"Lalaya kami. Naniniwala kami na lalaya rin kami. At sa araw ng aming paglaya, ipinapangako namin na kami ay agad babalik sa kumunidad at sa pagsisilbi sa sambayanang malaon ng pinagkaitan ng serbisyong pangkalusugan"
-43 Health Workers in their 4th month of detention
Tama nga ang Morong 43, lalaya sila. Ganon pa man, ang naging desisyon ni Aquino na ipag-utos sa Department of Justice ang pagwi-withdraw sa mga kaso laban sa ‘Morong 43’ ay isang tagumpay na hindi dapat ikonsidera bilang bahagi ng kagandahang loob ng gobyerno. Ito ay bunga ng puspusang pakikibaka ng mga kapamilya, kaanak, kaibigan at tagasuporta ng mga detinidong health workers.
Pinatunayan lang nito na ang karapatan ay ipinaglalaban. Hindi ito ibibigay sa iyo ng estado lalo na at hindi ang mamamayan ang kanilang pinaglilingkuran.
At para sa mga militar na hindi matanggap ang dagok na nakamit nila dahil sa kainutilang nagawa nila, naway magsilbing aral sa inyo ang tagumpay na nakamtam ng ‘Morong 43’ at ng mamamayan. Pero hindi pa tapos ang laban, humanda kayo sa magiging ganting salakay namin para masiguro na mananagot ang mga taong may pananagutan sa pagkakakulong ng ‘Morong 43’. Lahat kayo na nagtorture, nag-alimura, nandahas sa kanilang mga kapamilya at higit lalo kayo na pinaranas ang kawalang-hiyaan at kawalan ng inhustisya sa bahagi ng mga detinidong manggagawang pangkalusugan. Makukulong kayo at sisiguraduhin naming pagtatagumpayan namin ang laban na ito.
At sa huli, sana sa pagkakataong ito ay matanggap nyo nang mga sibilyan at mga lehitimong mga community health workers ang inyong inaresto at hindi mga NPA. O di kaya ay paniwalain ninyo ang mga sarili ninyo na ang 'Morong 43' ay si Mario Condes. Ayos ba? Apir!
Ang paglaya nila sa mga susunod na araw ay hindi lamang tagumpay ng pamilya, kaibigan at tagasuporta ng ‘Morong 43’ dahil ito ay magsisilbing tagumpay para sa mamamayang malaon nang pinagkaitan ng serbisyong medikal ng pamahalaan.
Mabuhay ang walang patid na mahusay na pangangampanya para sa pagpapalaya sa ‘Morong 43’ mula pa noong nakaraang Pebrero hanggang ngayon. Mabuhay ang lahat ng naging bahagi ng pagtatagumpay na ito.
Mabuhay ang sambayanang lumalaban!
No comments:
Post a Comment
Please do not forget to have your identity. After commenting, you may share this. Thanks! Apir!