"Masama sila. Wala silang respeto kahit sa kababaihan. Pagagawin nila lahat kahit hindi mo na kaya at hindi na makatao. Pasusuotin ka sa kanal, paakyatin kung saan saan, paduduraan. Pagkatapos ng lahat ng paghihirap mo para tapusin ang kursong ito, didibdiban ka pa-- kahit babae ka pa"
Ito ang mga pahayag na aking natandaan ng minsang may nakakwentuhan akong dating ROTC cadet. Babae siya pero matatag at palaban. Kwinento nya sa akin ito ng parang 'di man lang natatakot. Pero isa lang ang nais nyang ipahayag... at ito ay ang pagkasuklam nya sa institusyong kinabilangan niya. Mismong ako, nabibigla sa mga kwinikwento nya. Gabi kung sila ay magdaos ng mga aktibiti at labis na pambabastos ang nararanasan nya sa mga officer nila. Sa pagkakalarawan niya sa akin, parang hayop ang turing niya sa mga opisyal na dating hinangaan niya. Umayaw na siya.
Mainit init ang isyu ngayon ng panukala ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang ipatupad muli ang mandatory ROTC sa kolehiyo. Ito raw ay upang mapunan ang kakulangan ng mga reserbang pwersa ng militar na kailangan sa oras ng kalamidad at sa oras na kailangan ng bansa na manananggol. Nais daw ng AFP na muling ibalik sa kurikulum ang sapilitang pagpapasali sa mga estudyante sa kolehiyo sa ROTC lalong lalo na sa mga kalalakihan.
Iba't iba ang reaksyon ng mga tao. Ang iba ay gusto ito basta raw ayusin lang ang sistema. Pero karamihan, ayon na rin sa online polls dito at iba pang mga balita ay mariin itong tinututulan. Dagdag gastos lang daw ito at nakakatamad. May ilan din tulad ni Anthony Taberna na walang kwenta ang posisyon. Yung tipong @#%^*!$ ang reaksyon. Sabi niya kasi sa punto por punto kung saan nagharap si DND Sec. Voltaire Gazmin at NUSP chair Einstein Recedes, panahon na raw para ibalik sa kabataan ang nasyunalismo at disiplina sa pamamagitan ng ROTC. Na dapat handa raw ang kabataan sa paglilingkod sa bayan sa panahon ng may kalamidad at pananakop sa ating bansa gaya na lang din daw ng linya sa Lupang Hinirang na: sa manlulupig, di ka pasisiil". Itinuturing pa nga ni Anthony na ibang usapin (as in hiwalay) ang isyu ng Student Intelligence Network sa isyu ng ROTC. Ito kasi ang isa sa mga inihapag na dahilan ni Einstein kung bakit sila tumututol sa mandatory ROTC. Sa napanood kong iyon, naisip ko, ganon ba kainosente si Anthony Taberna kung gaano kadumi ang ROTC? Ganoon ba siya naniniwala kay Sec. Gazmin na magiging maganda na ngayon ang kalakaran sa ROTC dahil sa aayusin na rin daw ng AFP ang paghawak nito. Paano na yung rekord ng mga militar? Paano na ang mga estudyanteng naging biktima ng malupit nitong kalakaran tulad ni Mark Chua? Paano na ang isyu ng korapsyon sa loob mismo ng ROTC? Magkalimutan na lang? Ang pagtutol ng kabataan para sa panukalang ito ay 'di lamang dahil sa emosyonal na batayan. Ito ay dulot na rin ng makasaysayang kabulukan ng sistema sa loob institusyong ito!
Taong 2001 nang ipinasa ang batas na nililikha ang ROTC bilang isa na lamang opsyon para sa mga estudyante sa kolehiyo. Ito ay bilang tugon na rin sa insidente ng pamamaslang kay Mark Chua. Si Mark Chua ay estudyante ng University of Sto. Tomas (UST) na ibinulgar ang korapsyon sa loob ng ROTC at inilathala ito sa The Varsitarian --ang pinakasikat na publikasyon ng UST. Ang pambubulgar na ito ay nagdulot ng pagkasibak ng mga militar na opisyal ng ROTC sa unibersidad. Matapos ng insidente ng pagkakasibak ng mga opisyal ay nakatanggap na si Chua ng mga death threat sa mga 'di kilalang tao. At ilang araw matapos nito ay natagpuan na ang bangkay ni Chua.
Ang korapsyon at malupit na oryentasyon sa ROTC na ibinulgar ni Chua ay hindi naging biro at talagang ikinagalit at ikinatakot ng mga estudyante. Ibinulgar nya ang sistema ng palakasan sa loob, ang talamak na paniningil ng kung ano ano upang punan ang iyong mga pagkukulang tulad ng mga absences at uniform, nandyan din ang isyu ng diskriminasyon sa mga kadete kung saan ay hindi na nangangailangang magmartsa ang mga estudyanteng may sasakyan basta ba't ipagmamaneho nila ang kanilang mga opisyal at marami pang iba tulad ng pagpapababa sa pagkato ng mga bakla.
Ilan lamang ito sa mga kaso kaugnay sa ROTC. Ayon na rin sa ilang mga akda, pahayag, at opinyon ng iba't ibang grupo at tao ang ROTC ay lumikha lamang ng takot, karahasan at 'di matatawarang kaisipang korap sa mga kabataan. Sa mahabang panahong ito ay mandatory na ipinapatupad ay hindi nito nagampanan ang layunin nito upang ituro sa kabataan at pagka-makabayan, takot sa diyos, respeto sa kapwa at disiplina. Bagkus sa maagang panahon ay ipakita na nito sa kabataan ang kultura ng korapsyon at mga maling gawi.
