Pinaiimbestigahan ng grupong Bagong Alyansang Makabayan ang kumakalat na bidyo sa mga social networking sites na nagpapakita ng umano'y mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines training recruits habang pinahihirapan.
Ang mga bidyo ay inilabas ng isang underground video group na Isnayp sa kanilang opisyal na website noong Ika-labing pito ng Marso. Ayon sa Isnayp, ang bidyo ay ibinigay sa National Democratic Front- Bicol ng mga sundalo ng 9th Infantry Division Philippine Army na nakabase sa Kuta Elias Angeles, Pili, Camarines Sur bilang protesta sa umano’y pang-aabuso at pagmamaltrato sa kanila ng training unit ng 9th IDPA.
"The following video exposes various types of torture inflicted by the 9th IDPA Training Unit on the trainees. According to the upset soldiers who submitted the video, the extremely cruel exercises supposedly prepares the trainees in the eventualities that they will be captured by red fighters of the New People's Army. However, the 9th IDPA Training Unit's indoctrination is the exact opposite of the NPA's policies. Moreso, former prisoners of war of the NPA attest to the NPA's humane treatment of captives and adherence to international humanitarian law," pahayag ng Isnayp sa kanilang website.
Ang mga bidyo ay inilabas ng isang underground video group na Isnayp sa kanilang opisyal na website noong Ika-labing pito ng Marso. Ayon sa Isnayp, ang bidyo ay ibinigay sa National Democratic Front- Bicol ng mga sundalo ng 9th Infantry Division Philippine Army na nakabase sa Kuta Elias Angeles, Pili, Camarines Sur bilang protesta sa umano’y pang-aabuso at pagmamaltrato sa kanila ng training unit ng 9th IDPA.
Video grab mula sa Isnayp |
Ayon naman kay Renato Reyes, Jr., tagapagsalita ng Bayan, nararapat na kilalanin at pagpaliwanagin ang mga taong sangkot sa video. Aniya, ang commanding general ng 9th IDPA maging ang pinuno ng 9th ID training unit ay nararapat na maimbestigahan hinggil sa 'di makataong pagtrato sa
mga training recruit ng Philippine Army.
Kodao Productions. Jaime Sanone de Guzman
Ang mga bidyo na inyong mapapanood ay lubhang sensitibo.