Popular Posts

Thursday, September 23, 2010

Demolisyon at pansariling interes

Kumakain ako kasama ang aking kasamahan matapos ang aming coverage sa naging marahas na demolisyon sa North Triangle sa Quezon City kanina. Pagod at talagang depress sa mga natunghayan. Nakakagalit ang kaarogantehan ng mga tao sa demolition team pati ang mga pulis.  Habang kami ay kumakain ay may pumasok na lalaki at nagsabing grabe naman daw yung mga tao, binayaran na daw lahat at binigyan na raw ng ilang pagkakataon ay nakikipagmatigasan pa. Kawawa naman daw yung mga pulis na nasaktan. Pero hindi ako nagreact, gusto ko sanang sumabat kaso baka awayin ko lang ang mga tao. Gutom pa naman ako. Ito na lan ang masasabi ko, alamin nyo muna kasi ang pinaglalaban nila.

Nakakalungkot na sa ganitong kalagayan ay may iilan pa rin ang nagagawang kumampi sa mga salarin--sa mga ahente ng salarin. Paano nga ba naisip ng lalaking iyon na kawawa ang pulis na nasaktan habang hindi niya naiisip ang magiging kalagayan ng mga  pamilyang palalayasin doon. Mas kawawa pa ba ang pulis na nasaktan kaysa sa mga batang ilalayo nila sa mga kanya-kanya nilang paaralan? Mas kawawa pa ba ang pulis na ito kaysa sa mga tatay na aalisan nila ng tabaho at sa mga pamilyang mawawalan ng kabuhayan? Hindi ba at mas nakakaawa ang mga taong aalisan ng tirahan para lamang sa kapakanan ng iilan?  Sino nga ba ang mas agrabyado sa ganitong kalagayan? Ang mga mahihirap o mayayaman? Nakita ng lalaking iyon na kawawa ang kapulisang nasaktan habang hindi naaabot ng isip niya na mas kawawa yung mga residenteng nasaktan din dahil sa karahasan. Nakalimutan niya na yata na may gamit proteksyon ang kapulisan habang ang mga residente ay wala. Ano ba naman yan! Bagamat nag-umpisa ang pambabato sa mga residente, hindi ito nangangahulugang walang kabuluhan ang kanilang paglaban. Ang karahasang ibinunga ng kahapong pangyayari ay isang manipestasyon na ang sinumang aalisan ng kabuhayan ay handang lumaban para igiit ito. Hindi sila mga basta basag-ulo. At kumpara sa mga ipinuputok ng butsi ng iba, mas makatwiran pa ang mga salitang lumalabas sa bibig ng mga ito. Kahit ang "putang ina" na isinisigaw nila habang may hawak na bato ay mas makabuluhan pa kaysa sa mga walang kwentang reaksyon ng mga taong nanood lang naman at hindi nakialam o hindi inalam kung ano nga ba ang totoo. Mga simpleng tsismosa o kontrabida sa mga ganitong eksena.

Sabi ko nga sa sarili ko, baka 'pag sila na ang inalis sa kani-kanilang mga tirahan dahil may mall na itatayo, dahil may LRT na gagawin, dahil binili na ito ng dayuhan o dahil trip lang ng pamahalaan ay saka pa nila maramdaman ang naramdamang galit ng residente ng North Triangle.

Ang Quezon City Central Business District (QCBD) ay ang 256-ektaryang proyekto  na layuning gawin ang lungsod bilang isa sa mga sentruhan ng kalakalan at negosyo na manggagaling sa iba't -ibang bansa. Ang proyektong ito ay nasa bisa ng pinirmahang  Executive Order no. 670 noong Ika-apat ng Mayo taong 2007 ni dating pangulong Gloria-Macapagal-Arroyo. Ang nasabing EO 670 o  ang Rationalizing and Speeding Up the Development of the East and North Triangles, and the Veterans Memorial Area of Quezon City, as a “well-planned, Integrated and environmentally balanced mixed-use development model” ang nagbigay daan  para itayo ang QC-CBD.

Ang pamilya Ayala sa pamamagitan ng Ayala Land Inc., isa sa mga pinakamalalaking real estate developer sa bansa, ang namumuno sa proyektong ito. Sila ay pumirma ng isang kasunduan kasama ang National Housing Authority para i-develop ang 29.1 ektaryang ng kabuuan ng QC-CBD sa North Triangle. Ito ay nagkakahalaga ng 22 bilyon at magpapalikas sa tinatayang siyam na libong pamilyang naninirahan dito.

Hulyo 27 ng unang makatanggap ng notice of demolition ang mga residente ng nasabing lugar ngunit lumipas ang ilang linggo ay walang demolisyong naganap. Nakahanda at nakabarikada na ang mga resdente dito. Setyembre 15 naman ng mapadalhan muli sila ng "15-day notice of demolition". At kanina nga (Setyembre 23) ay dumating na ang mga magdedemolish dito. At ito ay muling pinigilan ng mga residente sa pammagitan ng pagbabarikada dito. Alas-tres kanina (Setyembre 23) ay inaprubahan ni Judge Maria Luisa Padilla ang mosyon para sa  Temporary Restraining Order at ipinag-utos sa mga otoridad na ihinto ang demolisyon sa Central Terminal at North Triangle.

Bago ang demolisyon, ang bawat residente ay inalok ng reloskayon sa may Montalban, Rizal na nakakahalaga ng Php 250 000 at karamihan ng mga residente dito ay tinanggap na ito  Nunit makalipas ang ilang araw ay nagsipagbalikan din ang mga ito matapos malamang mahirap pala ang kalalagyan nila roon. Walang kuryente, walang tubig, mahal ang transportasyon, malayo sa paaralan at higit sa lahat hindi pala ito libre. Napag-alam din na ang relocation site na ito ay nasa gitna ng isang fault line na ayon sa mga pag-aaral ay maaring lumikha n lindol na may lakas na  7.2 magnitude. Ibigsabihin ay hindi mainam na tirahan ng mga tao. Wala rin daw maipangtutostos ang bawat pamilya dito na kumkita lamang ng halos mababa pa sa minimum wage. 