Sa una pa lang ay tutol na ako sa ROTC, marami kasi silang aktibiti na hindi ko alam kung para saan--na hindi ko alam kung sa pamamagitan ba noon ay makakamit nila ang layunin nila. Nandyan ang labis labis nilang pagpapabilad sa mga kadete. Labis na pag-uutos ng mga opisyal ng personal na utos tulad ng pagpapabili ng mga pagkain sa mga bago. Pambubugbog sa mga 'di nakakasunod. At marami pang masahol na patakaran na ayon sa kanila ay bahagi ng disiplina. Paano nga ba ang init ng araw ay makakapagpa-realize sa'yo sa pagiging makabayan at takot sa diyos? Paano nga ba ang labis kang saktan (suntukin sa tiyan) ay masasabi mong parte pa ng pagdididiplina sa'yo? Kahit nga magulang mo, hindi ka sinasaktan ng ganon tapos sila, bubugbugin ka? Gan'on ba ang makabayan, makadiyos at disiplina? Hindi ba't karahasan yun? Kayabangan sa bahagi ng mga opisyal at kahihiyan at pang-aabuso naman sa bahagi ng mga estudyante.
Isa pa sa pinakamalaking isyu na hindi maaring ihiwalay sa usapin ng ROTC (hindi gaya ng pahayag ni Anthony Taberna) ay ang usapin ng paglikha ng student intelligence network (sin) sa hanay ng mga estudyante ng ROTC. Ang mga estudyanteng kabilang sa SIN ay binigyan ng atas na maniktik sa mga lider estudante o mga aktibista. Ito ang dahilan kung bakit sa hanay mismo ng mga estudyante ay lumilikha ang ROTC ng kultura ng paghahati sa kanila. Mismong kapwa estudyante nila ay nagagawa nilang ibenta sa pamamagitan ng paniniktik (surveillance) dito. Na sa kasaysayan ay napatunayan na ang SIN ay isa mga salarin o may kinalaman sa pagkamatay o pagkadukot ng mga lider estudyante ng iba't ibang pamantsan. At ako mismo, nakaranas nito. At ROTC ang lumikha nito.
Taong 2008 ng ako ay mabigla sa mga polyetong nakita ko. Ang polyetong ito ay nagsasabing ako raw ay recruiter ng NPA sa unibersidad at sa kamaynilaan. Nakakadismaya ng malaman kong kapwa estudyante ko pa ang nagpapaskil at nagpapamahagi nito sa buong unibersidad at lugar sa kamaynilaan tulad ng Quiapo. Sila ay myembro ng Student Intelligence Network. Sila ay maaaring nabigyan na ng oryentasyon ng mga militar na ipag-isa ang mga ligal na pambansa-demokratikong organisasyon at mga komunistang grupo o armadong grupo tulad ng NPA. O sila ay maaari ding nabigyan ng gawain tulad ng pamamahagi ng mapanirang teaser na iyon bilang bahagi ng kanilang kurso sa ROTC. Nakakalungkot na kapwa ko estudyante ay ipanagkakanulo ang kaligtasan ko. Nakakalungkot na kapwa ko estudyante ay itinuturing akong kaaway. Nakakadismaya na dahil sa ROTC ay pwedeng isa na pala ako sa mga nadukot o pinaslang dahil sa mapanirang polyetong iyon. Ito ba ang pagkamakabayan? Ito ba ang takot sa diyos at disiplina?
Ito ang ilan sa mga makaysaysayang dahilan kung bakit ako at marami pang kabataan ang tumututol para sa pagpapatupad ng madatory ROTC sa mga estudyante. Ito ay makasaysayan. Hindi tulad ng sinasabi ni Anthony Taberna na panahon na para ibalik ito dahil mahalaga ito sa kasalukuyan ng hindi binabalikan ang masahol na kredibilidad ng ROTC! Ika nga ng AFP, nauubos na ang mga estudyanteng nais kumuha ng ROTC. Ang tanong bakit kaya? Ito ba ay dahil sa tumatalikod na ang kabataan para sa tungkulin nitong maging makabayan o ito ay dahil hindi na nakikita ng mga kabataan sa ROTC na sila ay matututong maglingkod sa bayan? O mas eksakto, iba na ang alam ng kabataang para gampanan ang responsibilidad nila para ipagtanggol ang kalayaan ng bayan?
Bulok talaga 'yang ROTC, Ibasura na nga dapat yan! tse!
ReplyDeletePutang inang mga komunista kayo. Puro kayo kasinungalingan. Disiplina ang itinuturo ng ROTC na wala sa inyong mga batugang aktibista at komunista. Mamundok na lang kayo at sumali sa NPA. Galit kayo sa mga SIN dahil ilang beses na kayong napapasukan ng mga DPA at nabubulgar na tunay kayong mga prente ng NPA!
