuel, RMT, Presidente ng Alliance of Health Workers.

Sunday, September 12, 2010

ABS-CBN's exploitation scheme

Hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang nabalitaan ito. Marahil ay hindi naman nga kasi ito binabalita ng mga sikat na network tulad ng ABS-CBN at GMA 7...isama na rin natin ang TV 5. Pero matapos kong mabasa ang balita hinggil sa tumitinding tanggalan sa ABS-CBN at sa isang sikat at magaling nitong reporter na si Wheng Hidalgo ay lalo akong nainis at nasuklam sa kapamilya network. Gaya nga ng sabi sa mga nakaraang balita at artikulo ng bulatlat.com ay wala namang kapamilya treatment sa empleyado nila--na paano naaatim ng mga Lopez na ipangalandakan ang pagiging kapamilya nila kung mismo sa bakuran nila ay may mga manggagawa silang pinagsasamantalahan at binubusabos.