Panawagan ng mga residente: Kabuhayan, hindi demolisyon!

Ayon sa isang residente, hindi naman daw nila ipinaglalaban na mapasakanila ang lupang iyon. Maaari ngang hindi sa kanila ang lupang kinatitirikan ng kanilang mga bahay. Ngunit ang hiling nila sa pamahalaan ay makataong pagtrato para sa kanila.

Hinihiling nila na ibigay kung ano ang nararapat at patas para sa mga katulad nila. Nais nila na sila ay mailipat kung hindi man sa tabi ng itatayong proyekto ay sa lugar sa loob rin ng Quezon City ng sa ganon ay hindi sila malayo sa kanilang kabuhayan, mga trabaho at paaralan.

Naiisip ko ngayon, ito na ba ang sinasabing tuwid na daan ni P-Noy? Ito ba ang sinasabi niyang iaangat niya sa kahirapan ang mga taga-maralitang lungsod? Sila kaya ang alisan ng bahay at ilipat malayo sa kanilang kabuhayan? Ganito na nga ba talaga kagarapal ang pamahalaan sa pambubusabos sa sarili nitong mamamayan? Halimbawa ay paano nga ba naatim na ibenta ng NHA, isang institusyon ng gobyerno ang lupang ito para sa dayuhan o sa mga negosyante nang hindi iniisip ang magiging kalagayan ng mga pamilyang naninirahan doon.

Wala akong ibang narinig sa mga residente kundi galit. Lalo na sa mga residenteng nasira na ang bahay. Hindi naman kasi natuloy ang demolisyon pero nawalan na sila ng tirahan. Wika pa nga ng isang residente sa mga kapulisan, "Maawa naman kayo, may patay kami ngayon".

Pero ang galit na ito ay magiging paninidigan kaya ngayon pa lang, sinasabi ko na sa inyo na mga mapagsamantala, kay Noynoy, sa mga Ayala at sa mga putang inang gahaman na iyan  na handang pumatay ang mga taong ito lalo na at hindi lang naman bahay ang inaalis nyo sa kanila--buhay! Buhay o kabuhayan nila ang ipinagkakait nyo sa kanila kaya handa rin nilang ialay ang kanilang buhay para igiit ang karapatan nila para dito. At matakot kayo sa pagkakataong wala nang sini-sino ang mga taong ito kundi ang kanilang paninidigan para igiit ang karapatan nila para sa mas maayos at desenteng pamumuhay.

At mas nakakagalit pa ay iwas-pusoy pa rin si Noynoy sa isyung ito--sa mga isyung inalako niya noong panahon ng kampanya na di-umano ay tutugunan niya. Mga isyung kinakikitaan ng interes ng  kauri at angkan niya. Nasan na ang yabang ni P-Noy? Nasan na ang makamasang pamumuno kung sa loob pa lang ng ilang linggo ay puros pahirap na ang nararanasan ng bayan? Malawakang demolisyon sa mga komunidad, pagtaas ng mga pangunahing bilihin at pasilidad, kahihiyan sa hostage-taking, pagtaas ng singil sa MRT, LRT, kuryente, tubig,  mga anomalya at marami pa.

Sabi nga ng Kilusang Mayo Uno ay hingi ng hingi ng honeymoon period si P-Noy para sa kanyang pamunuan pero wala namang honeymoon para sa mga isyung nagpapahirap sa bayan!

Putang ina!

P.S.
Kakatapos ko lang mapanood ang bidyo na inilabas ng Mayday Multimedia at lalo akong nasuklam at nainis sa mga nangyari. Naalala ko ang reaksyon ng lalaki kahapon na kawawa naman daw ang mga pulis. Parang gusto kong isigaw, "sige, basahin mo ito, panoorin mo ang mga bidyo at ngayon mo sa akin sabihing sino ang higit na mas kawawa sa kalagayang ito!"

Ito ang mga larawang nakuha sa pamamagitan ng video footage ng Mayday Productions kahapon:











53 comments:

  1. isa lang ito sa napakaraming problema ng bayan sa pangkalahatang suliranin na ang tutunguhin landas ay kamtin ang pambansang demokrasya at nasyonalismo! isulong ang sektoral na problema hanggang pambansang antas tungo sa tagumpay!mabuhay ang pakikibaka ng sambayanang pilipino!

    ReplyDelete
  2. Paano kasi, hindi naman inyo ang lupa. tatayo tayo kayo ng mga bahay nyo. Mga ugok!

    ReplyDelete
  3. sana po binigay mo account mo ng blog mo para mabasa nya ito.. para mamulat natin sya katotohanan. marami talagang mga taong bulag o nagbubulagbulagan. o baka dahil katulad din sya nang marami pa dapat natin pagpaliwanagan para lubos nya na maunawaan ang ating ipinaglalaban..

    maganda ang laman ng blog na ito sayang di nya mababasa.. ipakalat ito.. apir!

    ReplyDelete
  4. Salamat sa comment!

    Sa isa pang anonymous bago ang isa pang anonymous na kasunod nito, sana basahin at intindihin mo ang mga punto dito. sabi nga nila, hindi sila nag-aasam na sa mapasakanila ang lupa. Hindi nga naman sa kanila ito pero sa totoo lang lupa nga ito ng gobyerno at ibinenta sa mga AYALA at ang resulta ay kawalan ng kabuhayan ng SIYAM NA LIBONG, take not SIYAM NA LIBONG PAMLIYA dito (para lang sa mga Ayala). Hinihiling lang nila na mailipat sila sa maayos na lugar kung saan ay may kabuhayan sila. Isa pa, sabi na nga ng mga dalubhasa ay hindi mainam tiarahan ang relocation site na iyon dahil nasa gitna ito ng isang fault line, ngayon, makatao ba ito na ilipat sila sa Montalban at ilayo sa kanilang paaralan at sa mga kabuhayan?

    Sabi nga ni Vencer Crisostomo kahapon, alam nyo ba ang mga tinatapon sa MONTALBAN? BASURA! Ngayon, itinuturing na basura ang mga residente ng N triangle dahil itatapon sila doon.