ReplyDeleteGaling mo naman Anti-aktibista kung makapagmura wala sa tamang lugar at oras walang kontrol sa sarili o maiituring na rin na walang disiplina .Sino ka para sabihan kaming mga komunista na batugan baka di mo alam ang bilang at estado namin sa buhay.Mamundok,sumali sa NPA,so gusto mo palabasin na sumali kami sa NPA para dumami ang kalaban pwede naman maayos ang usapan diba?.Inaamin ko may tama din naman ang layunin na ROTC pero napakababaw ng mga ito pinahirap lang nila. Disiplina?,bakit naninigurado ka ba na sa bawat estudyante na nagtake ng ROTC ay magagamit yung mga marching marching na yan kailangan ba magmarch sa kalsada kahit magisa ka lang,kailangan ba turuan mo ang pamilya mo sa pagsubo ng sabay-sabay at kailangan mo pa bang magpush-up kapag pinagsabihan ka ng iyong mga magulang o kung sinumang nakakataas sayo.ang akin lang napakababaw ng layunin ROTC na ito para lang tayong mga tanga kumbaga sa sulat bakit ka pa maggagawa ng sulat kung may e-mail na ngayon.Advise ko lang mas mabuting mag boy scouts na lang kayo.
Deletetama po kayo, ang isyu nag sapilitang pagsali sa ROTC ay hindi lamang sa paglabag sa kalayaang pang akademiko ng mga estudyante, kundi ito ay nagsisilbing anyaya na lumabag din sa karapatang pantao ng bawat isang iskolar ng bayan...tumpak ang halimbawa ng nangyari kay mark chua...kung gustong mawala ng pamahalaan ang mga NPA edi sulusyonan nila ang ugat ng kahirapan ng mamamayan...kung gusto nila ng kapayapaan...pwes kailangang seryosohin ng pamahalaan ang pagpasok sa usapang pangkapayapaan...hindi magkakaraoon ng katarungan kung walang hustisya....
ReplyDelete,,ROTC here in the Philippines really suck!, napaka-nonsense ng mga pinagpapapagawa nila on students where in it doesn't have any relation on whatsoever on their goals, dapat talaga "OPTION" na lamang yan..ang pagiging makabayan ay di lang diyan nadedevelop, when the mother Land calls for her children, they will respond without any hesitation, hindi yung may mga ganyan pa, plus we all have the right to choose, and there are several ways to show na kaya mo ipaglaban ang country mo..and we need not to result to ROTC and present it as a solution...
ReplyDeleteHey dude, hindi porke tibak, namumundok na. You're generalizing things. And laging may two sides sa bawat bgay, kya nga may hesis at anti-thesis dba. Kya chill lang kayong lahat. Pag may mali, itama. Period. Kya nga may batas na likas at hindi diba. May mga konsensya kayo, di ko alam san galing yan, pero gamitin natin.
ReplyDeleteWalang napapatunayan na ang mga aktibista ay prente ng NPA. Dahil kung napatunayan nila ito, e di sana ay hindi palihim ang pagkakapatay sa mga lider-estudyante. Sana ay idinaan ng mga militar gamit ang SIN sa pagpapatunay sa legal na paraan na ang mga aktibista ay prente ng Armadong grupo. Puro pagdududa at pamamaslang lang ang alam ng militar. Mga uhaw sa kapangyarihan. Pinapangalandakan na makabayan sila pero sa totoo ay sila ang mga taksil sa bayan at sa masa. Maka-Diyos kuno pero ang totoo ay ang mga pinaka-demonyong mga nilalang sa mundo na handang pumatay para sa kanilang mga makapangyarihang amo. Disiplinado kuno ngunit unang-unang lumalabag sa karapatang-pantao at nalulunod sa sarap at layaw na kapangyarihan.
ReplyDeletengayon, gusto nyo bang maipasa ng mga militar ang kanilang mga tinatawag na "virtues" sa mga kabataan ngayon? gusto nyo bang mamana ng mga kabataan ang kanilang tinatawag na "makabayan, maka-Diyos at disiplina?"
ako, hindi. ABOLISH ROTC!
dapat talagang maalis na yang mga ROTC na yan!!
ReplyDeleteako bilang mag aaral ng sosyolohiya! lagi na lang dinidikit ng mga ROTC ang mga mag aaral ng sosyolohiya bilang mga kasapi ng NPA... kaya dapat maalis na yan.....
ABOLISH ROTC!!!walang mgandang naidudulot!!
ReplyDeleteSALAMAT SA LAHAT NG NAG-IWAN NG KOMENTO SA ARTIKULONG ITO:
ReplyDeleteNais ko lamang sagutin ang komento ni ANTI-AKTIBISTA, hindi batugan ang mga aktibista, sila ang isa sa mga pinakamasipag sa lipunang ito kung saan sila ay walang sawang nag-oorganisa. At kung sila man ay nais ang komunismo, may nilalabag ba silang batas? ayon sa batas, lahat ay binibigyan ng karapatang magkaroon ng anumang pampulitikang pananaw. At ito ay ginagarantiyahan ng konstitusyon.
Matagal na ring isyu sa mga ligal na pambansa-demokratikong organisasyon na sila ay prente lamang ng NPA. Nasan nga ba ang matibay tibay na pruweba? sa totoo lang kahit sa mga progresibong Partylist ay issue ito. Bakit hanggang ngayon, nakakasali pa rin sila sa eleksyon at patuloy na nanalo?
