Nitong mga nakaraan pong linggo, nakarating daw po kay Pangulong Benigno Aquino III ang ilang mga hinaing at reklamo ukol sa iminungkahing budget para sa State Universities and Colleges (SUC’s) sa taong 2011. Pinakinggan daw po nila ang ating saloobin tungkol dito. Bilang paglilinaw po, narito ang katotohanan, at ang aming (mga kabataan) paninindigan.
Ang inilaang pondo para sa edukasyon ay bahagi di-umano ng isunusulong na zero-based budgeting ng gobyerno na pinaniniwalaan nilang mas nararapat. Ito ang mas nararapat para sa kanila dahil magbibigay katwiran ito sa mga neo-liberal na polisiya ng gobyerno tulad ng Public-Private Partnership (PPP) na ipinapatupad nila na lalong nagpapahirap sa iba't ibang sektor ng mamamayan.