    Alam mo, marami pang kasong ganito na walang maayos na reloc site ang mga dinedemolish e. At paglaban talaga ang tangi nilang magagawa. Sa tingin mo, kung hindi sila lumaban e mamimidya sila? Maeexpose kaya ang ginagawa sa kanila.

    Anyway, sana ay maliwanagan ka. Basa ka lang dito Apir!

    ReplyDelete
  5. Kung hindi naman iyo yung lupa dapat handa ka umalis dun kahit kailan kasi nga hindi naman saiyo.. hindi ka naman nagsaka dun para mapaunlad yung lupa na yun dahil sa lungsod nga.. Kung hindi iyo, hindi iyo. Samakatuwid, wala kang karapatan na gamitin yun..

    Pero sa isang banda nandun na ako na nakakaawa ang mga pamilya na nawalan ng tirahan. Pero hindi talaga sa kanila ang lupa kaya sa tingin ko talo talaga sila sa sitwasyon na ito.. Pero gago din talaga yung Gubyerno na paabutin sa ganito kalaki ang problema.. Ayusin kasi muna yung agrikultura natin, pamigay ang mga lupang sakahan sa mga magsasaka para wala nang mapilitang pumunta sa maynila para magbakasakali..

    PS: Nice read ang blog na ito

    ReplyDelete
  6. Paalala lang po, ANG LUPA AY PAGMAMAY-ARI ng GOBYERNO, Ibigsabihin ay pwedeng ipamahagi ito para tirhan ng mga PILIPINO pero ang mali at malaking kagaguhan ng Gobyerno ay NAKUHA NILA ITONG IBENTA sa mayayaman kapalit ng pagkawala ng tirahan ng 9000 pamilya doon. Ibigsabihin, 1 family = 9000 families. Damn!

    Wala silang karapatan sa batayang ligal pero kung uugatin ang lahat dapat nga naman ay binigyan sila ng KARAPATAN noon pa. PABAHAY at KABUHAYAN kumbaga!

    Isa pa, sino ba ang gustong mag-squat?
    Saka dagdag ko pa, sinabi na nga nila na HINDI NILA INAARI ang LUPA, ang gusto nila ay makataong pagtratoat malilipatan. Yun po ang sinabi ng residente. Hindi sila aalis doon kung sa Montalban sila iliipat. MAY FAULT LINE DOON. Ikaw kaya tumira dun. WALANG TUBIG, WALANG KUREYENTE, MAHAL PAMASAHE. So kung papaalisin sila doon, aalis sila basta makamtan nila ang karapatan nila para sa maayos na relokasyon.

    ReplyDelete
  7. Kung hindi naman pala inaari ang lupa bakit di pa lisanin? Kung wala ka naman palang batayan na manatili pa roon?

    At kung sa gubyerno nga ang lupa di ba dapat hindi lang ang 6000 pamilya ang makinabang dun kundi ang nakararami?

    ReplyDelete
  8. Tumpak, dapat ang nakararami, pero bakit mas pinili nila ang kapakinabangan ng iilan? Nila Ayala kumpara sa 9000 pamilya? sino ng NG MAAYOS NA RELOKASYON. Karapatan po nila iyon. Aalis naman sila ng maayos kung may relokasyong MAAYOS? mahirap bang intindihin> O hindi mo iniintindi? Pasenya na sa tono kaso talagang dismayado ako sa mga katulad mong makitid ang utak at mas kinakampihan pa ang mayayaman na lumalangoy na sa pera kesa sa maralita.

    AT HAHAMUNIN kita, paano mo nagagawang magreact ng ganyan, may alam ka nga ba tungkol sa demolisyon? Alam mo ba mga pinagsasabi kong impormasyon dito? o ang alam mo lang ay kumampi laban sa mga mahihirap na itituturing mong mga salot.

    O c'mon! Alamin mo kasi muna ang mga bagay bago magreact, wag ka lang magbasa tapos kung makapagreact ka e kala mo alam mo na. Unfair yun para sa kanila. ok?

    Anyway, salamat sa pagbasa ng aking blog. Isa ka sa nagpapatunay sa taong tinutukoy ko sa blog.

    "Kahit ang "putang ina" na isinisigaw nila habang may hawak na bato ay mas makabuluhan pa kaysa sa mga walang kwentang reaksyon ng mga taong nanood lang naman at hindi nakialam o hindi inalam kung ano nga ba ang totoo" hay naku talaga nga naman...

    ReplyDelete
  9. Correction sa aking pinakahuling komento: "Tumpak, dapat ang nakararami, pero bakit mas pinili nila ang kapakinabangan ng iilan? Nila Ayala kumpara sa 9000 pamilya? sino ng (MAY KULANG NA SALITA) NG MAAYOS NA RELOKASYON. Karapatan po nila iyon"

    Pagbabago: NAIS NILA NG MAAYOS NA RELOKASYON!

    ReplyDelete
  10. Hindi ba parang nagtatawag ka ng panibagong mga informal settlers kung bibigyan mo lagi sila ng libreng pabahay?

    ReplyDelete
  11. Gusto mo yata maging squatter capital ng mundo anf Pilipinas, kung puro awa ang gagawin ng gubyerno wala na. lahat na ng tao sa pilipinas magssquat, na kasi maraming libre. libre pabahay etc. etc.

    ReplyDelete
    Replies
    1. walang squatter na tao dito sa mundo, dahil pinanganak tayo dito sa mundo at may rights tao na manirahan sa lupang sinilangan natin. sino ba ang nagmamay ari ng lupa? ang mga mayayaman ba? na my papeles? nilalang ba itong lupa na ito na may titolo na para sa mga mayayaman?paano ang mga dukha? para saan ba sila dito sa lupa na kanilang sinilangan? ipagtabuyan ba sila sa lugar na kahit hayop ay di mabubuhay ng mga socalled land owner?
      lahat ng nilalang ay binigyan ng karapatan ayon sa uri nya. tulad ng mga isda,may karapatan silang mamuhay sa tubig, ang lupa ay biyaya, biyaya na para sa lahat, hayop man o tao

