Isang Bukas na Liham sa Okasyon ng Ika-100 Araw ng Panunungkulan ni Noynoy Aquino
Kahapon ng umaga, ako, kasama ng aking mga kapwa lider estudyante, ay dumalo at nakinig sa “Report kay Boss” ni Pang. Benigno Simeon Aquino III. Sa parehong pagtitipon, nangahas akong ilatag ang mga isyu ng kabataan at mamamayan.
Oo, kami ay inimbitahan para saksihan ang “pag-uulat” ng Pangulo. Gayunman, nakita naming higit sa pagsaksi ang kailangan naming gawin. At higit sa lahat, hindi sinasagot ng naturang “ulat” ang mga panawagan ng kabataan at mamamayan para sa tunay na pagbabago.