Nanawagan ang mga manggagawang pangkalusugan sa pangunguna ng Alliance of Health Workers ng mas makatarungan at nakabubuhay na sahod sa isang press conference kanina na nilahukan ng mga tagapangulo ng iba't ibang institusyon at asosasyong pangkalusugan.
Dumalo bilang tagapagsalita sina Dr. Teresita I. Barcelo, Presidente ng Philippine Nurses Association; Cecille Banca-Santos, Presidente ng Philippine League of Government and Private Midwives, Inc.; Dr. Fresco B. Yapenson, Presidente ng Philippine Assembly of Medical Specialist; Leah Paquiz, RN, Presidente ng ANG NARS; Eleonor Nolasco, RN, Presidente ng NARS NG BAYAN- Community Health Nurse Association; Dr. Joseph Carabeo, Presidente ng Community Physician Association at si Emma Manuel, RMT, Presidente ng Alliance of Health Workers.
Ikinadismaya ng mga manggagawang pangkalusugan ang pagkakatali nila sa maliit na sahod. Ayon sa kanila, ang mga health workers na nasa salary grade 1 sa mga pampublikong hospital ay kumikita lamang ng P7 575 kada buwan. At ang mga nars ay nakakatanggap lamang ng P15 649 (salary grade 11) sa kabila ng pag-iral ng isang batas (Republic Act 9172) o ang Nursing Act of 2002 na nagsasabing ang mga nurse ay nasa salary grade 15 at dapat ay tumatanggap ng P24 887 kada buwan. Samantalang P26 878 naman ang tinatanggap ng mga doktor. Ito ay malayo di-umano sa pangangailangan nila sa pang araw-araw.
Dagdag pa ng mga manggagawang pangkalusugan, nakakabahala ang tila "kawalan ng interes" ni Pangulong Aquino para bigyang pansin ang sektor ng kalusugan. Sa inaprubahang badyet pambansa para sa susunod na taon ay kitang-kita di-umano ang pag-aabandona ni Aquino sa serbisyong medikal sa pagkakaltas nito ng halos 1.4B para dito.
"Hindi na nga itinataas ang aming mga sahod ay ibinaba pa ng gobyerno ang badyet para sa sektor pangkalusugan. Kumbaga, kami ang bumubuhay pero kami naman ang pinapatay sa ganitong kalagayan," pahayag ni Nolasco.
Ayon naman kay Dr. Barcelo ng PNA, sa taong 2012 ay mag-iisang dekada na ang batas hinggil sa nararapat na sweldo ng mga nars ngunit sa mga nakalipas na administrasyon ay wala silang naramdamang epekto nito bagkus ay lalo lamang lumiit ang sweldong natatanggap ng ating mga nars na nagtutulak sa kanila upang mangibang bansa.
“Gaya ng maraming Pilipino, gusto din naming magkaroon ng maayos na tirahan, magkaroon ng kalidad na edukasyon ang aming mga anak, at matugunan ang batayan naming mga pangangailangan. Pero sa liit ng aming kita, paaano kami mabubuhay nang disente,” ani Manuel.
Dadag pa ng AHW ay ipinagpapatuloy lang ng pamahalaang Aquino ang pagpapabaya sa sektor ng kalusugan ng mga nagdaang administrasyon.
“Gaya ng maraming Pilipino, gusto din naming magkaroon ng maayos na tirahan, magkaroon ng kalidad na edukasyon ang aming mga anak, at matugunan ang batayan naming mga pangangailangan. Pero sa liit ng aming kita, paaano kami mabubuhay nang disente,” ani Manuel.
Dadag pa ng AHW ay ipinagpapatuloy lang ng pamahalaang Aquino ang pagpapabaya sa sektor ng kalusugan ng mga nagdaang administrasyon.
Naghahanda na rin sila ng iba't ibang kilos-protesta kasama ang mas malawak na hanay ng health workers para ipinawagan sa administrasyong Aquino ang mas makatwirang sahod. Kasabay nito ay nanawagan rin sila sa pamahalaan para sa karampatang aksyon hinggil sa lumalalang kalagayan ng serbisyong medikal sa bansa.
Hi, nice blog & good post. overall You have beautifully maintained it, you must submit your site for free in this website which really helps to increase more traffic. hope u have a wonderful day & awaiting for more new post. Keep Blogging!
ReplyDelete