      Delete
  12. Ang lahat ng karapatan ay may katumbas na pananagutan. Ang marunong umasam ay dapat magpagal. Ilang milyong karaniwang manggagawa ang walang tirahan? Ilan sa kanila ang umaasam na mabigyan ng libreng pabahay? Ilan sa kanila ang nagbabayad ng upa para makapanatili sa lugar na malapit sa kanilang kabuhayan at paaralan? Ilang taon nang pinakinabangan ng mga squatter ang Sitio San Roque? May binayaran ba sila ni isang kusing sa gobyerno? Ang masakit pa nito kung sino pa ang nagsasabing mahirap at squatter sila ay sila pa ang anak nang anak, tambay sa maghapon, mga gumon sa ipinagbabawal na gamot at sugal. Pati gamit ng kuryente at tubig libre pa. Sana naman matutong silang magbanat nang buto at hindi puro asa sa gobyerno. AT SANA TIGILAN NA NG KUNG SINUMANG MGA SEKTOR ANG PAGSUSULSOL SA MGA TAONG ITO DAHIL LALO NYO LANG SILANG GINAGAWANG KAWAWA. TIGILAN NYO NA ANG PAGIGING LINTA AT TALANGKA NG LIPUNAN!

    ReplyDelete
  13. Nakakaawa naman ang katulad mo, masyado ka na sigurong lulong sa mass media at iba pang ideological state apparatus (hindi mo yan alam noh). Nababasa mo ba ang komento mo? Halatang wala kang alam!Halatang ine-echo mo lang ang mga reaksyon ng mga taong nagpapaka-intelektwal sa pamamagitan ng labis na pagsasalita ngunit hindi naman umaakto!

    Ika mo nga kanina, ILAN TAON NB SILANG NAKIKINABANG SA LUPA SA SAN ROQUE? Mismong sa reaksyon mo,ipinapakita mong wala kang alam sa kalagayan nila. Wala ka kasing mass integration kaya mababaw ang pag-intndi mo sa mga kalagayan ng katulad nila. Pero ipapaalala ko sa iyo, mayorya sila sa bansa. Kaya ibigsabihin, ng kalagayan nila ay kalagayan ng mas maraming Pilipino kaya dapat ang tanong mo, AY BAKIT AT ANO ANG DAHILAN. Hindi yung sisisihin mo sila sa punto de bista at konteksto ng mga napapanood mo lang at sa pamamagitan ng paggaya sa mga popular na pagtingin sa kanila. Stereotypyng kumbaga.

    "May binayaran ba sila sa gobyerno kahit isang kusing" Subukan mong pumunta doon ng malaman mo, hirap sayo dami mong iniiyak pero wala ka namang alam o pakialam.

    Lulong sa bawal na gamot? Mga latak ng lipunan, snatcher, holdaper at mga salot sa lipunan? BAKIT DISTINCT NA KARAKTER BA ITO NG MAHIHIRAP o ibahin natin ang tanong, mahihirap lang ba ang ganito? MAY MAYAYAMANG LULONG SA BAWAL NA GAMOT, MAY MGA MAGNANAKAW (punta ka sa malakanyang), MAY MGA MANLOLOKO (Kausapin mo si GMA) at marami pa, pero dahil sa mayaman sila, pakiramdam mo OK lang. Parang kung paano mo tinanggap ang ideya ng pag-uuwi ng mga gamit sa eroplano o sa hotel matapos aminin nila Kris Aquino at Juday na ganon din sila. Kaya OK na. Kung paano mo ipinasok sa kokote mo na ang maralita ang naglulugmok sa mga sarili nila sa kahirapan. Na para bang sila pa ang may gusto nun. Sasabihin ko sayo, WALANG GUSTONG MAGHIRAP. At payo ko sau, basahin mo ang MKLRP kung saan ay mababasa mo dun (pwede mo ding intindihin para sulit)na MAYAMAN ANG PILIPINAS PERO NAGHIHIRAP ANG SAMBAYANG PILIPINO. Basahin mo nang maiigi para maiintindihan mo ang ugat ng kahirapan at kung bakit may mga "bwisit" na squatter sa bansa.

    Tigilan na ang pagsusulsol? Para kang si PNOY! Yan din ang sinabi niya sa mga taga-hacienda luisita. Sinulsulan daw ng elementong KALIWA (LEFTIST) kaya nag-welga. ALAM MO, Hindi mo kailangang sulsulan ang taong ginigipit para lumaban. Ang aso nga, pagsinaktan mo,pumapalag, sila pa na inaalisan mo ng KABUHAYAN?

    Mag-isip naman muna tayo. Sabi nga ng mga "bwusit" na mga aktibista, MAG-ARAL, MAGLINGKOD, MAKIBAKA. Ibigsabihin, mag-aral ng lipunan at kalagayan ng lipunan, at MAGLINGKOD sa masa at MAKIBAKA para lumaban sa mali. Ikaw ang ginagawa mo,react ka lang ng react! Pero kapag sininsin mo ang reaksyon mo, WALA NAMANG AMPAW at sakatotohanan ay nakakabobo.

    Wahahaha.
    Pasensya na sa komento ko kung masyadong harsh. Parang pangkanto!

    AT UULITIN KO SAYO,
    Kahit ang "putang ina" na isinisigaw nila habang may hawak na bato ay mas makabuluhan pa kaysa sa mga walang kwentang reaksyon ng mga taong nanood lang naman at hindi nakialam o hindi inalam kung ano nga ba ang totoo. Mga simpleng tsismosa o kontrabida sa mga ganitong eksena.

    Apir!

    ReplyDelete
  14. Pasensya na kung parang bagong blogpost ang komento ko. Nakakagigil kasi e

    ReplyDelete
  15. Ang sigaw ng taga North Triangle: Ayaw namin sa San Roque kahit anong pag-aayos. Gusto namin ON SITE relocation sa isang prime real estate. High-Rise Tenament housing sa tabi ng isang high-class mall. Kayo mga nagbabayad ng buwis ang sasagot sa kanilang kahilingan.

    ReplyDelete
  16. ON SITE or IN-CITY RELOCATION basta may kabuhayan at hindi makakaapekto sa pag-aaral ng mga anak nila. Hindi sila mga oportunista tulad "mo". Sabi ko nga kasi sayo, PUMUNTA KA DUN! Josko!

