Popular Posts

Saturday, October 23, 2010

ACT Teachers' Hotline for Barangay Elections 2010

ACT TEACHERS HOTLINE NUMBERS
FOR BARANGAY ELECTIONS 2010
 
 

Magkakapamilya, magkakapuso at magkakapatid sa ngalan ng pagsasamantala


Wala talaga tayong maasahan sa mainstream media lalo na sa panahong interes na nila o ng mga taong bumubuhay sa kanila ang pag-uusapan. Sabi nga ni Allain Cadag , bise-presidente ng ABS-CBN-International Job Market Workers Union, magkakalaban lang ang iba't ibang malalaking istasyon sa rating pero magkakampi naman ito sa pagtatanggol sa mga interes nila o sa pambubusabaos sa mga emplyedo nito.

Friday, October 22, 2010

RPG Metanoia: Philippine's first 3D animated feature film (Soon on theaters)


Ang RPG Metanoia ay isang opisyal na entri sa 36th Metro Manila Film Festival (MMFF) ng Star Cinema kasama ang Ambient Media bilang co-producer.

Ang pelikula ay nasa ilalim ng direksyon ni Louie Suarez. Ang mga boses sa likod ng mga karakter dito ay kina Zaijian Jaranilla (Santino/ Eli), Mika Dela Cruz (kapatid ni Angelica dela Cruz/ Goin' bulilit star), Aga Muhlach, Eugene Domingo at Vhong Navarro.

Ang RPG Metanoia ay ang pinakaunang 3D animated movie sa bansa at sinasabing maaaring maikumpara ang kalidad sa Toy Story, Shrek at iba pang 3D animation film. Ito ay ipapalabas sa mga sinehan sa Disyembre 25.

Para sa iba pang impormasyon sa pelikula magtungo lamang sa therpgmovie.com, opisyal na site ng RPG metanoia. 

Video credits: Star Cinema's Youtube channel.

Thursday, October 21, 2010

Pagpupugay sa tagumpay ng Lakbayang Magsasaka para sa Lupa at Hustisya!

Hindi ninyo inalintana ang pagod. Hindi kayo natinag sa ulan at matinding init ng araw. At ni hindi ninyo napansin si bagyong Juan. Hindi rin kayo nagpatali sa pandarahas. Matapos ang sunod-sunod ninyong aktibidad mula sa 100 araw ng kampuhang magsasaka, taas moral pa rin ninyong pinagtagumpayan ang LAKBAYAN PARA SA LUPA AT KATARUNGAN. At para sa tagumpay na ito, pagpupugay sa inyo!

Tuesday, October 19, 2010

Statement of akosiliet on the "Statement of President Aquino in response to queries about the budget of State Universities and Colleges"


Nitong mga nakaraan pong linggo, nakarating daw po kay Pangulong Benigno Aquino III ang  ilang mga hinaing at reklamo ukol sa iminungkahing budget para sa State Universities and Colleges (SUC’s) sa taong 2011. Pinakinggan daw po nila ang ating saloobin tungkol dito. Bilang paglilinaw po, narito ang katotohanan, at ang aming (mga kabataan) paninindigan.

Ang inilaang pondo para sa edukasyon ay bahagi di-umano ng isunusulong na zero-based budgeting ng gobyerno na pinaniniwalaan nilang mas nararapat. Ito ang mas nararapat para  sa kanila dahil magbibigay katwiran ito sa mga neo-liberal na polisiya ng gobyerno tulad ng Public-Private Partnership (PPP) na ipinapatupad nila na lalong nagpapahirap sa iba't ibang sektor ng mamamayan.

Monday, October 18, 2010

Mga magsasaka, "nag-lakbayan" laban sa administrasyong Aquino

 

Oktubre 18, 2010 - Sinimulan ng mga magsasaka sa pangunguna ng Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (KASAMA-TK) ang apat na araw na "lakbayan" patungong Mendiola upang kundenahin ang anila'y "maka-hacienderong rehimen" ni Pangulong Aquino.

