Popular Posts

Tuesday, August 31, 2010

Awit sa bayani: Tribute to all the martyrs of our struggle for social change



Awit sa Bayani (revised version with bridge). This is a new rendition of this song made for documentary purposes. (Hindi ko alam kung anong documentary)

Ilang beses ko man na itong napakinggan ay wala pa rin akong ibang nararamdaman sa tuwing naririnig ko ito kundi ang sumaludo at humanga sa lahat ng martir ng ating makatwirang laban para sa pagbabagong panlipunan. (Salamat sa nag-post nito sa youtube at sa kumanta na si Levy Abad Jr)

Mabuhay ang lahat ng martir ng digmaan!
Mabuhay ang samabayanang Pilipinong patuloy na lumalaban!
Mabuhay ang pakikibaka para sa pagbabagong panlipunan!


Tuloy ang laban hanggang sa tagumpay!

Monday, August 30, 2010

Morong 43 mother and baby finally transferred to PGH

"Kung makikita n'yo lamang ang mga ngiti ng baby ni Judilyn. Kahit si baby Morong ay nagpapakita ng kanyang kagalakan para sa mas maayos nilang kalagayan"

Finally, Judilyn Oliveros together with her baby boy was transferred to Philippine General Hospital. Temporarily, she would be detained in PGH to take care of her baby in accordance with the Morong Regional Trial Court decision last August 25 to grant her with 3-month temporary release. The Morong RTC decision is in line with the original petition of the Free the 43 health workers! Alliance  for the release of morong 43 mother on Recognizance for Humanitarian Reasons.

Sunday, August 29, 2010

RIGHTS (A compilation of human rights themed short films and public service advertisements)

RIGHTS is a pioneering compilation of independently produced and human rights themed short films/public service advertisements (PSAs). Initiated originally by artists involved with Southern Tagalog Exposure and the Free Jonas Burgos Movement, RIGHTS exposes the incessant human rights hostilities in the Philippines. It is an open and continuing call for filmmakers to participate in the growing movement to defend and uphold human rights. However, timely of its launching on September 21 last year, blatant state censorship rendered RIGHTS non-exhibition atIndie Sine following MTRCBs X rating to some of the PSAs.

Thursday, August 26, 2010

Vilma Santos' most beautiful line: Excerpt from Sister Stella L (1984)



Ito 'yung transcription ng mga sinabi ni Vilma:

Sumulat muli sa akin si tokayo, nakikiramay, nalulungkot, nagdarasal. Hindi lamang para kay Ka Dencio, para na rin sa lahat ng biktima ng isang malupit na sistemang panlipunan. Mga biktimang katulad ni Gigi noon na nagdusa at hindi nakatagal. At mga biktimang katulad ni Ka Dencio na namatay na tumututol at lumaban.

Sumagot ako kay tokayo, sinabi ko sa kanyang marami pa akong hindi alam. Marami pa akong dapat malaman tungkol sa kasalukuyang kalagayan; tungkol sa mga dapat gawin. Pero narito na ako ngayon sa gitna ng mga pangyayari. May konting nadagdag sa kaalaman at pang-unawa pero patuloy na nag-aaral at natututo. Hindi nananonood na lamang kundi nakikiisa sa pagdurusa ng mga hindi makaimik, Nakikiisa sa paglaban ng mga nagdurusa. Tumutulong sa abot ng aking makakaya.

Sabi nga ni Ka Dencio noong nabubuhay pa siya, kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos? At kung hindi ngayon, kailan pa?

Sa tuwing binabasa ko at pinapakinggan ko ang mga linyang ito ay hindi ko maiwasang gustuhing sabihin o ipabasa pa ito sa marami ko pang kababayan. Sa aking kapatid, sa aking ina at ama, sa mga kaibigan, kaklse, kakakilala at sino pa mang nakakausap ko. Gusto kong sabihing pakinggan nyo ang linyang ito na nabuo panahon pa ng diktadurang Marcos ngunit magpasahanggang ngayon ay akma pa rin sa kalagayan ng Pinas. Na sana katulad ni Sister Stella ay hindi na lang tayo makuntento sa panonood at pakikinig sa kalagayan ng bansa ngunit dapat maramdaman nating kailangan nating kumilos para baguhin ang sistemang panlipunang nagsasamantala sa karamihan.