    ReplyDelete
  17. Ibig sabihin sasagutin ng tax payers ang lilipatan nila dahil karapatan nga nila?

    ReplyDelete
  18. ^^^
    Yang si Jaime raw ang magbabayad. Hindi siguro nagbabayad ng buwis yang si Jaime kaya ganyan kung magsalita. O baka naman malaki kinikita nya sa Sitio San Roque. Marami yatang paupahan at kambingan.

    ReplyDelete
  19. ON SITE or IN-CITY RELOCATION?! Alam mo ba kung magkano ang presyo ng lupa dyan? Aba e mag-squat na lang din ako kesa magbayad ng milyon para sa kapirasong lupa dyan! Libre pa kuryente saka tubig! WOW sarap!

    ReplyDelete
  20. Nubayan!

    Josko, intindihin mo naman muna nga kasi. Hindi mo talaga ako maiintindihan kung puro ka lang naman dada. MAG GAWAING MASA ka, LUMUBOG KA sa mga batayang sektor (mass integration) para lumawak pang-intindi mo, Smple lang ang logic sa N Triangle, pagmamay-ari ng gobyerno ang lupa sa pwede siyang pumili kung saan o kanino ito ibibigay. so ang PINILI NIYA AY SILA AYALA kesa sa 9000 na libong pamilya, PAMILYA!

    At muli, ipasok mo sa kokote mo na KARAPATAN nila ang mabigyan ng maaayos na reloksyon. AYAW MO BA? wala kang magagawa kasi KARAPAAN nila iyon kaya ipinaglalaban nila. Ang dami mong alam noh? Magbabayad ng tax, ilang taon na silang nakikinabang, saan mo ba kasi pinagkukuha yan? Wahahaha

    Pumunta ka sa kanila ng maintindihan mo. YUN NA LANG, PUNTA KA MUNA, mag-imbestiga ka tapos saka ka magkomento, kahit sa inquirer, kampi sila sa mga residente doon. Siguro noong una, ayaw din nila, e ang maganda, ang-imbestiga sila. IKAW? Puro ka lang opinyon! Pakatalino naman tyao minsan. Hindi yung dunung-dungan lagi. AT hanggang ngayon, hinahamon nga kita na sabihin ang nalalaman mo sa isyu doon. DAHIL ALAM KO WALA. Puro lang opiyon! Wahahaha

    Sabi nga ni Mao Ze Dong, WALANG KARAPATANG MAGSALITA ANG WALANG ALAM o PAG-ALAM! Ikaw hindi mo alam ang isyu sa N triangle, ngayon wag ka ng magsalita. Pag may alam ka na, GO!

    Pero salamat sa pagsubaybay mo sa blog na ito. Hahaha

    Pakilala ka kung talagang matapang ka. Yun nga lang di mo na magawa paano ako bibilib sa mga komento mo!

    ReplyDelete
  21. San ka pa marami ng yumaman dyan sa area na yan andun ang kanilang mga paupahang barung barung kaya nga ang sabi nila mawawalan sila ng kabuhayan kaya nga tumpak ang sinabi mo Mr Jaime mawawalan nga sila ng kabuhayan pagkat ang kanilang paupahan barung barung na kinkagat naman ng mga bagong salta sa Manila at sa kalaunan ay natuto na ring mag squat ay mawawala. Isang pang Kabuhayan na mawawala ang pagbebenta ng droga hindi man nilalahat ay marami dyan.

    ReplyDelete
  22. isang nag papaliwanag at isang tumutunggali....
    walang patutungunhan ang punto ng argumento...tigilan nyo na..."kung ang kalahati ng utak mo ay mangmang na walang pakialam sa bayan at ung kalahati ay mahusay na nagpapaliwanag mukhang walang gustong pumatol"....he he he,,,..peace

    ReplyDelete
  23. sabi nga sa isang propesor sa palabas na sigwa,

    "ang taong walang social praktis ay kung saan-saan lumilipad ang utak at kung anu-ano na lang ang pinagsasabi"

    to voltaire: apir! hahahah..

    ReplyDelete
  24. Hehehe ayaw pumunta baka raw maholdap lang...

    ReplyDelete
  25. ang hirap magpaliwanag sa taong di naman alam ang tunay na mga nangyayari,kahit na mali iginigiit na tama.bakit di muna alamin ang tunay na mga pangyayari?

    ReplyDelete
  26. Pero seryosong tanong tax payers talaga ba ang magbabayad ng relokasyon?

    Naguguluhan ako, kasi nandun na ako sa nakakaawa ang kalagayan nila at madami ang lilikas sa kinalakihan na nila, considering na 50 years na silang nanirahan doon.

    Pero di ba kung magpapagamit ka ng bahay mo sa isang tao na di naman kanya yung lupa ay kung kailangan na niyang umalis e dapat na siyang umalis?

    ang di ko maintindinhan kung bakit madaming demands ang mga nakatira sa North Triangle. Pero sa tingin ko tama naman ang paggiit ng kabuhayan.

    ReplyDelete
  27. Ok lang sana dumamay sa mga mahihirap at dukha.

    Pero sana 'yung mga mahihirap at dukha na nasa tama, hindi 'yung nangangamkam ng hindi sa kanila.

    Ang dami-daming mahihirap na nagtitiyaga mag-commute araw-araw mula sa kanilang mga malalayong tirahan patungo sa kanilang pinagtatrabahuhan sapagkat doon lamang sila makaka-upa ng tirahan na kaya nilang bayaran.

    Saludo ako sa mga ito!

    ALAM KUNG ANO ANG TAMA AT ANG MALI!

    'Yung mga squatter sa North Triangle, halatang-halata namang nasa mali sila, tapos gagatungan pa ninyo.

    Mamili naman kayo ng tutulungan ninyo!

    ReplyDelete
  28. At bakit parang nilalahat ninyo ang mga taga-Montalban na BASURA lahat?

    Ang daming mararangal na tao na nakatira sa Montalban, Rizal.

    Ang sakit-sakit namang magsalita nitong mga aktibistang ito!

