Direct to the point. Hindi ako nasisiyahan sa trabaho ng empleyado kong ito. Nasa 6-month probation pa lamang siya ay puro palpak na ang kanyang performance. Tapos nabalitaan ko pang bumili siya ng kotse. Niloloko niya ba ako? Nakakainsulto din kasi na ako ang boss niya pero ako ang walang kotse. Hayup! E noong panahong nag-aaplay siya sa akin, sabi niya, hindi raw siya tulad ng iba. Yun pa naman ang pinakaayaw ko-- manloloko. Kaya kahapon habang nakikinig ako sa iba pa niyang boss, nabalitaan ko na naman ang mga hinaing ng boss niya. Mukhang nagagalit na rin talaga. Kaya hindi na ako nakatiis at tinawagan ko siya.
Sabi ko, may lilinawin ako sa kanya. Inuna ko na ang isyu hinggil sa MRT/LRT fare hike. At ito ang naging pag-uusap namin.
Noynoy: Hello po, boss. Kamusta po?
Ako: Ito, stress. Ikaw? Stress din ba?
Noynoy: Opo e. Kaya nga ho ako bumili ng kotse para medyo mabawasan ang stress ko sa mga pinapagawa ninyo.
Ako: Talaga? Stress ka na? Aba, wala ka pang nagagawa, Noy. Gusto mo tanggalin na kita? Nagtiwala pa naman ako sa iyo.
Noynoy: Ay, wag naman po, ginagawa ko naman po ang lahat. Maghintay lang po kayo. Maayos ko din po ang trabaho ko. Nahihirapan po kasi ako.
Ako: O siya, siya. May tatanungin kasi ako sa iyo. Yung tungkol dun sa nakaambang MRT/LRT fare hike. Ano'ng pinaglalaban mo? Bakit mo ito ginagawa? Alam mong ayaw ito ng mga boss mo diba?
Nonoy: Naku, ayaw ba nila nito? Akala ko gusto nila.
Ako: Naku, bingi ka ba? Hindi mo ba naririnig? Noong una sinulatan ka nila tapos wala kang pakialam, ngayon sumisigaw na sila ay hindi mo pa rin sila naririnig. Binge ka ba? (Mataas na ang boses ko, bobo e)
Noynoy: Pasensya na po pero kasi sa tingin ko po ay ito talaga ang nararapat na gawin. Nalulugi na ho tayo dahil sa pagbibigay natin ng subsidyo para sa MRT/LRT. 9 milyon ang nalulugi sa atin dahil sa pondong inilalaan natin sa LRT 1 at 2 habang 7 milyon na po ang nalulugi dahil sa MRT. Saka malaki na rin po ang utang natin sa mga dayuhang nag-ooperate dito. Kaya kailangan na ho talagang taasan natin ang napakababang singil natin sa MRT at LRT.
Ako: Bakit magkano ba kasi ang sinisingil natin sa MRT/LRT?
Noynoy: Naku boss, magugulat kayo. P15 lang ho ang maximum na singil natin para sa MRT kahit P60 naman talaga ang dapat nating singil. At P15 din po ang maximum nating singil sa LRT 1 at 2 na dapat ay nasa P35.77 at P60.75. Ibig sabihin po ay tintugunan natin ang mga kakulangang ito.
Ako: Yan ba ang kompyutasyon ng DOTC at LRTA? San mo nakuha iyang kompyutasyon na iyan? (Parang naniniwala na ako a)
Noynoy: Sa totoo lang po boss, wala pa pong inilalalabas na actual computation sa loss ng MRT/LRT. Well, tantsya lang po ito.
Ako: Pero sabi ng DOTC at LRT ay kalakhan raw ng pinagkakagastusan ng pondong ibinibigay natin sa LRT/MRT ay napupunta sa pambayad sa mga dayuhang bangko ng MRT at LRT. Sabi pa nga nito kung serbisyo lang raw at maintenance ay kayang-kaya pa natin itong tugunan. Bakit ba kasi iniintindi natin yang mga hinayupak na mga dayuhang bangkong iyan? Sino ba kasi nagsabing manghimasok sila?
Noynoy: Kami po, pati yung iba pa bago ako.
Ako: Yan tayo. Punk, yan kasi ang problema sa iyo. Inuuna mo ang iba! Kita mo, binigyan mo pa sila ng kasiguraduhang may kikitain sila kahit malugi tayo. Dapat unahin natin ang mga boss natin bago sila. Ano ka ba? Leche!
Noynoy: Well, ganon pa rin naman po e. Lugi nga talaga tayo.