At sana ay matuto tayong makialam sa mga isyung bumabagabag hindi man sa sarili mo ngunit sa iyong mga kababayan. Laganap ang kahirapan-- ang kagutuman. Maraming magsasaka ang walang lupa. Binubusabos ang mga manggagawa. Walang edukasyon ang karamihan. At pinagkakaitan tayo ng serbisyong panlipunan. Pero bakit wala ka pa ring pakialam? Hihintayin mo pa bang ikaw na ang makiramdam ng ganitong kalagayan?

Walang kikilos para baguhin ang ating lipunan kundi tayo at walang ibang panahon kundi ngayon!!!

Mabuhay ang sambayanang lumalaban!

Makabayan sa Kongreso

Muling nagkaroon ng pagkakataon ang mga makabayang representante ng mga progresibong partylists na makuha ang Chairmanship at Vice-chairmanship sa ilang mga mahahalagang komite sa kamara.

  • Teddy Casino (Bayan Muna)
    • Chair of Small Businesses and Entrepreneurship
    • Vice Chair of Higher and Technical Education Member of: Foreign Affairs, Information and Communications Technology, Natural Resources, Public Information, and Trade and Industry
 

      Wednesday, August 25, 2010

      Sangandaan - Sister Stella L (1984)

      "Bawat pusong nagmamahal...dumarating sa sangandaan..." 
                                      "Every heart that beats for love reaches crossroad..."

      Ito ay isang excerpt sa pelikula nina Vilma Santos at Jay Ilagan na Sister Stella L. (The Continuing Saga of a Nun's Awakening) sa direksyon ni Mike de Leon at panulat ni Pete Lacaba. Ang pelikulang ito ay inilabas isang taon matapos ang pagkamatay ni Ninoy Aquino. Balak ko ding i-post dito sa susunod ang buong pelikula para sa mga kabataang hindi pa napapanood ang ganito kagandang palabas.  At para na rin sa lahat na nais itong muling mapanood.

      Sa totoo lang, ngayong taon ko lang ito napanood nang gumawa ako ng movie review nito para sa aking klase at nagandahan talaga ako sa pagkakagawa ng pelikulang ito at sa mga linya dito. 

      At sa lahat ng nais makahingi ng kopya ay maaring  kayong mag-iwan ng mensahe sa link na ito: click here o sa pamamamagitan ng paglalagay ng comment dito.


      Hindi ko layuning i-exploite ang pelikula, mas nais kong mapanood pa ito ng maraming tao at mga kabataan sa layuning para sila ay mamulat. Salamat sa taong nagbigay ng video at naglabas ng mga klasikong pelikula tulad nito at pasensya na kung hindi ko matukoy kung sino siya o sila. Maraming Salamat.

      Tuesday, August 24, 2010

      Major major fans of Venus Raj

      Hindi ito tungkol sa politika at wala rin itong maitutulong sa bansa pero minarapat kong i-post sa aking blog dahil ako mismo ay grabeng natawa. Yung title ko sa blogpost na ito ay base sa pahayag  ni Venus Raj kaya daw niya nasabing "major, major" dahil daw ang ibig niyang sabihin dun ay "bongga- bongga". Hahaha. Anyway, medyo mahaba yung video pero yung much awaited scene ay nasa 2:15 yata so pwede nyong i-forward kung gusto nyo. Pero maganda rin na mapanood nyo yung buo.