    ReplyDelete
  29. Kapag pinaalis ka sa tirahan mong ikaw ang may-ari ng lupa, ito ay isang malaking pagkakamaling maituturing.

    Pero kung nakikitirik ka lang naman ng bahay sa lupa ng may lupa at ayaw mong umalis kapag pinaaalis ka na, wala ka ring pinagkaiba sa mga nangangamkam ng pag-aari ng iba... ang tawag dun PAGNANAKAW.

    ReplyDelete
  30. ^^^
    squatter man land grabber pa rin...

    ReplyDelete
  31. Squatter = Land Grabber

    Tumpak!

    ReplyDelete
  32. Hi! Salamat sa lahat ng nag-iiwan ng makabuluhang comment sa blog na ito. Apir!

    Salamat sa pagtangkilik. Sana ay magfollow na din kayo sa pamamagitan ng pagsign dito gamit ang kahit anong existing email account ninyo. Click lamang ang FOLLOW button.

    Pwede rin kayong mag-iwan ng suggestions sa pamamagitan ng pag-click sa SUGGESTIONS tab page or sa THE BLOGGER sa ibaba ng header nito. Sa taas ng buong page. :-)

    ReplyDelete
  33. Natutuwa ako sa mga dating residente ng North Triangle na kusa nang lumipat sa Montalban, Rizal.

    Kasi parang may sense pa sila ng kung ano ang tama at kung ano ang mali.

    Alam nila na hindi sa kanila ang lupa sa North Triangle at tinanggap nila ang relocation sa isang place kung saan puwede nilang ipundar ang kanilang bagong buhay sa isang paraang tama at walang inaapakan.

    'Yung mga nagmamatigas at ayaw umalis sa North Triangle, pinaglalaban pa nila kung ano ang mali. Alam naman nilang hindi kanila 'yung lupa pero ayaw gawin ang nararapat.

    Tinatama na nga ang mga kamalian pero gusto pa rin sa baluktot.

    ReplyDelete
  34. cge papatol ako pero hindi sa topic!
    @bobong: cge masapat ka sa nalalaman m at mga naririnig mo....at pakiusap naman paki ugnay ung mga sinasabi sa komento ko mukhang 3/4 ng utak m hindi nakaka intindi..kausap ko ung blogger....nice name dude "BOBO"-ng
    ha ha ha ha ha

    ReplyDelete
  35. kay anonymous bakit ba ayaw mo magpakilala,kung totoo lahat ng sinasabi mo magpakilala ka.kung ano ano sinasabi mo ayaw mo magpakilala.di ka ba naaawa sa mga kababayan natin na mahihirap at kinakampihan mo pa ang mga dambuhalang kapitalista na pumapatay sa lahat ng kabuhayan ng pilipino?kamag anak ka ba ng makapili nung panahon ng hukbalahap?kung totoo lahat ng sinasabi mo magpakilala ka.di lahat ng mahihirap drug addict,drug pusher.maraming mayayaman dyn ang lulong sa droga,lulong sa kayamanan kahit makatapak ng maliliit.sana pag isipan mo lahat ng sinasabi mo at alamin mo ang tunay sa sitwasyon.

    ReplyDelete
  36. Simple lang naman iyan eh.

    May mga mahihirap na hindi squatter. Mahihirap sila pero alam na dapat magbayad ka ng upa sa lupa, kuryente at tubig.

    May mga mahihirap na squatter. Mahihirap na nagtirik ng tirahan sa lupa ng may lupa, nagnanakaw ng kuryente, nagnanakaw ng tubig.

    Dapat tulungan ang mga mahihirap na nasa tama.

    Hindi dapat kunsintihin ang mga mahihirap na walang pinag-iba sa nangangamkam ng mga lupain.

    ReplyDelete
  37. FYI, nagbalaikan na ang karamihan sa mga lumipat sa reloc site napagtanto nila na mahirap nga doon at hindi talaga makatao na doon sila ilipat.

    Muli, tama si Jaime punta ka na lang doon ng malaman nyo ang totoo. Mag-aral din kayo ng maikling kurso tungkol sa maralitang tagalunsod. Ang bobo bobo ng mga pro-demolition na ito. Inggit ba kayo? Gawa kayo sariling blog. Yung kasing informative at galing nito. Baka pag gumawa kayo ng blog e puro lang opinyong base sa emosyon at makikitid nyong utak ang magawa nyo.

    YUNG PAGBABAYAD sa tinitirahan nila, may nagbabayad sa NHA dun. May mga nag-aasikaso, pero ang usapin nga dito ay MAKATAO BA ANG GINAGAWA SA KANILA at HINDI BA ITO LUMALABAG SA KARAPATAN NILA PARA SA MAKATAONG PROSESO NG DEMOLISYON? Bobo din siguro si Pnoy dahil siya mismo pinatigil ang demolition at pinaimbestigahan na ang reloc site kung safe nga talga. Hahaha Maski si Pnoy kumampi sa residente, ikas na lang hindi wahahaha.

    AT TANDAAN ang sinabi ni jaime, nasa fault line ang reloc site na iyon at kahit mga dalubhasa ay nagsasabing hindi ito ligtas tirahan, palag ka pa? DALUBHASA KA BA?
    hehehhe

    At saka isa pa, doon sa bobong ngsabi na sinasabi ditong basura mga taga-montalban? Intindihin mo nga ang pangungusap na ginamit ni Jaime sa puntong iyon. May retorika iyon may balarilang execptional ang paggamit. Baliw!
    I DEMNAD, PAKILALA KA, KAYO! MGA DUWAG. TAKOT SA DEBATE DAHIL WALANG ALAM

    ReplyDelete
  38. ^^Isa na namang kumakampi sa MALI!

    ReplyDelete
  39. anthony said...
    kay anonymous bakit ba ayaw mo magpakilala,kung totoo lahat ng sinasabi mo magpakilala ka.kung ano ano sinasabi mo ayaw mo magpakilala.di ka ba naaawa sa mga kababayan natin na mahihirap at kinakampihan mo pa ang mga dambuhalang kapitalista na pumapatay sa lahat ng kabuhayan ng pilipino?kamag anak ka ba ng makapili nung panahon ng hukbalahap?