AT KUNG HINAHAMON MO KAMING MGA AKTIBISTA NA MAMUNDOK NA LANG, NAKU MATAKOT KA. DAHIL SA DAMI NAMIN, PAG ITO AY GINAWA NAMIN, TIYAK NA ANG TAGUMPAY NG MAMAMAYAN.
ganon pa man, latag naman ang makasaysayang dahilan ng pagtutol namin sa ROTC, sana maintindihan mo at huwag magbulag bulagan. Siguro militar ka. anyway,salamat sa pagrereact. apir!
sa lahat pwede rin kayong mag-iwan ng inyong reaksyon sa ating online forum: http://akosiliet.blogspot.com/p/forum.html at sana ay mai-share pa ninyo ito.
salamat.
Nais ko lang sana punahin ang mga komento ng karamihan.
ReplyDeleteUna sa lahat, masakit isipin na itatapon mo na lang ang isang magandang layunin dahil sa madilim na kasaysayan ng sistema ng pagkamit dito. Masyadong mababaw at hindi makabuluhan ang ganitong pagtingin sa mga bagay.
Ganito. Hindi humihinto sa pagiging mapanuri at matatag sa paghayag ng puna ang isang matalinong mamamayan. Kinakailangan nitong bigyan ng kaukulang panukalang solusyon ang isang problema o isyung kinakaharap o pinupuna.
Hindi ako aktibista. Isa akong siyentista, at sa lohikal at kritikal na kapaligiran ako hinubog. Dahil dito, masasabi kong sa sarili kong paraan, nagagawa kong makita kung ano ang sa tingin kong mainam at hindi mainam.
Sana lang, hindi humihinto sa komento, puna, reklamo, sigaw at pagsunog ng effigy ang lahat. Mas matalino kasi kung bukod sa puna, ay bibigyan natin ng kaukulang PATAS na solusyon o panukala ang ating mga opinyon.
Nakakainis lang kasi na puro sigaw at puna yung iba pero wala namang makabuluhan at matalinong panukala. Mas mabuti nang manahimik ka kung wala ka rin namang masasabing nakakatulong. Hindi natin kailangan ng reaksyon. Kailangan natin ng sagot.
Hindi ako sang-ayon sa mandatory ROTC. Pero hindi dapat basta na lang itapon ang maganda nitong layunin. Sa tingin ko, magandang pagtuunan natin ng pansin at pag-aralan ang ilang mga sistema halimbawa na lang ang serbisyo sa militar ng kalalakihan ng South korea ng 22 hanggang 28 buwan bago sila mag 30 anyos. Sa tingin ko, mula sa pananaliksik ng ganitong mga sistema, makabubuo tayo ng isang panibagong panukala ng sistemang magtataguyod sa layunin ng ROTC.
Please lang, if you're going to talk, talk sense.
NO! kung mandatory, mawawala ang freedom of choice ng mga studyante!
ReplyDeletePARA KAY LEX NG COGEO , yup tama at eksakto ang iyong puna na dapat ay hindi tayo makuntento sa sigaw, pagsusunog lang ng effigy at reklama, ito ay dapat may kaakibat na aksyon. AT ANG MGA HINIHINGI MONG ITO AY TINUTUGUNAN NG MGA AKTIBISTA AT MGA PROGRESIBO. Halimbawa ay nariyan ang aming mga progresibong PARTYLIST upang maghapag ng mga kongkretong solusyon sa pamamagitan ng pagpapasa ng batas. IBIGSABIHIN, KASABAY NG AMING PAGSIGAW AT PAGREHISTRO NG MATINDING PAGPUNA AT PAGTUTOL AY ANG AMING KONGKRETONG SOLUSYON. Aktibista ako. AT pinagmamalaki kong AKTIBISTA AKO!Baka kasi iniisip ng iba (nang walang tunay na pag-alam) na ang mga aktibista ay natatali lang sa pagsigaw at pagrereklamo. HINDI KAMI SIMPLENG NAGREREKLAMO TULAD NG IPINAPAKITA SA MGA MAINSTREAM MEDIA, KAMI AY NANANININDIGAN AT NAGHAHAPAG NG PAGBABAGO!
ReplyDeleteLagi nyo lang iisiping WALANG MALI sa pagrarally, ito ay demokratikong paraan para irehistro ang iyong karaingan. Hindi ito marahas tulad ng iniisip nyo. Nagiging marahas lang ito kung dadahasin ang bulto. Hindi ito magulo. Nagiging magulo lang ito kung may manggugulo. Tulad na lang ng KUNG PAANO NAGING PAYAPA ang RALLY noong nakaraangS SONA ni NOYNOY. Naging magulo ba? PAYAPA po ito.
Hinggil naman sa ROTC, tama naman na hindi dapat basta basta itapon ang isang magandang layunin, pero nais ko lang magkomento na sa lahat ng naihapag kong makasaysayang dahilan ng aming pagtutol ay masasabi mo (lex ng cogeo)na ito "Masyadong mababaw at hindi makabuluhan ang ganitong pagtingin sa mga bagay".
Simple lang ang lohika (sayo bilang siyentista) ang nabubulok na bagay ay dapat palitan. TAMA? ngayon, kung sa kasaysayan ay nasabing ito ay bulok at inutil, ito ay dapat buong palitan ng bago. Bakit? Tulad lang iyan ng isang bakal, kapag kalawang na, dapat mo na itong itapon at palitan dahil kahit anong gawin mong paglalagay ng remedyo ay patuloy lamang itong kakalawangin. Humahawa kasi ang KALAWANG. ganon din sa ROTC, Bulok na inutil pa, kinakalawang na. Ngayon kapag ito ay pinalitan mo lamang ng namumuno, hahawak etc , ang kalalabasan nito ay ganon pa rin dahil uuk-ukin lang ng nakaraang kalawang ang mga bago mong ipinalit. TAMA? Pero kung ito ay itatapon (Abolish ROTC) at papalitan ng bago, nasa iyo na iyong kung paano mo ito pananatiling MALINIS at hindi kakalawangin.