      The Manila Hostage-Taking Crisis Photo Ops edition

      Ito ang mga eksena kinabukasan matapos ang manila hostage-taking crisis. Marami ang dumagsa para makakuha ng mga larawan ng pinangyarihan ng nasabing insidente. Nakakahiya na matapos ipakita sa buong mundo ang inkompetensiya ng ating kapulisan ay nakuha pa ng iba nating kababayan na mag-pose sa harap ng bus kung saan naganap ang madugong hostage-taking. At mismong ang ibang mga pulis at bahagi ng SOCO ay nagpapicture din. Nakakahiya. At bilang resulta, kumalat ang mga larawang ito na lalong kinagalit ng mamamayan ng Hongkong at naglagay sa kahihiyan sa bansa natin.

      Ilan sa mga larawan dito ay kuha ng mga estudyante ng Far Eastern University at Philippine Normal University.

      Miss Philippines 2010 Venus Raj Top 5 Question And Answer



      Here's the rest of the questions and the summary of the answers of the Top 5 Miss Universe Finalists:
      • Miss Mexico Jimena Navarrete: What effect is unsupervised Internet use having on today's youth? Through an interpreter, she says the Internet is an "indispensable, necessary tool" and we have to make sure kids are using it according to family values.
      • Miss Australia Jesinta Campbell: What role should the government play in regulating potentially offensive clothing? "One of the greatest things we have is the freedom of choice...I don't think the government should have any say in what we wear."
      • Miss Jamaica Yendi Phillipps: Is the death penalty acceptable and why? "I believe that life is a gift...I believe that none of us as humans have the right to take a life."
      • Miss Ukraine Anna Poslavska: How do you feel about full-body scanners in airports? Through an interpreter, she says, "I think it's a very important question of security...if that helps us to save the lives of people, then I'm for it."
      • Miss Philippines Venus Raj: What is one big mistake you've made and what did you do to make it right? She says she hasn't made any major mistakes, then gives a shout-out to her family. "Thank you so much that I am here."

      Complement for SONYA SORICH for this transcription.

      KBP Broadcast Code of 2007

      Para sa mga nagsasabing hindi ganon ka-credible or somehow questionable ang inilabas kong guidelines hinggil sa pagko-cover ng insidente ng panghohostage, ito at maaari nyo ring basahin ang KBP Broadcast Code patungkol dito: 

      Article 6. CRIME AND CRISIS SITUATIONS

      Sec. 1. The coverage of crimes in progress or crisis situations such as hostage-taking or kidnapping shall not put lives in greater danger than what is already inherent in the situation. Such coverage should be restrained and care should be taken so as not to hinder or obstruct efforts of authorities to resolve the situation. (G)

      Monday, August 23, 2010

      Guidelines for Covering Hostage-Taking Crises

      Kakabasa ko lang nitong guidelines sa pagko-cover ng mga hostage-taking at natawa ako dahil obviously ay hindi ito nasunod. Baka kasi hindi ito alam ng mga media natin o sadyang matitigas lang talaga ang ulo nila. At dahil nga sa naging kontrobersyal ang naging role ng media sa naganap na madugong hostage-taking ay minarapat kong ipabasa o ilagay din ito dito sa blog.

      Sunday, August 22, 2010

      Factsheet 43 in Philippine General Hospital

      Muli namin kayong inaanyayahan na tunghayan ang ikalimang pag-eeksibit ng Fact Sheet 43. Sa pagkakataong ito, gaganapin ang eksibisyon sa Philipppine General Hospital (PGH), sa Agosto 23-31, 2010.

      Magiging espesyal sana ang exhibit na ito sa PGH dahil inaasahan naming masisilayan pa ito ni Judilyn Oliveros, isa sa Morong 43 detainee na nanganak sa PGH noong July 22.

      Subalit ang masaklap nito, tinanggihan ng Morong RTC ang motion for release on recognizance at ikinulong na muli si Judilyn sa Bicutan kasama ang kanyang bagong silang na sanggol!