    Kawawa naman ang isang ito naiwan sa panahon ng Hapon tsk, tsk, tsk... Mas ayos na ang Kapitalista kaysa sa Opurtunista.

    ReplyDelete
  40. ^^^
    The above post speaks loudly of the reason why they should get out of there...

    ReplyDelete
  41. Pakilala na lang kayo at mag-usap-usap tayo ng personal. Takot ba kayo sa debate? Apir na lang!

    ReplyDelete
  42. At salamat dahil nakaamtabay talaga kayo sa mga post ko hehehe at nakaantabay din kayo sa mga bagong comment dito. Ano namang masasabi nyo sa blog ko?

    ReplyDelete
  43. Ito basahin mo tungkol sa relokasyon: http://pinoyweekly.org/new/2010/09/palpak-malayot-masikip-na-pabahay-sa-montalban-rizal/ Marami akong tinatanggal dito hindi lang yun lalo na yung may mga abusive words dahil baka mamaya ay ma-block ang account ko hindi dahil ayokong ipakita ang kanilang asal. Walang mali doon. Ito basahin mo, tungkol sa mga kinasusuklaman mong maralita: http://pinoyweekly.org/new/2010/09/sityo-san-roque-at-ang-retorika-ng-protesta/ siguro ganyan tingin mo sa kanila hahaha

    ReplyDelete
  44. Hindi naman kami nasusuklam sa maralita.

    Nasusuklam kami sa maralita at mayayaman na nangangamkam ng mga bagay na hindi kanila.

    Nagpupugay naman kami sa maralita at mayayaman na marunong sumunod sa batas at nakakaintindi na lahat ng tao ay may responsibilidad at kasama doon ang pagbabayad ng tamang upa at renta sa paggamit ng lupa.

    ReplyDelete
  45. Hmm.. Ok tong site na to. madaming mga ideya.. Agree ako na nagsamantala ang mga Ayala sa pagbili ng lupa ng gubyerno. Privatization na di naman talaga makakabuti in the long run. Pero, para naman sa mga informal settlers, para sa akin may punto din naman na paalisin sila. Dahil sabi nga nung nakaraan na mga komento kapag hindi iyo, hindi iyo. Kung panahon nang gamitin; e umalis ka na. Kung karapatan man nila ang relokasyon na maituturing; ang sa akin lang bakit parang nagtatawag ka ng masmarami pang mga informal settlers na mangagaw ng lupa ng may lupa. Kahit lupa ng gubyerno o pribado, kung hindi iyo, hindi iyo.. May mali sa magkabilang panig sa aking opinyon.. Dahil ang gubyerno hindi naman talaga nakapagbigay ng matagalang sulusyon sa usapin ng kabuhayan lalo na sa mga nasa sector pang agrikultura kaya andaming nagpupunta dito sa kalunsuran.. pero may sala man yung gubyerno; katotohanan pa rin na dapat tanggapin ng mga taga North Triangle nahindi kanila yung lupa. At kung hindi kanila yun wag na sana sila demanding tutal naman 50 years na silang nakinabang ng libre..

    ReplyDelete
  46. Mukhang nakaligtaang ugatin ng kung sino mang anonymous na yan at ng mga katono nya sa sintunadong pag-awit(mga ayaw magpakilala, mukhang kasapakat ng mga mandarambong ng tirahan at karapatan ng maralitang lungsod)kung ano ang ugat ng kawalan ng katiyakan ng paninirahan at kabuhayan ng mga maralita mula sa nakatala sa kasaysayan.

    Ibubuod ko sa kaila ang ubod ng turo ng kasaysayan sa isang pangungusap: Ang Pilipinas ay isang mayamang bansa ng mahihirap na mamamayan. May pag-aaring lupa ang dayuhan at iilan, pero iskwater ang tawag sa mamamayang naggigiit na sila, ayon sa kasaysayan, ang tunay na nagmamay-ari ng mga lupaing patuloy na kinakammkam ng mga dayuhan at iilan sa pamamagitan ng mahiwagang papel na kung tawagin ay titulo. Titulong inimbento ng mga dayuhan at iilan, titulo ng sistematikong pangangamkam, titulo ng walang-puknat na panlilinlang, pagsasamantala at pang-aapi sa sambayanang tunay na nagmamay-ari ng lupa.

    Ayoko nang dagdagan ang argumentong ito dahil sapat na. Sana ay magsilbi na lang ito sa kanila (sa mapupurol ang pagsusuri at malalabnaw ang utak) na hudyat upang sila'y magsimula nang magbasa-basa at magsikhay sa pag-aaral sa kasaysayan at lipunan bago sila sumali sa matataas na antas ng diskusyon ukol sa mga isyung salat sila sa kaalaman. 'Yun lang!

    Peace, braddas & sistahs!

    ReplyDelete
  47. @ Murphy
    Ok. Dahil nagexist lang na communal ang lahat ng lupa sa pilipinas noong unang panahon. Kung sa panahon ngayon ang usapan, meron tayo tinatawag na private property. At hanggat meron niyan, kailangan mong paghirapan ang karapatang ariin ang kina titirikan ng bahay mo.

    Ergo, hindi kanila ang lupa. dapat silang umalis. May gubyerno pang nagmamayari niyan. Mali man na naibenta sa Ayala; wala pa rin na karapatan na tirikan ng informal settlers ang lupa na di kanila.

    ReplyDelete
  48. Lupang hindi kanila dahil hindi ipinagkaloob sa kanila. AT PLS LANG, SA LAHAT NG NAGKOKOMENTO NA DAIG PA ANG WALANG SENTIDO KUMON, ang usaping ipinaglalaban ng residente ng mga taga-North Triangle ay usapin ng makataong pagtrato sa kanila. Maayos na relokasyon gaya ng nakasaad sa ating mga batas.

