Popular Posts

Tuesday, October 5, 2010

Morong 43 101: Sa ika-8 buwan ng Morong 43

Sa ika-walong buwan ng pagkakakulong ng 43 Health workers o mas kilala sa "Morong 43", balikan natin ang mga detalye ng nangyari sa kanila mula ng sila ay iligal na inaresto hanggang sa kasalukuyan.

Inaalay ko ang sulating ito para sa 43 manggagawang pangkalusugan at sa lahat ng naging at magiging bahagi pa ng kanilang laban para sa ganap na kalayaan.

Maaari din kayong maglagay ng karagdagang impormasyon sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento dito.

February 6 taong kasaluyan ay iligal na inaresto ng mga militar ang 43 manggagawang pangkalusugan sa isang resort sa  Morong, Rizal na pagmamay-ari ni Dr. Melecia Velmonte, isang konsultant sa Philippine General Hospital at guro sa Kolehiyo ng medisina sa Unibersidad ng Pilipinas. Ayon sa mga sundalo ay mga kasapi ng New People's Army ang mga ito at nahulihan sila ng mga baril at pampasabog habang nasa "bomb-making seminar". Ayon sa mga manggagawang pangkalusugan ay planted at hindi totoo ang mga ebidensyang iniharap ng mga militar sa media.

Dalawamput anim sa mga nahuli ay babae at dalawa sa mga ito ay buntis-- si Judilyn Oliveros at si Mercy Castro kapwa mga community health workers sa kanilang mga lugar.  Ang iba naman sa kanila ay matanda na tulad nila Dr. Alexis Montes  ng Community Medicine Development Foundation (COMMED) at Lydia Obrera, 61 yrs old na myembro naman ng Alliance of Health Workers (AHW). Sa kanilang pagkakahuli ay dinala sila ng mga sundalo sa Camp Capinpin, Tanay Rizal.

Ayon kay Velmonte, ang mga hinuli ay mga community health workers na nasa isang mahalagang training na inorganized ng isang non-government oganization na Council for Health Development (CHD). Ang CHD ay kilala sa pag-oorganize ng mga first-responders training tulad ng seminar na dinaluhan ng Morong 43.

Dalawang araw matapos ang kanilang pagkakadakip ay nagsumite ang kanilang mga kamag-anak ng writ of habeas corpus sa Court of Appeal. February 9, nagpahayag si dating Commission on Human Rights Chair Leila de Lima na ang 43 ay nakaranas ng psychological torture sa kustidiya ng mga militar. Dagdag pa nito ay nilabag din daw ng mga sundalo ang right to councel ng mga ito.

Ilang araw ang nakalipas, hiniling ng Supreme Court sa mga militar na iharap sa Court of Appeals ang 43 ngunit noong February 12 ay hindi dinala ng mga sundalo ang 43 bagkus ay iginiit ng mga ito na hindi akma na ibyahe ang Morong 43 mula sa Tanay pa-Maynila dahil sa usapin ng seguridad. 

February 26, pinadalhan ng summon ng CHR ang mga sangkot na militar, pulis at huwes para imbestigahan ang 'di-umanoy torture na naranasan ng Morong 43 na itinakda noong March 18. Hiniling din ng komisyon sa dating presidente na si Gloria Macapagal - Arroyo na magpasa ng kanyang mga komento hinggil sa pangyayari. 

March 1, in-offeran ng mga militar si Adoracion Paulino, ina ng isa sa mga detinido ng P50 000 at trabaho kapalit ng pag-amin ng kanyang anak. Ang insidente ng panunuhol ay inamin naman ng mga sundalo. Ayon sa kanila ito ay financial assistance na bahagi ng government's social integration program para sa mga rebeldeng nagbalik loob sa gobyerno. 

March 10, dinismis ng  Court of Appeals ang petisyon ng Morong 43 para sa habeas corpus. Ayon sa CA ay wala ng batayan para kwestyunin ang kanilang pagkakakulong sa oras na mayroon ng nakasampang kaso sa mga ito. Labas na rin dito ang kwestyon sa mga iregularidad ng kanilang pagkakaaresto o pagbasa ng sakdal para sa kanila. Sa mga panahong iyon ay nagsampa na ng kasong illegal possession of firearms ang mga miltar laban sa Morong 43. 

March 18, dalawang militar lamang ang humarap sa imbestigasyon ng CHR. Ayon sa kanilang mga abugado, gusto man daw nilang iharap ang Morong 43 sa imbestigasyon ay hindi raw maaari dahil kailangan daw nila ng court order para sa pansamantalang paglabas ng mga ito. Kinadismaya ito ni De Lima dahil hindi naman na kailangan ng ano pa mang court order para iharap ang mga ito dahil ang CHR ay may independent mandate para mag-imbestiga. 

April 9, 38 sa Morong 43 ay nakatakdang ilipat sa Metro Manila sa bisa na rin ng Morong court order pero hindi sila tananggap sa Camp Crame sa kadahilanang puno na raw ang kanilang detention center. 

May 1, International Labors Day, mabilisang inilipat sa Camp bagong Diwa sa Taguig City ang 38. Ang mga kamag-anak nila ay mabilisan ding sumunod matapos malaman ang balitang ito. Sila ay nasa rally ng malamang nasa daan na raw ang 38 kasama ang mga sundalo at handa nang ilipat sa Camp Bagong Diwa. Nagalit ang mga kamag-anak dahil hindi man lang daw sila pinaabutan ng nasabing paglilipat.

Tatlungput walo na lamang ang inilipat sa Manila District Jail sa Camp Bagong Diwa dahil itinuturing na ng militar na state witness ang limang umamin na sila raw ay mga myembro ng NPA. Ayon sa mga kamag-anak ng 38 sa Morong 43, ang lima na umamin na sila ay kasapi ng NPA ay nakaranas ng matinding psychological at physical torture kaya hindi sila nagtataka na napilitan itong aminin ang mga bagay na hindi naman totoo. Ngunit pinaninindigan pa rin ng  38 health workers na ang kanilang laban  ay para sa pagpapalaya sa  43 manggagawang pangkalusugan dahil ayon sa kanila, ang lima ay nasa kustodiya pa rin ng mga militar at wala pa ring ganap na kalayaan bagkus ay patuloy pa rin silang nakakaranas ng psychological torture sa kamay ng militar. 

July 6, nagbaba ng direktiba si President Aquino kay Justice Secretary De Lima para rebyuhin ang kaso ng Morong 43 kasama na ang agarang pagpapalaya sa dalawang nagdadalang tao na sina Judilyn Oliveros at Mercy Castro. Sa kasalukuyan, nasa ilalim ng 3-month-long hospital arrest simula nung Ika-30 ng Agosto sa Philippine General Hospital si Oliveros matapos manganak noong nakaraang Ika- 22 ng Hulyo.

Ngayong Oktubre ay nakatakdang manganak na rin si Mercy Castro. Kasalukuyang ipinapanawagan na rin ang pagpapalaya para sa kanya sa kadahilanang hindi mainam kapwa sa sanggol at magulang na manatili sa kulungan.


Ang ibang impormasyon ay nagmula sa bulatlat.com, Inquirer at Pinoy Weekly.

1 comment:

  1. magaling talaga si jaime hehe mei typigrapical error ng konti hehe

    ReplyDelete

Please do not forget to have your identity. After commenting, you may share this. Thanks! Apir!