Popular Posts

Showing posts with label Tagalog. Show all posts
Showing posts with label Tagalog. Show all posts

Wednesday, November 10, 2010

Mga drayber ng kuliglig at pedicab nagkaisa laban sa phase-out


Naglunsad ng isang press conference kasama si Bayan Muna representative Neri Javier Colmenares ngayong araw sa Quiapo, Maynila ang mga drayber ng kuliglig at pedicab para tutulan ang planong phase-out sa kanila sa syudad.

Nanguna sa conference ang mga representante ng mga drayber sa iba’t ibang distrito sa Maynila na sina Ben Casinga ng Ika-limang distrito, Fernando Picarro ng Ika-apat na distrito, Vandolph Lacsina ng Ikatlong distrito at si Jeffrey Olidan ng ikalawang distrito.

Mga manggagawang pangkalusugan, nanawagan ng dagdag-sahod


Nanawagan ang mga manggagawang pangkalusugan sa pangunguna ng Alliance of Health Workers ng mas makatarungan at nakabubuhay na sahod sa isang press conference kanina na nilahukan ng mga tagapangulo ng iba't ibang institusyon at asosasyong pangkalusugan.

Dumalo bilang tagapagsalita sina Dr. Teresita I. Barcelo, Presidente ng Philippine Nurses Association; Cecille Banca-Santos, Presidente ng Philippine League of Government and Private Midwives, Inc.; Dr. Fresco B. Yapenson, Presidente ng Philippine Assembly of Medical Specialist; Leah Paquiz, RN, Presidente ng ANG NARS; Eleonor Nolasco, RN, Presidente ng NARS NG BAYAN- Community Health Nurse Association; Dr. Joseph Carabeo, Presidente ng Community Physician Association at si Emma Manuel, RMT, Presidente ng Alliance of Health Workers.

Saturday, July 31, 2010

Sanayan lang yan!

ANG KWENTO

Nasa byahe ako papunta sa isang importanteng meeting ng biglang inagaw ng talakayan sa radyo ang aking atensyon. Ang usapan ay tungkol sa LRT/MRT fare hike. Sabi ng caller, wag naman daw itaas ang pasahe sa LRT dahil hindi rin naman daw umuunlad ang serbisyo ng nasabing kumpanya. At ang naging magiliw na sagot ng DJ sa talakayang iyon, ay ganon daw talaga, wala daw tayong magagawa at masasanay din daw tayo. Tumawa lang ang caller, dagdag pa niya, taasan daw ang pasahe kung itataas din ang sahod. At biglang sumabat na naman ang DJ, hirit nya: “ate ano’ng gusto mo, hindi nila tataasan ang pamasahe pero magdadagdag sila sa buwis? (tumawa lang si ate) Ate ganon talaga, hayaan mo, paglipas ng ilang buwan makakalimutan mo din yan. Masasanay din tayo”.

Friday, June 25, 2010

Ang Pamana ni Gloria

APAT NA ARAW mula ngayon ay makakamtan na ng bayan ang matagal na nitong pinakahihintay na pagbaba ni Arroyo. Nakakahiya na sa mga nalalabing araw ni GMA ay walang pakundangan niyang pinangangalandakan ang mga nagawa nya di-umano sa kanyang termino. Talamak ang mga patalastas, mga infomercials, print ads, atbp na kanyang ipinagawa upang ipagsigawan ang mga bogus na kaunlarang tinupad nya higit pa raw sa kanyang ipinangako. Maraming trabaho, pabahay, edukasyon  at pagkain sa bawat hapagkainan.

At sa puntong ito, nais kong ilahad kung ano nga ba talaga ang pamana ni Gng. Arroyo sa mamamayang Pilipino? Ano nga ba ang kinahinatnan ng bansa sa loob ng siyam na taon n;'yang panunungkulan. At ano nga ba ang totoong kalagayan ng ating ekonomiya sa ilalim ng rehimeng naging kontrobersyal sa loob at labas ng bansa. 

Saturday, June 19, 2010

Tula alay sa 43 Health Workers


                                                                                                                   Layout ni liet

  PALAYAIN 43 HEALTH WORKERS!
PALAYAIN ANG LAHAT NGA BILANGGONG PULITIKAL!


Ang tulang ito ay itinula mismo ni Benhur Oseo sa Camp Bagong Diwa sa  ika-apat na buwang ilegal na pagkakapiit ng 43 manggagawang pangkalusugan.