    Hindi ko lang maiintindihan, sa mga tumutuligsa sa residente ng Sitio San Roque at pinipili pang kampihan ang mga Ayala at kawalan ng aksyon ng gobyerno ay ANO BA ANG GUSTO NYO? Palayasin ang mga residente nito? DAHIL SA SINASABI NYONG HINDI SA KANILA ANG LUPA? O DAHIL SA KASALANAN NILA IYON? ANO BANG GUSTO NIYO, HAYAAN NA SILA? Pasensya na kayo dahil makamamamayan kami. Ibigsabihin, iniintindi namin ang kapakanan ng mas nakararami, halimbawa sa ganitong kalagayan, AYALA vs 9000 families syempre mas minarapat naming kampihan ang 9000 na libong pamilya.Sabi ko nga, imbes na sisihin sila ay ugatin ang dahilan kung bakit may mga katulad nila, HINDI BA'T UUGATIN NATIN ITO NA KAYA MAY MGA KATULAD NILA DAHIL WALANG SERBISYONG PANLIPUNANG IBINIBIGAY ANG PAMAHALAAN? WALA SILANG BAHAY. WALA SILANG TRABAHO. WALA SILANG MAGANDANG KINABUKASAN. At wag nyo akong paniwalaing tamad sila kaya hindi sila umaasenso, mas matalino pang isiping wala silang puwang sa MKMP na lipunan kaya ganyan sila. Sa lipunan ngayon, hindi katiyakan ang kasipagan para umunlad, MASIPAG ANG MGA MAGSASAKA, pero maunlad ba sila? Hindi, dahil sa lipunang ito, basta magpakaganid ka, uunlad ka. Tulad ng mga gahamang kinikilala ngayon bilang mga matatagumpay na tao.PERA at KARANGAYAAN ang nagiging indikasyon ng katagumpayan sa buhay. KAHIT ANG KARANGYAANG ito ay nakuha sa pinakamaduming paraan.

    ITIGIL NYO NA MUNA ANG DEBATE. Lahat ng komentong susunod dito ay buburahin ko na, babasahin ko pero hindi ko na ipupublish ang mga komento.

    AYOS PA KUNG MAGSE-SET kayo ng meeting para pag0usapan ito ng personal dahil sa set na ito ay hindi magpapatalo ang magkabilang panig. Pero papanindigan kong nasa TAMA ang katwiran ko at ng iba pang naki-isa sa mga residente ng N. Traingle! SALAMAT SA LAHAT NG KOMENTO!
    APIR! :-)

    ReplyDelete
  49. Muli, pasensya na sa lahat ng nagkokomento dito sa blogpost na ito na hindi ko naipa-publish. Yung constructive comment na lang kasi ang ipa-publish ko at yung mga walang kwenta ay hindi ko na ilalagay. OK? Anyway, salamat sa pagbabasa! Apir!

    ReplyDelete
  50. Jaime Sanone de Guzman basahin mo to:

    http://akira123323.livejournal.com/

    ReplyDelete
  51. Muli,nais kong linawin,hindi ko layuning i-moderate ang mga comments sa rasong gusto kong i-restrict kayo sa pagcocomment dito. Gusto ko lang itigil ang naging argumento dito dahil wala akong nakikitang magandang patutungunhan ng debateng ito (online). Hindi rin nangangahulugang hindi ko kayanag sagutin lahat ng alegasyon nyo. SABI KO NGA SA DULO, Hinahamon ko kayo sa isang personal na debate at hindi dito. Ibigsabihin, pinaninindigan ko ang posisyon ko pero ayaw kong makipagtalo dito dahil non-sense naman ang ibang mga punto, isa pa, paulit-ulit naman din ang inyong mga argumento (kayo na tumutuligsa sa blogspost ko).

    Anyway, salamat sa write up (http://akira123323.livejournal.com/ ) tungkol sa post na ito, hindi man ito pabor sa akin o sa blog mismo, at least (at the very least) ay naglaan ka ng panahon para i-critic ito. Ibig sabihin, apektado ka. Hehehe Apir! Follow ka na kaya. Marami pa akong post baka gusto mo ring i-critic o lagyan ng comment. Mayroon ako sa ROTC, Hacienda Luisita, Comedy Bar at marami pa. Baka ayawan mo din iyon Hahahaha APir!

    Salamat sa nagsabing "apir ur face" natawa ako. Para kang bata. At sa lahat ng namemersonal na sa akin, ayos yan. Pinabababa nyo lang ang sarili nyo at pinatataas nyo naman ang moral ko para magpatuloy sa ginagawa ko. Salamat din sa kinakarir na ang paninira sa akin. Kaso hindi naman ako masisira dahil hindi naman ako ARTISTA. Lilinawin ko din, hindi ako POLITIKO WANNABE. At lalong ayokong patuan ang sinasabi mo, ninyo o sino pa man kayo na ako ay KOMUNISTA. Apir na lang uli. Baka mamaya kasuhan na lang ako ng rebellion.

    Salamat! :-)

    ReplyDelete
  52. nirerespeto ko ang kgustuhan ni JAIME!!
    na wag ng ipublish ang mga ndi makabuluhan na komento ng mga taong magsalita ng wala namang batayan...

    Masyadong kinahon ng mga bumabatikos sa blog na to ang kanilang isip sa usaping sobra sobrang pakikinabang ng mga "informal settlers" (para magandang pakinggan), at ang diumano'y pag-angkin sa lupaing ni minsa'y di naging kanila..

    Nakakalungkot lang isiping ndi sila naglaan ng panahon upang makapangalap ng mas reliable na info at mas malalim na pagsusuri ndi lamang sa ganitong klaseng kalagayan bagkus sa kalunos lunos na kalagayan ng sambayanang Pilipino...

    Ndi ko na pahahabain dahil ilang ulit ng nabanggit ng mga "kritikal magsuring mga indibidwal" kung ano ang dapat nyong gawin.

    Kung nakakaawa ang mga taga San Roque..
    Mas NAKAKAAWA kayo!!!!!

    Siguro'y naturingan kayong mga INTELEKTWAL at mga Nakapag-aral!
    Pero daig nyo pa ang mga taong di nakatuntong ng paaralan kaya di alam ang salitang "RESPETO SA KARAPATAN NG TAO"

    wala kayong pinagkaiba sa mga trapong nakaupo sa GOBYERNO!!

    apir!!!

    ReplyDelete

Please do not forget to have your identity. After commenting, you may share this. Thanks! Apir!