Ayos ang iyong komento, kaya nga lng kulang pa sa objectivity. Daig kasi ang mga nababasa sa libro ng realidad na napupuntahan mo. Ibigsabihin, marahil ay marami na tayong ideya na nababasa sa libro pero ito ay dapat makita at malahukan mo. PRAKTIKA (Practice) kung baga.Para buo at obhetibo ang pananaw natin.
Muli, "Ang pagtutol ng kabataan para sa panukalang ito ay 'di lamang dahil sa emosyonal na batayan. Ito ay dulot na rin ng makasaysayang kabulukan ng sistema sa loob institusyong ito!"
Pero kung ang hukbo ay tunay na magsisilbi sa mamamayan, why not hindi ba? AKO, MERON AKONG ALAM NA HUKBONG TUNAY NA NAGSISILBI sa mamamayan!
Apir,sana ay magkumento ka pa.
^ hahaha salamat. Kaya lang pakiramdam ko iba yung naging dating ng komento ko. :)) Kung nagkaron man ng masamang impresyon ang komento ko laban sa mga aktibista, sinasabi kong hindi iyon ang layunin ko :P Sa tingin ko naman, nilinaw ko sa unang pangungusap ko na ang komento ko ay para sa ilang mga komento rin (na sumisigaw lang na dapat ibasura ang ROTC pero dun lang natapos ang komento nila). Kung tama ang aking pagkakaalala, wala akong sinabi sa kahit anong paraan na 'walang kabuluhan ang mga pinaglalaban ng mga aktibista, o hindi sila kritikal mag-isip' o kung anu man. At kung nagkaron man ng ganong impresyon ang aking komento, sana matulungan ninyo ang inyong sarili na maintindihan at makita ang punto de vista na aking dinadala. :) Sa ganitong paraan, mas magkakaintindihan tayo.
ReplyDeleteUna sa lahat, wala akong hinanakit o sa kahit anong paraan ay naiibang pagtingin sa mga aktibista. :) Galing ako sa UP Diliman. Katulad nyo, galing din ako sa institusyong malayang nagpapahayag ng damdamin. Kung paglahok din lang sa demonstrasyon at mga pagkilos, hindi ko masasabing madami akong karanasan tulad ng sa inyo (akosiliet)pero hindi ko naman pwedeng sabihing hindi ako nakilahok.
Hindi ako hihingi ng paumanhin kung nakasakit man ako o nagkaron man ng masamang impresyon ang komento ko. :)
Para naman sa aming mga siyentista, sana hindi rin malimitahan ang tingin sa kanila bilang mga taong umaasa lang sa libro. Bagkus, nais ko sanang ipakita sa lahat na sa kritikal at siyentipikong pag-iisip makikita ang tunay na pagiging obhetibo dahil hindi ito batay sa emosyon o sa opinyon. :) Walang empathy o anu man. Impormasyon at batay sa impormasyon lamang.
Para sa mga taong posibleng nagkaron ng impresyon na ayaw ko sa mga aktibista dahil sa komento ko, sana hindi iyon manatili sapagkat hindi ganoon ang nais kong iparating. :)
Salamat!
ok @ lex yun din naman ang pagkakaintindi ko kaya lang nilninaw ko lang para sa iba na iba ang magiging impression tulad ng katabi ko ngayon hehehe. Masaya ako na iisa ang nais natin. at yun ay ang maging mapanuri sa pinaka-objective nitong approach.
ReplyDeleteHindi ko rin nais ilahat ang mga siyentista na nakadepende sa libro ito ay para rin sa lahat ng "siyentista" na mapasahanggang ngayon ay natatali pa rin sa pagbabasa lang ng libro. At ito rin ay bahagi ng hamon sa lahat ng siyentista na lumubog sa realidad ng lipunan (integration to the basic masses para alam nila ang dapat gawin nila bilang siyentista) na sana bukod sa pagyaman at pag-imbento ng kung ano anong imbensyon para sumikat ay maging bahagi sila, kayo ng pagsagot sa mga suliranin ng lipunan. Ito ay hamon higit pa sa paglalahat. Marami din akong kilalang siyentista na may tunay na paglubog sa lipunang pilipino at hinahangaan ko sila.
Umaasa din ako na ngayon o balang araw ay magagamit mo ang iyong karunungan para paglingkuran ang sambayanang malaon ng pinagsamantalahan ng iila. sana ay magamit mo ito para ibangon ang henersayon tinatarantado ng iilan. SALAMAT muli!
Maari ka ding magpadala ng iyong entri at maaari nating i-post sa blog na ito. Lalo na ang mga entri patungkol sa expertise mo!
Pahabol, yung iba palang komento dito ay natapos na lang sa pagsabing ibasura ito ng ganon lang. Pero hindi nangangahulugang wala silang alam na "objective" na kasagutan. Marahil ay kulang ang pagkakataon para sabihin ito dito sa BLOG na ito. Ang mahalaga, kaisa sila sa panawagan para ibasura ito. For the record, dumami ang nagrehistro ng pagtutol dito. Salamat!