Ako: Alam mo punk, wala man tayong kitain, wala akong proble,a. Kasi para sa pagsisilbi sa mga boss natin ang ginagawa natin. Dahil public-service ang transportation. Sa totoo lang dapat pa nating ituring na public-investment ang pagkaluging sinasabi mo. Saka nasan na ang buwis na binabayad ng mga boss mo? Bakit hindi ito ang gamitin natin? Para saan pa na nagbayad sila e kung ang ganitong serbisyo pa lang ay hindi natin maibigay sa kanila.
Noynoy: Bawal pong gamitin ang buwis na bigay ng mga boss natin dahil hindi naman po lahat ng boss natin ay gumagamit ng MRT/LRT. Ibig sabihin ko po ay kung sino lang po ang sumasakay ay siya ring dapat ang nagbabayad. Yan po ang tinatawag na "users pay".
Ako: Yun o. Dami mong alam. May topak ka talaga noh? Ano bang sinasabi mo? Public service nga ito. Ang ibig sabihin mo ba ay hindi rin dapat tayo magbigay ng pondo sa University of the Philippines dahil hindi naman lahat nag-aaral dito? Ibig sabihin mo ba ay hindi na rin tayo dapat maglaan ng pondo para sa Phlippine General Hospital dahil hindi naman lahat nagpapagamot dito? E kung iuntog kita dyan sa pader? Kung ganyan ang gusto mo, e di wag na lang din tayo magpagawa ng mga kalsada sa Visayas at Mindanao dahil hindi naman lahat ng taxpayer ay dumadaan dun.
Noynoy: E ano bang gusto ninyo? Lahat na lang ng ginawa ko ay mali.
Ako: At sumasagot ka pa! Ponyeta ka! Papaalala ko lang sa iyo, ang LRTA ay itinayo hindi para magnegosyo bagkus ay upang matiyak ang paglalatag ng kinakailangang impratraktura sa transportasyon para sa mga bossing mo at sa ekonomiya.
Nonoy: E paano ho tayo kikita? San ho tayo kukuha ng pera? Paano ho tayo kikita sa pamamagitan ng MRT/LRT.
Ako: Mukha kang kita noh? Ano ba? Hindi kita nilagay sa posisyong iyan para pagkakitaan ang lahat ng serbisyong para sa mga bossing natin. Tulad ng ibang GOCC, matutumbasan ang pakinabang ng MRT/LRT (LRTA) hindi sa tubo bagkus ay sa benipisyong ibinibigay nito sa publiko. Ang kawalan ng kita ng isang proyektong pinapatakbo ng gobyerno ay hindi masama dahil nagbibigay ito ng bagong kapasidad para sa ekonomiya at sa buong lipunan--in short para sa mga boss mo!
Ako: Hello? Hello? Hoy! Nasan ka na?
Biglang naputol ang ang linya. Ewan ko kung bakit. Hinayupak iyon a. Binaba yung Telepono. Konti pa ay may nagtext. Si Noynoy. Sabi sa text:
"I'm sorry, pero kasi I can't break my promise with some dayuhang kompanya. That's why I am really working with Public-Private Partnership. Cool kasi. Parang astig. Plano ko talagang ibenta o ipaubaya na ang mga industriya sa mga pribado o dayuhang kompanya para waley na tayong sakit sa ulo. Nawawalan na kasi ako ng time para sa mga chicks, car and guns. Sorry. I hope someday you'll understand. But I am not resigning.
"I'm sorry, pero kasi I can't break my promise with some dayuhang kompanya. That's why I am really working with Public-Private Partnership. Cool kasi. Parang astig. Plano ko talagang ibenta o ipaubaya na ang mga industriya sa mga pribado o dayuhang kompanya para waley na tayong sakit sa ulo. Nawawalan na kasi ako ng time para sa mga chicks, car and guns. Sorry. I hope someday you'll understand. But I am not resigning.
Siyempre mabilis akong nagreply. Sabi ko: Ulul!
Hay naku, grabe talaga. Nakaka-stress talaga ang mga ganitong pangyayari. Duskomiyo! Marami pa akong dapat na sabihin. Well, tawagan ko uli siya sa susunod at iwa-wire tap ko na ito para i-upload ko na lang ang conversation namin at hindi ko na kailangan pang i-recall para maisulat. Bwisit!
witty. :)
ReplyDelete--Julie (ACT)
hehehe ok to! isheshare ko!! -lian migel(NUSP)
ReplyDeleteginawang pabango kasi ni gma ang hindi pagtaas ng mrt/lrt fare. but then, ano nangyari sa atin?
ReplyDeletekelangan bawaasan ang subsidy para mas marami makinabang sa pondo ng bayan. more matino naman si pnoy kesa kay gloria.
I love the humor! :) Nice way to get the message across.
ReplyDelete