"Wala akong problema sa ginagawa mo, yan ang prinsipyo mo at nirerespeto ko yan. Nais ko lang sabihin na nag-aalala kami na mga magulang mo. Pero yan ang gusto mo, yan ang pinili mong buhay at maniwala ka man o hindi, nirerespeto namin yan ng mama mo. Sa ilang taong pinanindigan mong aktibista ka, marami ka namang napatunayan sa amin. Tatandaan mo, saludo kami sa iyo anak. Hindi ko nais pang pigilan ka kasi nakikita kong dyan ka masaya. Hinihiling ko lang na isipin mo din ang sarili mo. Basta anak, saludo ako sa iyo, saludo kami sa iyo."
Maaring hindi naiitindihan ng iba kung ano ang kahalagahan ng mensaheng ito para sa akin. At minarapat ko itong ilathatla para sa mga dati kong kasama na alam kong malaki ang hinaharap na tunggalian sa pamilya. Sana ay makakuha kayo ng aral sa mga ito. Muli, ito ay para kay Don Don, Ret Ret, Jesi, Mimet, Momoy, Rix, Dick, Clyejon, Sara, Liezl, Ben, Trixie, Harold, JM, Roman, Mark, Arvin, Mary Grace, Jujo, Venus, Tala, Dianne, Ron at sa iba pa.