Abolish ROTC!
ReplyDeleteWag hayaang lalong dumami ang mga shit na papet ng militar sa mga campus!
reality check lang -- mag bayad ka lang sa mga opisyal ng rotc graduate ka na...isa itong pinagmumulan ng korapsyon at may kaso pa niyan sa UST na hanggang ngayon ay hindi pa nareresolved dahil napatay ang witness.
ReplyDeletesa dami ng mga estudyante sa totoo lang ay hindi ito kayang turuan ng pamunuan ng AFP
tatlo kasi ang pagpipilian mo , army , navy o air force sa army medyo madali dahil ang dating ay pang bala ka sa kanyon..hindi naman nila ituturo kung paano mag paputok ng kanyon ng tangke, kung airforce ano ang matututunann ng isang estudyane sa rotc..mag palipad ng jet? hindi sa katotohanan...kung navy rotc? ano ang matututunan mo? maging navy diver sa rescue? hindi sa katotohanan.
reality check..walang natututunan ang isang estudyante ng rotc sa dahilang 20 to 25 days lang sa isang semester ang training at once a week lang ito..ang tawag dito ay exercise in futility o nagsasayang ng panahon.sino ang natutu sa once a week training sa military? wala!! sabagkat ang kailangan ay constant training upang matutu...alam ng AFP yan.
ano ba ang purpose ng rotc?
upang maging reserve officer, ikaw ay tatawagin kung may nagaganap na pananakop ng dayuhan sa ating bansa, bakit? may mga bansa ba na gustong sumakop sa Pilipinas? your answer is as good as mine...malinaw na malinaw na ang purpose ng rotc ay hindi na angkop sa panahon ngayon..unless na may iba silang purpose para sa rotc...
kahit ako po ay tapos ng rotc at isang reservist sa army..nakikita ko na wala na itong silbi sa panahon ngayon..may iba silang dahilan kung bakit gusto nila itong ibalik at kahit walang magsabi sa mga mag aaral ay kusa nila itong tututulan, at ang tunay na issue kung bakit ibinabalik ang rotc ay mabubunyag.
@anti-aktibista:
ReplyDeletehahahahaha!!
nakakatawa ka naman.
sinung sinasabi mong mga batugan?
kung mga batugan ang mga minumura mong mga aktibista,bakit pa sila nagpapatuloy sa paglilingkod sa sambayanan!?
KASAYSAYAN NA LANG ANG HAHATOL SAIYONG KAHANGALAN!
EH ANO NGAYON KUNG NAKAKAPASOK ANG MGA DPA SA KILUSAN!
ANU NGAYON KUNG MAY MALAMAN KAU?
ANG PUNTO,HINDI NYU KAILAN MAN MAGAGAPI ANG KILUSAN!
MAGTATAGUMPAY ANG MAMAMAYANG PATULOY NA DUMARANAS NG KAAPIHAN!!
BABAGSAK ANG MGA KATULAD NYUNG NAGPAPANATILI NG GANITONG SISTEMA!!
naiiyak ako..
ReplyDeletehindi ko mapigilang hindi magkomento lalo na sa gantong sitwasyon. walang mabuting maidudulot ang ROTC. patabaing baboy kumbaga. kasuklam suklam ang maging bahagi sa bulok na institusyong ito. nag-aaksaya ang gobyerno sa mga ganitong walang kuwentang programa.
nagbabalat-kayo sa linis at plantsadong uniporme.
sa 'syatong' gupit at liksi ng kilos. de numerong galaw at bawal mag-isip.
ginagamit lang sila ng AMERIKA.
marami na silang sinirang buhay.
marami na silang tinanggalan ng karapatan.
bawal mangatwiran.
bawal magtanong.
puro oo kahit hindi.
puro sunod kahit mali.
hindi DISIPLINA ang itinuturo ng ROTC sa mga estudyante. kundi ang maging isang MABANGIS na hayop na handang MANAKMAL anumang oras. inilalayo ng ROTC ang mga estudyante sa totoong paraan ng pakikisalamuha sa kapwa at maging arogante sa paningin ng marami. namemera lang sila sa mga estudyante.
ANG TUNAY NA BATUGAN AY ANG MGA OPISYAL ng ROTC.
sa mga underclass nila LAHAT PINAPAGAWA ang mga BAGAY na dapat SILA ang GUMAGAWA. kahit ultimo pagmamasahe sa mga lalaki, BABAE pa ang pinapagawa nila. wala silang galang sa mga kababaihan! masahol pa sila sa hayop.
ang tingin nila sa mga sibilyan, mas mababa pa sa hayop. kapag sumali ka sa kanila, hindi ka ituturing na tao. uutus-utusan ka ng kung anu-ano. HeHAZINGIN ka. at sinong tanga ang maniniwala na wala na ang BULOK na tradisyon ng ROTC? sabi nyo pa nga, HINDI MAAARING MAWALA ANG TRADISYON ng ROTC PUP. KAYA NGA TINAWAG NA TRADISYON.
pero hindi tanga ang sambayanang pilipino para sabihing ang reserbang pwersa ng hukbong katihan ang solusyon ang lumalaganap na digmaan sa kanayunan.
sa mga nakakaalala sa paglusong sa nakakasulsok na lagoon, lumalangoy ka pa rin ba doon?
sa mga nkakaalala sa pagdapa para i-ispell ang ranggo mo at iba-iba pang letra sa pamamagitan ng pagpalo sa ibatibang bahagi ng katawan. dahil ikaw ang tunay na nakakaranas..