Tuesday, April 20, 2010

Noynoy Aquino: Walang Bahid?



Isang maikling video documentary mula sa Bulatlat.com na tumatalakay sa pamilyang Aquino at ang Hacienda Luisita. Dito ay binasag ng Bulatlat.com ang mga katagang si Noynoy Aquino ay "walang bahid" ng pagnanakaw, anomalya at pagsasamantala. Inilihad dito na mulat sapul pa lang ay bahagi na si Noynoy ng  pagsasamantala sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita. At bagamat, si Noynoy ay nagpahayag na siya ay handang ipamigay ang lupa sa mga magsasaka kung sakaling siya ay maging pangulo, kitang kita pa rin na hindi nya ito mapanindigan. Lalo na nang isa sa mga kamag-anak nya (mula sa pamilya  Cojuangco) na may mas mataas na porsyento ng pagmamay-ari sa Hasyenda ay nagpahayag na hindi nila ito papayagan.

Nais lang din linawin dito na bukod sa isyu ng pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka ay nararapat na manindigan si Noynoy para bigyanng hustisya ang mga biktima ng Hacienda Luisita Massacre na kumitil sa 7 magsasaka at manggagawang bukid ng Hasyenda.

Click Here for more in Hacienda Luisita and the massacre.

Wednesday, March 24, 2010

Para sa hindi matapos-tapos na isyu ng nagliliparang bangko sa PUP

Nakakalungkot na sa kabila ng napakabigat na laban ng mga kabataan at ng mga iskolar ng bayan sa PUP ay mas nagiging laman pa ng mga discussions, blog articles, online forums at ilang mga pahayag sa media ang di-umanoy “DI-AKMA at NAPAKABAYOLENTENG” aksyon ng mga estudyante hinggil sa nakaambang tuition fee increase sa PUP. Nakakarindi na maging sa internet ay mas nagiging laman na ng usapan ang nagliliparang bangko, mesa at ang arawang pagsusunog ng mga estudyante sa PUP kesa sa tunay na isyu. Nakakahiya na sa kabila ng papaigting na protesta ng mga kabataan laban sa TFI ay walang sagot ang pamahalaan kundi ang tigilan na ang karahasan.
 

Tuesday, September 1, 2009

Open Invitation

Hindi ito isang tribute para sa akin. Hindi naman ako prominente tulad ng ating pangulo para gawan ng tribute. Siguro, gusto ko lang bigyang saysay yung kaarawan ko. Sa tagalog ko ito isinulat dahil ito ang wika kung saan kaya kong ilabas yung mga ideya ko nang sakto sa kung ano ang nararamdaman ko. Kahit sa pinakabalbal pa na pamamaraan.

Bago sumapit ang aking kaarawan, ang dami kong inisip. Sabi ko, ano kaya ang gagawin ko sa araw na ‘yun. May ihahanda ba ako, saan ako magpapakain, may magreregalo kaya sa akin, sino ang mga babati at sino ang hindi at napakarami pa. Alam ko, tipikal lang ito para sa mga taong malapit na ang kaarawan. S’yempre, plinano ko ang lahat. Maghahanda ako sa bahay! Iimbitahan ang mga kasamahan sa eskwela, magkakantahan at magkukwentuhan ng walang humpay. Muli, alam ko, isa itong tipikal na ginagawa ng may kaarawan.

Monday, July 20, 2009

OPEN LETTER: Ang SONA ng mamamayan

ANIM NA ARAW NA LANG at gaganapin na ang pang-siyam at pinakahuling State of the Nation Address (SONA) ni Gloria.

Masyado lang akong nasasabik na makita kung ilang libong mamamayan na naman ang magmamartsa sa lansangan upang idaos ang “SONA NG BAYAN”.

Ilang magsasaka kaya ang luluwas ng Maynila para ipanawagan ang sariling lupa at at tunay na repormang agraryo. Ilang manggagawa kaya ang ‘di mangingiming lumiban sa kanilang trabaho para ipanawagan ang disenteng trabaho at mas mataas na sahod. Ilang kabataan na naman kaya ang mangangahas na mag-walk out sa klase para sumuporta sa laban ng batayang sektor at ipanawagan ang Edukasyon para sa Lahat. Ilang kawani ng gobyerno kaya ang muling magbo-boycott ng SONA ng presidente at sasama sa lansangan upang magmartsa.