Popular Posts

Saturday, October 23, 2010

ACT Teachers' Hotline for Barangay Elections 2010

ACT TEACHERS HOTLINE NUMBERS
FOR BARANGAY ELECTIONS 2010
 
 


PAALALA sa mga gurong maglilingkod bilang Board of Election Tellers ngayong Oktubre 25 Barangay Elections:

1. Sa pagkuha ng election paraphernalia, dapat na matanggap ninyo mula sa inyong municipal/city treasurer ang P1,000 (kalahati ng kompen-sasyon para sa election service).
2. Sa pagsauli ng election paraphernalia dapat na matanggap ninyo ang nalalabing P1,000 para sa kabuuan ng inyong kompensasyon.
3. Mayroon ding nakalaang P200,000 death insurance coverage at reimbursement ng hospital expenses na sumasaklaw sa buong panahon ng inyong paninilbihan sa eleksyon.
4. Makatatanggap din kayo ng limang araw na service credit mula sa Department of Education.

Ang mga nabanggit ay mga kongkretong kahilingang naipagwagi ng mga kaguruan sa pakikipagharap ng ACT sa COMELEC at DepEd noong Oktubre 1 at 11, 2010. Ang usapin ng dagdag sa kompensasyon ay nakasalang na request ng mga kaguruan sa pangunguna pa rin ng ACT sa Malakanyang noon pang Oktubre 14, 2010.
Ipinaaalala din sa ating mga guro na ang ACT Teachers’ Hotline ay bukas nang 24-oras upang tumanggap ng inyong mga ulat at sumbong hinggil sa anumang kaso ng panggigipit, karahasan at pandaraya na maaari ninyong maranasan sa eleksyon.


Isang paalala mula sa Alliance of Concerned Teachers at ACT Teachers Partylist. Maari nyo ding bisitahin ang kanilang opisyal na online portal: act-teachers.org

No comments:

Post a Comment

Please do not forget to have your identity. After commenting, you may share this. Thanks! Apir!