..sagutin mo nga, MAKATARUNGAN ba ang ROTC na maging MANDATORY?
MARAMING SALAMAT ROGUE SA PAGBAHAGI MO NG IYONG KARANASAN SA ROTC-PUP.
ReplyDeleteKAISA MO ANG MARAMING KABATAAN SA LABAN PARA TUTULAN ITO.
Sa lahat, sana ay maging sapat ng dahilan ang naranasan ni Rogue sa ROTC para masabing tunay nga na masahol ang kasaysayan ng ROTC sa kahit anong unibersidad. sana ay ipakalat pa ito sa iba't iba ninyong account at maging aktibo sa pagsali sa ating online poll and onlie forum:http://akosiliet.blogspot.com/p/forum.html
SALAMAT SA LAHAT!
Gaya ng nabanggit mo (akosiliet) ako rin ay naging biktima ng mga SIN sa aming uniberisdad.(marahil ito ay alam mo na dahil naranasan mo din ito). nakakalungkot lang isipin na ang programang inilunsad ng gobyerno para magsulong ng nasyonalismo sa mga kabataan ay tinuturuan nitong maging marahas sa mga kaptwa niya kabataan na naglalayon ng pagbabago.
ReplyDeleteHindi ng hindi ko makakalimutan noong kasagsagan ng aming program sa konseho sa PUP ng batikusin ko ang mga administrador ng aming pamantasan at ang commandant ng ROTC dahilan sa mga hindi maganda at mamaktao nitong programa sa mga estudyante ng aming pamantasan. naalala ko pa na naglunsad kami ng programa at ako ay isa sa mga bumatikos na tuluyan ng lusawin o i-abolish ang ROTC Progra. Sari sari ang mga tao na nakikinig na animoy kumukuha ng impormasyon hinggil sa isyu at may mga ilan din na mga taong naniniktik na sa akin. matapos ang ilang linggo ako ay nakatanggap ng sulat na galing sa isang indibidwal na nagasasabing ako daw ay miyembro ng komunista at destructive na estudyante ng unibersidad,ang lahat ng nakasaad sa kanyang liham ay pawang kasinungalingan.nagtaka alng ako kung paano niya nakuha ang eksaktong address ko gayung bukod sa pamantasan at ilang pribadong opisina at tao lamang ang nakakaalam ng aking mga impormasyon. nagkaroon ako ng sapantaha na ito ay marahil pakulo ng mga ilang tao sa uniberidad upang busalan ang aking bibig sa panwagang i-aboloish ang ROTC. ngunit hindi sila nagtagumpay,bagkus kami ay lumaban hanggang sa huli.
Nakakalungkot lang na kapwa estudyante o ilang edukador pa ang susupil sayo gayong tungkulin naman ng isang lider estudyante na isiwalat ang lahat nag kabulukan na nangyayari sa lipunan at may mga ilan na hanggang ngayon ay nanatili pa din buulag dahil sa konspeto ng indibidwalismo.
the anonymous from PUP is ALDRIN, i think you know me (akosiliet)
ReplyDeleteit's really unnecessary. so it should be optional. Ine-entertain lang ng nakaraan at kasalukuyang ROTC ang pang-aabuso (pisikal, mental o pinansyal). Natabunan na ang totoong pakay nito - na sa panahon natin ngayon eh 'di na akma.
ReplyDeleteI'd suggest, kung hihingin man ng gobyerno ang panig ko bilang isang mamamayan at isang estudyante sa kolehiyo, na kung kung nais ng Pilipinas na mapanatili ang military awareness ng mga Pilipino, isama na lamang ito sa academikong kurikulum magmula elementarya hanggang kolehiyo, at gawing opsyonal ang praktikal na aspeto nito.
they want to activate a military draft. all this talk about National Defense Act in the SONA.
ReplyDeleteHindi pa man ako isang aktibista, alam ko na ang sitwaston sa loob ng ROTC. Apat na taon, mula sa pagiging kadete hanggang matungtong ng aking kapatid ang posisyon bilang Corps Commander.
ReplyDeleteMandatory sa isang Pribadong Pamantasan sa Quiapo, Manila ang pag-aROTC. Kwento niya noong unang taon sa ROTC, bilang 4th class cadet dapat nilang sundin ang lahat ng utos ng kanilang senior officers. Boss kung baga! Pinakita niya sa akin ang mala-ubeng pasa sa kanyang likuran, pige at braso ganun rin ang mga sugat sa tuhod, siko at binti. Ito raw ang paraan ng pagdidisiplina sa kanila sa tuwing magkakamali sila.
Wala silang magagawa sa tuwing sasaktan sila,dahil parte daw ito ng pinasok nila para maging matapang at matatag. Kapalit ng pag-aROTC ang pagiging scholar sa buong apat na taon. Kung iisipin malaking tulong ito para sa amin sapagkat malaking kabawasan sa gastusin. Pero masakit para sa amin dahil kapalit ng scholarship ang bugbog na katawan. Minsan naiyak na lang ako noong Makita ko siyang may pasa sa mata. Nanlumo ako dahil sa ROTC niya lang ito naranasan.