      DUKOT: Pahabol na rebyu sa ilang mga eksena

      Bagamat huli na ay minarapat ko pa ring makapagsulat ng isang rebyu o kritik sa pelikulang DUKOT (Direksyon ni Joel lamangan at Skript ni Bonifacio Ilagan). Maganda ang konsepto ng pelikula at nabigyan ng hustisya ni Joel Lamangan ang kagandahan ng pagkakasulat ni Boni Ilagan ng buong kwento. Napapanahon at 'di hamak na may kwenta kaysa sa mga box-office na pelikula ng star cinema, gmafilms at iba pa na wala ng ibang ginawa kundi magpalabas ng kung hindi man love story ay mahahalay na pelikula sa ngalan ng pera.

      Ang DUKOT ay marahil isa sa mga maipagmamalaking pelikula ng aking henerasyon. Matapang. Makatotohanan at napapanahon. At kung dati ay may tambalang Pete Lacaba at Mike de Leon na kilala sa paggawa ng mga progresibong pelikula, ngayon ay mayroon ng tambalang Joel Lamangan at Bonifacio Ilagan. Hindi ko alam kung paano sila nagkakilala pero mukhang mapaparami pa ang pelikulang pagsasamahan nila. At ako ay nagagalak na isa sa mga batikang direktor ay napapasabak na sa paggawa ng ganitong pelikula. Marahil ay walang pera sa paggawa ng ganito pero higit pa run ay ang kagustuhan nilang makagawa ng isang pelikulang sasalamin sa mga napapanahong isyu ng ating panahon. Mabuhay kayo!

      Saturday, August 14, 2010

      Ang Hacienda Luisita mula noon hanggang ngayon

      “SDO o LAND DISTRIBUTION? Pipirma po kayo kung ano ho ang gusto ninyo. Kung yung SDO ibigsabihin tuloy po kayo sa trabaho at may pera, pwede rin hong piliin ninyo ang LUPA (land distribution).”

      Ganito kasimple ang paliwanagan sa naganap na ‘referendum’ sa club house ng Las Haciendas de Luisita isang lingo bago ganapin ang naitakdang oral argument hinggil sa kaso ng Hacienda Luisita. Walang detalye. Walang masinsing paliwanagan. Walang maiging konsultasyon. Basta idinaos. Ayon pa nga sa ilang residente at magsasaka ng hasyeda, napilitan silang sumali sa ‘referumdum’ dahil sa mga naririnig nilang usapan na ‘wala silang matatanggap na pera’ kung hindi boboto. Ito ang mensaheng kumalat sa buong lugar noong nakaraang lingo. Laganap din ang matinding pananakot at panghaharas ng mga militar sa mga residente ng hasyenda. Hakot doon. Hakot dito. Lahat kailangang bumoto. Pero hindi rin maikukubli ang katotohanang ang iba ay bumoto dahil sa pag-aakalang ito na ang kasagutan sa kanilang matagal ng laban para sa hasyenda. Nang hindi naiisip (dahil na rin sa walang nagpaliwanag at dahil sa pagiging biglaan nito) na ito ay isa namang tipo ng panlilinlang sa kanila. Nakakadismaya.

      Tuesday, August 10, 2010

      Ang déjà vu ng pagsasamantala

      Paumanhin sa marahil ay nahuhuling blog article na ito hinggil sa isyu sa Philippine Airlines (PAL). Sa mga nakalipas kasi na araw ay marami pa akong inasikaso. at sa mga nakalipas na araw ay nagsikap akong lumikom ng mga datos tungkol sa nasabing isyu. Sa umpisa kasi ay parang normal lang ang nangyayari sa PAL, yun pala ito ay isa ng paulit ulit nang iskema ng LUCIO TAN GROUP OF COMPANY sa pangunguna siyempre ng Philippine 2nd richest Tycoon na si Lucio Tan. Ito ay isa na pa lang paulit ulit na pagsasamantala sa mga mangagawa ng PAL.

      Sunday, August 8, 2010

      Sangguniang Kabataan

      Ano ang Sangguniang Kabataan (SK)?