Ang Pambansang lakbayan ay isang taunang aktibidad ng mga magsasaka  sa buong bansa upang ipanawagan ang tunay na reporma sa lupa at hustisya para sa mga magsasaka.  Ang tema ng lakbayan ngayon ay "LAKBAYAN NG MGA MAGSASAKA PARA SA LUPA AT HUSTISYA LABAN SA HACIENDERONG REHIMEN NI AQUINO".


Video Credits: ST Exposure Real Reels


Peasants on Lakbayan urgently need everyone's support for medicines (vitamins, paracetamol, cold/cough meds & pain relievers), food and rain gear.

PLS CONTACT: 09202737513 | 09336457302

Lakbayang Magsasaka 2010

LAKBAYAN NG MGA MAGSASAKA PARA SA LUPA AT HUSTISYA LABAN SA HACIENDERONG REHIMEN NI AQUINO
OCTOBER 18-21

Peasants will slam the Haciendero Republic of Noynoy Aquino after more than 100-days in office that has no clear plan on how to address the issues on land reform in the country but rather continues Gloria Arroyo’s state terrorism in addressing the peasants’ grievances.

The marathon protest march dubbed as “LAKBAYAN NG MGA MAGSASAKA PARA SA LUPA AT HUSTISYA LABAN SA HACIENDERONG REHIMEN NI AQUINO” will start-off at Calamba, Laguna on October 18 and culminate in Mendiola Bridge on October 21. The march will pass through key offices and highlight local peasant issues calling for genuine agrarian reform and put an end to militarization in the region.

Sunday, October 17, 2010

Important numbers during emergency situation


Bureau of Fire Protection (NCR): 729-5166 | 410-6254 | 413-8859 | 407-123
Bureau of Fire Protection (Central Luzon): (045) 9634376

National Risk Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) formerly NDCC: 734-2120 | 911-5061 | 912-5668
For contact numbers of NDRRMC directors, click here.

Red Cross:
143 (Hotline) | 5270000 | Portal: www.redcross.org.ph

Metropolitan Manila Development Authority (MMDA): 136 (hotline) | 0920-947-2503 (towing concerns) | 0920-947-1632 or 0917-561-8709 (duty officer)

Philippine Coast Guard:
527-8481 local 6290 and 6292; 328-1098
Manila Electric Co. (Meralco): 16211

Citizens’ Disaster Response Center (CDRC)
72-A Times St., West Triangle Homes, Quezon City, 1104 Philippines

(632) 9299820 (Hotline) | (632) 9299822 (fax number)
Email: info@cdrc-phil.com
Portal: www.cdrc-phil.com

For flight schedule updates:
Philippine Airlines (PAL) hotline: 855-8888
Cebu Pacific Air hotline: (02) 70-20-888  |(032) 230-88-88
Portal: www.cebupacificair.com

You may also read the typhoon preparedness tips from Philippine National Red Cross. Click here.

 

Saturday, October 16, 2010

Typhoon preparedness tips

Since another "ondoy-like" typhoon is coming, I decided to blog this simple reminders from the Philippine National Red Cross (PNRC). This would be very helpful to all of us.

Before the typhoon:

1. Store an adequate supply of food and clean water. Prepare foods that need not be cooked.
2. Keep flashlights, candles and battery-powered radios within easy reach.
3. Examine your house and repair its unstable parts.
4. Always keep yourself updated with the latest weather report.
5. Harvest crops that can be yielded already.
6. Secure domesticated animals in a safe place.
7. For fisher folks, place boats in a safe area.
8. Should you need to evacuate, bring clothes, a first aid kit, candles/flashlight, battery-powered radio, food, etc.

Introduction to the Comprehensive Reproductive Health Bill

Photo from Pinoy Weekly/ Macky Macaspac

FRAMEWORK

1. Women’s reproductive health problems and concerns are addressed against the backdrop of Philippine society beset with unequal distribution of wealth. The social inequality between the ruling and the exploited classes coupled with government's corruption and its neglect to deliver essential social services is the core basis of poverty, and not overpopulation.

