Pages

Friday, March 18, 2011

"Torture video" ng AFP, pinaiimbestigahan

Pinaiimbestigahan ng grupong Bagong Alyansang Makabayan ang kumakalat na bidyo sa mga social networking sites na nagpapakita ng umano'y mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines training recruits habang pinahihirapan.

Ang mga bidyo ay inilabas ng isang underground video group na Isnayp sa kanilang opisyal na website noong Ika-labing pito ng Marso. Ayon sa Isnayp, ang bidyo ay ibinigay sa National Democratic Front- Bicol ng mga sundalo ng 9th Infantry Division Philippine Army  na nakabase sa Kuta Elias Angeles, Pili, Camarines Sur bilang protesta sa umano’y pang-aabuso at pagmamaltrato sa kanila ng training unit ng 9th IDPA.

Video grab mula sa Isnayp
"The following video exposes various types of torture inflicted by the 9th IDPA Training Unit on the trainees. According to the upset soldiers who submitted the video, the extremely cruel exercises supposedly prepares the trainees in the eventualities that they will be captured by red fighters of the New People's Army. However, the 9th IDPA Training Unit's indoctrination is the exact opposite of the NPA's policies. Moreso, former prisoners of war of the NPA attest to the NPA's humane treatment of captives and adherence to international humanitarian law," pahayag ng Isnayp sa kanilang website.

Ayon naman kay Renato Reyes, Jr., tagapagsalita ng Bayan, nararapat na kilalanin at pagpaliwanagin ang mga taong sangkot sa video. Aniya, ang commanding general ng 9th IDPA maging ang pinuno ng 9th ID training unit ay nararapat na maimbestigahan hinggil sa 'di makataong pagtrato sa mga training recruit ng Philippine Army.


Kodao Productions. Jaime Sanone de Guzman

Ang mga bidyo na inyong mapapanood ay lubhang sensitibo.


 

Friday, February 4, 2011

Exclusive talk with Noynoy

Direct to the point. Hindi ako nasisiyahan sa trabaho ng empleyado kong ito. Nasa 6-month probation pa lamang siya ay puro palpak na ang kanyang performance. Tapos nabalitaan ko pang bumili siya ng kotse. Niloloko niya ba ako? Nakakainsulto din kasi na ako ang boss niya pero ako ang walang kotse. Hayup! E noong panahong nag-aaplay siya sa akin, sabi niya, hindi raw siya tulad ng iba. Yun pa naman ang pinakaayaw ko-- manloloko. Kaya kahapon habang nakikinig ako sa iba pa niyang boss, nabalitaan ko na naman ang mga hinaing ng boss niya. Mukhang nagagalit na rin talaga. Kaya hindi na ako nakatiis at tinawagan ko siya.

Sabi ko, may lilinawin ako sa kanya. Inuna ko na ang isyu hinggil sa MRT/LRT fare hike. At ito ang naging pag-uusap namin.

Thursday, February 3, 2011

Porsche: New video of Juana Change

"Nakaka-stress nga naman yung wala ka pang nagagawa sa dami ng kailangang gawin."

 

Magaling. Ang galing ng presentasyon ng grupo nina Juana Change sa kanilang kritisismo sa pamumuno ni Pangulong Aquino. Akala ko noong una ay babanatan lang nila ang pagbili ni Pnoy ng mamahaling kotse pero hindi, tingin ko mahusay nilang naipresenta ang pagkadismaya ng mamamayan sa administrasyong Aquino.

Nakakabilib ang mga ginamit ng linya. Sakto at sapul ang ilusyong pagbabago ni Pnoy. Ang tanong lang, ano na nga ba sa kasalukuyan ang tindig ni Juana Change (Mae Paner) sa administrasyong kanyang tinulungang manalo. Isa ba siya sa tinutukoy niyang umaasang pasasakayin ni Pnoy sa kaginhawaan?

Pero rakenrol talaga ang video na ito. Ayos.

Monday, January 31, 2011

Mensahe ng isang ama sa kanyang 'tibak' na anak

"Wala akong problema sa ginagawa mo, yan ang prinsipyo mo at nirerespeto ko yan. Nais ko lang sabihin na nag-aalala kami na mga magulang mo. Pero yan ang gusto mo, yan ang pinili mong buhay at maniwala ka man o hindi, nirerespeto namin yan ng mama mo. Sa ilang taong pinanindigan mong aktibista ka, marami ka namang napatunayan sa amin. Tatandaan mo, saludo kami sa iyo anak. Hindi ko nais pang pigilan ka kasi nakikita kong dyan ka masaya. Hinihiling ko lang na isipin mo din ang sarili mo. Basta anak, saludo ako sa iyo, saludo kami sa iyo."

Maaring hindi naiitindihan ng iba kung ano ang kahalagahan ng mensaheng ito para sa akin. At minarapat ko itong ilathatla para sa mga dati kong kasama na alam kong malaki ang hinaharap na tunggalian sa pamilya. Sana ay makakuha kayo ng aral sa mga ito. Muli, ito ay para kay Don Don, Ret Ret, Jesi, Mimet, Momoy, Rix, Dick, Clyejon, Sara, Liezl, Ben, Trixie, Harold, JM,  Roman, Mark, Arvin, Mary Grace, Jujo, Venus, Tala, Dianne, Ron at sa iba pa.

Friday, January 21, 2011

Para sa mga kasamang nangahas sa unang pagkakataon

Kuha ni Anto Balleta

Hindi ito pangkaraniwan. Wala ako sa inyong mga practice. Hindi ko rin napanood ang inyong unang pagtatanghal. At wala rin akong mga larawan ninyo. 

Wala akong ibang nagawa kundi makibalita sa pamamagitan ng facebook, text o pagtatanong sa ibang mga kasamang nakapanood sa inyong pagtatanghal. Sabi nila, ayos naman daw, maganda. Kwento rin sa akin ng kasama ninyo sa pagtatanghal, ayon sa feedback ng mga nakapanood ay maganda at maayos naman daw kaya nga lang ay may ilang flaws.

Kabataan nagprotesta laban sa LRT/MRT fare hike

Sit-down protest sa loob ng LRT kontra taas-pasahe

Nagprotesta ang may isang daang kabataan sa loob mismo ng Legarda Station ng Light Rail Transit (LRT) kanina upang tutulan ang nakaambang taas-pasahe sa LRT at MRT.

Kabilang sa mga nagprotesta ang ilang mga estudyante mula sa Unibersidad ng Pilipinas, Polytechnic University of the Philippines, University of Sto. Tomas, University of the East, at De La Salle University.

Thursday, January 20, 2011

Sa Ika-24 anibersaryo ng masaker sa Mendiola

“Makakamtan lamang ng mga biktima ng masaker sa Mendiola at marami pang magsasaka ang tunay na hustisya sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tunay na repormang agraryo.”

Pagbabalik tanaw

Taong 1986 nang maluklok bilang Pangulo si Cory Aquino matapos ipagtagumpay ng mamamayan ang laban sa pagpapatalsik sa diktadurang Marcos. Isa sa mga ipinangako ni Gng. Aquino sa mamamayan ay ang pagpapatupad ng tunay na repormang agraryo. Katunayan, mataas pa ang moral ng mga magsasaka sa panahong sila ay nakipagpulong kay Aquino dahil tinanggap pa nito ang dokumentong isinumite nila para sa Genuine Agrarian Program. Nangako din si Aquino na uumpisahan niya ang pagpapatupad nito sa mismong hasyendang pinagmamay-arian ng angkan nila ang-- ‘Hacienda Luisita’.