      Ang Sangguniang Kabataan (SK) ay halal na kinatawan ng mga kabataan sa bawat barangay sa buong bansa. Sa bawat barangay ay may organisasyong tinatawag na Katipunan ng Kabataan (KK), mga kabataan na edad 15-17, na siyang naghahalal ng SK chairman at mga kagawad.

      Nilikha ang SK sa layunin na bigyang boses at kapangyarihan ang kabataan sa usaping pampamahalaan at panlipunan. Ang SK ay may mandatong maging kinatawan ng kabataan at maglunsad ng mga programa para sa kabataan sa barangay at sa lokal na pamahalaan.


      Friday, August 6, 2010

      Ang makasaysayang kabulukan ng ROTC

      "Masama sila. Wala silang respeto kahit sa kababaihan. Pagagawin nila lahat kahit hindi mo na kaya at hindi na makatao. Pasusuotin ka sa kanal, paakyatin kung saan saan, paduduraan. Pagkatapos ng lahat ng paghihirap mo para tapusin ang kursong ito, didibdiban ka pa-- kahit babae ka pa"

      Ito ang mga pahayag na aking natandaan ng minsang may nakakwentuhan akong dating ROTC cadet. Babae siya pero matatag at palaban. Kwinento nya sa akin ito ng parang 'di man lang natatakot. Pero isa lang ang nais nyang ipahayag... at ito ay ang pagkasuklam nya sa institusyong kinabilangan niya. Mismong ako, nabibigla sa mga kwinikwento nya. Gabi kung sila ay magdaos ng mga aktibiti at labis na pambabastos ang nararanasan nya sa mga officer nila. Sa pagkakalarawan niya sa akin, parang hayop ang turing niya sa mga opisyal na dating hinangaan niya. Umayaw na siya.

      Wednesday, August 4, 2010

      Para sa isang ina: Carina "Judilyn" Oliveros

      "My baby could not sleep until I put him beside me... I could not get my eyes off my son lying next to me. He looks like his father. He kicks so strongly the basin almost fell when we were bathing him the other morning.”

      -Carina "Judilyn" Oliveros, Morong 43
      Interview statement from bulatlat

      Dalawang buwan bago ang kanyang pagsilang sa kanyang unang anak ay nakakwentuhan ko si Judilyn nang ako ay dumalaw sa 43 Health Workers sa Camp Bagong Diwa kung saan sila ay kasalukuyang nakapiit. Isa si Judilyn sa pumukaw ng atensyon ko dahil naawa ako sa kanyang kalagayan bilang buntis sa loob ng piitan. Noong araw na iyon ay wala akong halos ibang kinausap kundi sya at si Mercy na buntis din. Naawa ako sa kanila. Naawa ako sa mga magiging anak nila. At naiinis ako sa mga gumagawa sa kanila ng ganito.

      Si Judilyn ay isa sa mga 43 Health Workers na iligal na inaresto ng mga sundalo sa Morong noong Feb 6. Isa rin siya sa nakaranas ng torture sa kamay ng militar. Pero lahat ng iyon ay pinaglabanan nila. Hindi sila bumigay at patuloy na umasa para sa kanilang paglaya. Nagpakatatag at nanindigan para sa kanilang ipinaglalaban.

      Ang aktibista sa panahon ng baha


      Kakauwi ko lang galing sa mahabang lakaran mula sa Sta. Lucia hanggang Antipolo Cogeo. Walang masakyan. Walang nagsasakay. Maraming tao. Maraming holdaper. Baha!

      Pagdating ko sa bahay ay gising pa si mama. Naghihintay siguro ng kwento mula sa akin. Dahil siya rin mismo ay naglakad mula naman sa cubao hanggang sa katipunan dahil wala na ring gustong magsakay. At lahat ng ito ay dahil sa bahang idinulot ng muling pagkasira ng tubo ng nawasa sa marcos hi way at sumabay pa ang ulan. Kaya muli, nilamon ng bahagya ang cainta at antipolo.