Wednesday, October 13, 2010

ABS-CBN workers protest illegal dismissal and union busting

 

A big protest action was conducted yesterday in front of ABS-CBN's Sgt. Esguerra gate by members of the Internal Job Market Workers Union. Retrenched workers staged a picket to pressure the network's management to reinstate the illegally dismissed and hold certification elections following the Dep't of Labor and Employment's decision on their case. They were supported by organizations coming from the labor and youth sectors.

Starting October 12, the picket in front of ABS-CBN network’s Sgt. Esguerra gate will serve as the protest center of the Internal Job Market Workers Union (IJMWU). According the IJMWU, the ABS-CBN management gave no response to the demands of the workers and instead, continued to dismiss employees who are mostly union officers and members.

Kodao Productions: Cris Balleta and Karl Ramirez

Saturday, October 9, 2010

Certified Imba si Aquino

Sabi ng tropa kong si Julieto Pellazar na adik sa larong  "defence of the ancients" o mas kilala sa tawag na DOTA, ang ibig sabihin daw ng imba ay imbalanced. Ginagamit raw nila ito sa mga kalaro nilang halimaw sa paglalaro ng DOTA o hindi kaya ay sa mga hindi ganoon kagaling. Ang imbalanced raw  sa DOTA ay maaaring matamo kung mauungusan mo ang iyong mga kalaban o hindi kaya ay ikaw ang mauungusan. Simple, basta hindi balansyado ang laro. Pero hindi lang sa DOTA ginagamit ang imba dahil sa kahit anong online games, mapa-RPG man o simpleng virtual game ay ginagamit na din ito.

Friday, October 8, 2010

Pagpupugay sa mga tunay na iskolar ng bayan!

“Libro, hindi bala! Edukasyon, hindi gera! Budget cut sa SUC, tutulan, labanan, ‘wag pahintulutan!"

Kakapanood ko lang ng balita tungkol sa naging "eksena" ng mga estudyante ng University of the Philippines- Manila at ibang militanteng kabataan. Dalawa lang ang naramdaman ko habang at pagkatapos ko itong napanood. Una, ay pagpupugay para sa mga kabataang ito, pangalawa ay suklam kay Aquino.

Aquino's hundred days a disappointment

 

People's organizations led by Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) rallied to Mendiola to express their disappointment over the performance of PNoy's administration in the first hundred days. PNoy was rated with zero for not addressing basic social issues and for continuing policies his predecessor, Gloria Macapagal-Arroyo.

Kodao Productions: Jaime Sanone de Guzman and Cris Balleta.

100 Araw: Ang pagtutuos sa daang matuwid (Part 6)

End of (100) days
by Dr. Giovanni Tapang, Ph.D.

In investigating the characteristics of a certain system, one usually performs several measurements simultaneously on it to obtain an average description. Alternatively, one can observe the system for a certain period to find statistical and qualitative behavior patterns that do not change over time. If we have a-priori knowledge about the system’s dynamics, unexpected data points usually indicate the need to revise our original description. On the other hand, if the measurements match our a-priori description, it further validates it and makes it useful in forecasting future behavior.

100 Araw: Ang pagtutuos sa daang matuwid (Part 5)

Isang Bukas na Liham sa Okasyon ng Ika-100 Araw ng Panunungkulan ni Noynoy Aquino

Kahapon ng umaga, ako, kasama ng aking mga kapwa lider estudyante, ay dumalo at nakinig sa “Report kay Boss” ni Pang. Benigno Simeon Aquino III.  Sa parehong pagtitipon, nangahas akong ilatag ang mga isyu ng kabataan at mamamayan.

Oo, kami ay inimbitahan para saksihan ang “pag-uulat” ng Pangulo. Gayunman, nakita naming higit sa pagsaksi ang kailangan naming gawin. At higit sa lahat, hindi sinasagot ng naturang “ulat” ang mga panawagan ng kabataan at mamamayan para sa tunay na pagbabago.

Thursday, October 7, 2010

100 Araw: Ang pagtutuos sa daang matuwid (Part 4)

Akala ko sa Wikang Ingles ka lang hirap, Noy.

Akala ko.

