WELGA! Ito na nga siguro ang pinakanararapat na gawin sa panahon na garapalang ipinagkakait sa mamamayan ang kanilang mga demokratikong karapatan. Dahil kahit kailan, wala namang napagtagumpayan sa isang "magandang usapan". Yung tipong makipagdiyalogo daw ng maayos at huwag maging radikal.
Popular Posts
-
Wala akong handa. Wala ring programa para ipagdiwang ang birthday ko. Ganon pa man, kahit siguro sa pinakasimpleng dahilan ay naging makabu...
-
Ano ang Sangguniang Kabataan (SK)? Ang Sangguniang Kabataan (SK) ay halal na kinatawan ng mga kabataan sa bawat barangay sa buong bansa. Sa...
-
Photo from Pinoy Weekly/ Macky Macaspac FRAMEWORK 1. Women’s reproductive health problems and concerns are addressed against th...
Showing posts with label Education. Show all posts
Showing posts with label Education. Show all posts
Wednesday, November 17, 2010
Tuesday, October 19, 2010
Statement of akosiliet on the "Statement of President Aquino in response to queries about the budget of State Universities and Colleges"
Posted by
Jaime
at
2:17 AM
Nitong mga nakaraan pong linggo, nakarating daw po kay Pangulong Benigno Aquino III ang ilang mga hinaing at reklamo ukol sa iminungkahing budget para sa State Universities and Colleges (SUC’s) sa taong 2011. Pinakinggan daw po nila ang ating saloobin tungkol dito. Bilang paglilinaw po, narito ang katotohanan, at ang aming (mga kabataan) paninindigan.
Ang inilaang pondo para sa edukasyon ay bahagi di-umano ng isunusulong na zero-based budgeting ng gobyerno na pinaniniwalaan nilang mas nararapat. Ito ang mas nararapat para sa kanila dahil magbibigay katwiran ito sa mga neo-liberal na polisiya ng gobyerno tulad ng Public-Private Partnership (PPP) na ipinapatupad nila na lalong nagpapahirap sa iba't ibang sektor ng mamamayan.
Ang inilaang pondo para sa edukasyon ay bahagi di-umano ng isunusulong na zero-based budgeting ng gobyerno na pinaniniwalaan nilang mas nararapat. Ito ang mas nararapat para sa kanila dahil magbibigay katwiran ito sa mga neo-liberal na polisiya ng gobyerno tulad ng Public-Private Partnership (PPP) na ipinapatupad nila na lalong nagpapahirap sa iba't ibang sektor ng mamamayan.
Tuesday, June 22, 2010
Klasmeyt, Sexmate!
Posted by
Jaime
at
8:00 AM
"Bata, Bata, Paano ka ba gagawin?"
-Liet
Isa sa mga standing issues ng sektor ng edukasyon, simbahan, ng pamahalaan at ng bayan ay ang usapin ng pagsama sa sex education sa isa mga dapat nang ituro sa loob ng eskwelahan. Tamang tama nga at napanood ko (sa di ko na agad matandaang petsa) ang dokumentaryo ng ABS-CBN na tumalakay sa nasabing isyu. Hindi ko na rin maalala kung sino yung documentarist. Pagkatapos kasi ng araw na iyon ay napakadami na uling ginawa at pinuntahan. Pero 'wag kayong mag-alala dahil naintindihan ko naman ito ng lubos at sa katunayan pa nga nyan ay nag-notes pa ako. Naintindihan ko s'ya higit pa sa pagkakaintindi ko sa sex.
Sa totoo lang, isa sa mga ginusto at hiniling ko noong bata ako ay ang pagkakaroon ng sex education sa subject namin at aaminin ko, ito ay hindi para responsble kong alamin ang mga bagay hinggil dito. Ang kagustuhan kong iyon ay bunga pa rin syempre ng pag-asam ko na mapag-usapan ang iba't ibang isyu sa pakikipagtalik. Yung mga isyu sa pakikipag-sex at marami akong tanong na nais linawin mula sa mga napapagkwentuhan naming magkakaibigan, mga napapanood mula sa TV hanggang sa mga CDs ng muslim atbp. Yun lang. Sa madaling salita ay ninais ko lang na magkaroon naman kahit konting libog sa klase. Yun 'yung pangunahing layunin ko kung bakit ginusto ko at matagal kong hinintay na maisama nga ito sa subject namin. Pero sa kasamaang palad ay hindi naman naituloy. Grumadweyt na ako lahat lahat ay wala pa rin. Marami kasing tumutol, pangunahin na nga ang simbahan.
Subscribe to:
Posts (Atom)