Dalawampu’t apat na taon na ang nakalipas nang wakasan ng People Power I ang may dalawang dekadang diktadura ni Marcos. Apat na administrasyon na ang nagdaan simula nang ituring ng sambayanang Pilipino ang pag-alpas mula sa pangil ng Batas Militar at malalang paglabag sa karapatang pantao.
Dalawampu’t apat na taon at apat na administrasyon, kasing-edad na ng ilan sa aming mga itinuturing na terorista ay ngayo’y nananatiling nakapiit. Karamihan sa amin sa Morong 43 ay hindi na naabutan pa ang bagsik ng diktadurang naranasan ng sambayang Pilipino. Ngunit sa aming naranasang dahas mula sa military at iba pang ahente ng gobyernong Arroyo, may pagkakaiba nga ba ang mabuhay noong panahon ni Marcos sa ating ating panahon ngayon?
Dalawampu’t apat na taon at apat na administrasyon, kasing-edad na ng ilan sa aming mga itinuturing na terorista ay ngayo’y nananatiling nakapiit. Karamihan sa amin sa Morong 43 ay hindi na naabutan pa ang bagsik ng diktadurang naranasan ng sambayang Pilipino. Ngunit sa aming naranasang dahas mula sa military at iba pang ahente ng gobyernong Arroyo, may pagkakaiba nga ba ang mabuhay noong panahon ni Marcos sa ating ating panahon ngayon?
May pitong buwan na ang nakalipas mula nang iligal na inaresto ang Morong 43 ng mga sundalo sa aming ika-anim na araw para sa pagsasanay medical na aming inilunsad sa Morong, Rizal. Nananatiling nakamarka ang pait at hirap ng karanasang iyon noong Pebrero 6, 2010. Ang pisikal, mental at sikolihikal na tortyur ay bahagi ng aming naranasan, na ayon sa mga humuli sa amin ay SOP daw. Standard operating procedure pala ng militar at pulis ang tortyur! Kasabay ng pagpiring sa aming mga matang luhaan, narinig namin ang paglibak sa aming hangaring maglingkod sa bayansa sarkastikong pagtawa, paulit-ulit na tanong at pagsambit ng “Nars ka ba ng NPA?” o “Sayang ka, yan tuloy ang napala mo!” Inihahalintulad nila ang pagseserbisyo sa mahihirap sa isang bagay na hindi dapat tularan.
Ito nga ang napala ng 43 manggagawang pangkalusugan --- ang mapiit dahil sa pagkalinga sa mahihirap at kapos-palad. Ito rin ang sinapit ng daan-libong aktibista, mamamahayag at iba pang sektor ng lipunan dahil sa paniniwalang makatarungan ang lumaban para sa wasto at makatwiran. Kinukutya, tinotortyur at pinapatay ang mamamayang lumalaban dahil sa simpleng paniniwala sa
katotohanan at paninindigan para sa inaapi at pinagsasamantalahan. Sa desperasyong ipangalandakan ang katapusan ng insurhensya sa bansa, ginagawang tropeo ang iligal na pagdakip, pagdukot, pagpatay at pagmasaker.
Sa ating paggunita ng deklarasyon ng Martial Law ngayong Setyembre 21, alalalahanin natin ang pananatili ng mga militarista at maka-hayop na pagturing sa karapatan ng mamamayan. Kasama nating alalahanin ang hindi mabilang na paglabag sa karapatang pantao. Kasama nating alalahanin ang mga buhay at pag-asang kinitil kapalit ng gantimpalang pilak at ginto ng mga salot sa lipunan. Kasabay ng ating pag-alala ay ang ating patuloy na paninindigan para sa kanilang ipinaglalaban.
Ang laban ng Morong 43 ay hindi natatapos sa aming pagkapiit. Sa aming pakikibaka para sa katarungan at paglaya, batid naming ang napakalaking papel ng suporta at pagkilos ng mamamayan. Bilang mga manggagawang pangkalusugan, hindi hiwalay an gating mga ipinaglalaban -- ang makamit ang katarungan at sapat na serbisyong panlipunan. Bilang mga ina, ama, o anak, hindi hiwalay an gating nais na magkaroon ng malayaat tunay na payapang
pamumuhay.
Sa kabila n gaming pagkapiit, asahan niyo ang patuloy naming pakikibaka para sa paglaya, at ang patuloy na pag-asang muli’t muli, babalik kami sa mga komunidadupang magbigay ng serbisyong pangkalusugan. Nagpapasalamat kami at patuloy na nananawagan sa inyo para sa aming paglaya at paglaya ng lahat ng bilanggong pulitikal. Ang pagkilos ng sambayanan ang nagbibigay sa amin ng katatagan at lakas ng loob sa pagharap sa hamong ito sa aming buhay.
Palayain ang Morong 43 at lahat ng bilanggong pulitikal!
Ilantad, tutulan at labanan ang pasismo ng estado!
Katarungan at kalayaan sa lahat ng biktima ng paglabag sa karapatang pantao!
No comments:
Post a Comment
Please do not forget to have your identity. After commenting, you may share this. Thanks! Apir!