Akala ko sa Wikang Ingles ka lang hirap, Noy. Akala ko talaga. Kaya nga, sinubukan kitang paliwanagan sa mga terminong ginamit mo kamakailan sa iyong pananalumpati sa harap ng UN, mga terminong, baka kako hindi mo nauunawaan ang depinisyon at kahulugan.

Ngunit, kahit pala sa sariling wika'y hindi ka nakauunawa. Mano ba namang ito ang mensaheng binigkas mo kahapon sa iyong paguulat sa bayan sa mga naabot at itinakbo ng iyong unang isang daang araw.

PNoy's first hundred days graded zero by various sectors

 

People's organizations led by the Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) state the people's case on the hundredth day in office of President Benigno "PNoy" Aquino III. From farmers to workers, to students and migrant families, Aquino's performance rating was zero. 


Kodao Productions: Jaime Sanone de Guzman

President Benigno S. Aquino III’s speech on the first hundred days of the Administration

Delivered at the La Consolacion College, Manila October 7, 2010

Maraming salamat po. Maupo ho tayo lahat.

Vice President Jejomar Binay, members of the Cabinet, our host led by Sister Imelda, honored guests, fellow workers in government, mga minamahal ko pong kababayan.

Magandang umaga po sa inyong lahat.

Ang basehan po ng demokrasya kaya mayron tayong mga pulitikong naglalahad ng kanilang plataporma ang nanalo po ay obligadong ipatupad ang platapormang ipinangako.

Isandaang araw po ang nakalipas, nagpanata ako sa taumbayan: Hindi ko tatalikuran ang tiwalang kaloob ninyo sa akin. Ang nakalipas na isandaang araw ang magsisilbing tanda ng atin pong paninindigan.

100 Araw: Ang pagtutuos sa daang matuwid (Part 3)

Aquino’s first 100 days:
No major achievements, no meaningful change,
lots of failed promises
by Renato Reyes Jr

The first 100 days of the Aquino government was marked by the continuation of many of the policies of previous governments, the continuing deterioration of the human rights situation and the failure to make any headway in the prosecution of former president Gloria Macapagal Arroyo.

Aquino’s superficial efforts to make himself appear different from Arroyo cannot cover-up the lack of any meaningful reforms in his government. He gets failing marks in many key areas of governance such as justice, human rights, economic reform and foreign policy.

100 Araw: Ang pagtutuos sa daang matuwid (Part 2)

Ito na ang pangalawang entri para sa 100 araw series ng blog natin. Sana ay magustuhan ninyo ang simpleng tulang ito na tumatalakay sa naging unang isang daang araw ni Pangulong Benigno Aquino III.

Si Jessie Barcelon, na sumulat ng tulang ito ay isang personal na kaibigan na kasalukuyang nag-aaral sa isang pampublikong pamantasan sa Maynila. Marami na rin siyang nagawang tula at maaari nyo itong mabasa sa pamamagitan ng kanyang facebook account. Salamat.

Tuesday, October 5, 2010

Morong 43 101: Sa ika-8 buwan ng Morong 43

Sa ika-walong buwan ng pagkakakulong ng 43 Health workers o mas kilala sa "Morong 43", balikan natin ang mga detalye ng nangyari sa kanila mula ng sila ay iligal na inaresto hanggang sa kasalukuyan.

Inaalay ko ang sulating ito para sa 43 manggagawang pangkalusugan at sa lahat ng naging at magiging bahagi pa ng kanilang laban para sa ganap na kalayaan.

Maaari din kayong maglagay ng karagdagang impormasyon sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento dito.

Friday, October 1, 2010

Para kay kasamang Bruks

Simple lang ang iyong kabaong. Kabaong ng mga pangkaraniwang tao. Hindi rin kaaya-aya ang lugar kung saan ka ibinurol. Pero alam kong payapa ka dahil ang simpleng kabaong kung saan ka nakahimlay ay naglalarawan ng kapayakan ng buhay mo at ang hindi kaaya-ayang lugar kung saan ka ibinurol ng ilang araw ay ang lugar kung saan ka minahal ng mga masang inorganisa mo.