Nagtuloy-tuloy siya sa pagtetraining. Taon-taon rin tumataas ang kanyang posisyon hanggang sa maging Corps Commander siya. Dito ko mas lalong nakita ang kabulukan ng ROTC. Ang kuya ko na ngayon ang boss. Sabi niya, ito na raw ang kanyang pagganti sa matinding training na naranasan niya.
Sa ROTC malayang mambabae. Hindi lang isa, dalawa o tatlong babae ang pwede mong gustuhin. Sabi niya nasa iyo ang desisyon para sila makuha. Kadalasan ang mga babaeng nasa ROTC ay kapartner ng mga officers. Sila daw ang tinatawag na sponsors.
Sa ROTC Malaya ang korapsiyon. Tanda ko pa noon sa office nila, para kang nasa bahay. Masarap ang buhay dahil kumpleto sa gamit, maraming pagkain at maraming libangan. May mga DVD player, Laptop, Desktop, DVD Component, Magarang Cellphone at kung ano-ano pang appliances at gadgets. Nakapagtatakang ito ay mga bago. Sabi ng kuya ko, ang mga estudyanteng hindi nakakapasa at ayaw pumasok lingo-lingo sa ROTC ay sapilitan nilang pinagpaproject.
Ilan lang ito sa kwentong narinig ko sa kuya ko. Alam kong marami pang kwento ang nasa likod ng maeskandalong ROTC.
Hindi man ako nakaranas ng mahigpit na training ng ROTC pero naranasan ko naman ang kasamaan ng programa ng ROTC.
ReplyDeleteMahigit sa dalawang taon akong nakaranas ng paniniktik at harassment sa ilang kadete at miyembro ng student intelligence network.
Nandiyan ang pagbabansag sa akin at sa iba ko pang mga kasamahan na prente ng NPA. Ang ROTC rin ang naging dahilan ng pagdami ng mga nagenrol na miyembro ng military sa aming institusyon. Para sa malalimang pagmamatyag sa mga miyembro ng mga progresibong organisasyon.
Para rin silang paparazzi kasi ang gaganda ng mga camera nila at hindi sila magkaugaga sa pagkuha ng magandang anggulo ng mga hitsura namin.
-lian miguel
hindi ganoon karami ang nalalaman ko pero nakaktakot kung ganun nga sa mga naka sulat ang tunay na pangyayari,
ReplyDeletesamantala kung ito namang institusyon ay may tunay na mgandang layunin at nababago lamang nang dahil sa mga taong nakapalibot, marahil kailangan ng paglilinis.
kailangan natin ng tunay na pagbabago.
sa palagay ko lang, hindi ito madadaan sa basta pagtanggal lang kasi darating ang araw, baka palitan lang din ito na ang layunin at gawin ay mas malala. kaylangan ng pagsesensura at kapagdakay pagbabago.
piyo..
@Anti-Aktibista : Yo. Asshole !
ReplyDeleteGo to the countryside.
I'm sure the NPA will be more than happy to deal with ya :)
para kay lex ng cogeo na isang siyentista.
ReplyDeleteang tunay pagiging kritikal at obhetibo ay makakamtan lamang sa pagbatay sa mga konkretong kondisyon. Maaaring humalaw ng teorya mula sa praktika ng ibang mga bansa, gaya ng isyu ng mandatory military service nila. Ngunit sa huli, ang dapat pa ring pagbatayan ay ano ang mga konkretong kondisyon na nasa ating sariling bansa . ang mga konkretong kondisyon na iyon, na inilahad na ng mga naunang nagkomento, ang mga dahilan kung bakit hindi magandang ipatupad ng gobyernong ito ang mandatory ROTC. Kung hindi bulok ang ating kasalukuyang sistema (hindi lang ng ROTC kundi pati gobyerno)ay baka pwede pa.
ahm excuse me po. hindi naman sa lhat ng school ganyan ang turo ng ROTC. bilang student at special cadet ng ROTC ay masasabi kong malaking tulong sa akin ang mga tinuturo nila. maganda nga ang sistema ng ROTC ngayon eh dahil nagbibigay sila ng consideration at masaya't enjoy naman ang ROTC namin. mas hindi ako nagkakaproblema sa sched ko at gawain ko. eto lang masasabi ko, wag muna kayo magconclude ng mga bagay na ni mismo sa sarili nyo ay hindi nyo naman alam na kung totoo yun or hindi dahil hindi nyo naman talaga hawak ang katotohanan at mas walang mabuting nadudulot ang pagiging aktibista nyo dahil hindi nyo lang alam na nakakasira na kayo sa mga estudyanteng walang kamuwang.muwang sa mga pinaggagawa nyo! dahil sa ingay at panggugulo nyo hindi kami makapagconcentrate sa mga bagay na mas importante pa sa pinaggagawa nyo XD
ReplyDeleteabolish nyo na rotc walang tamang dahilan para magkaroon pa ng ganyan
ReplyDeletedisiplina: so tinuturuan pala layo na sumunod sa utos kahit nagpapakasaya yung mga officer nyo
dagdag reserba: bakit naman? may balak ba tayong makipag gera sa ibang bansa tsaka kung sa mga tiga mindanao lang gagamitin eh putek kaya pala tuloy parin patayan doon kasi dito palang tinuturuan na kasukmalin yung mga kapatid natin doon
makabayan: kalokohan ang tunay na makabayan ang di tinuturo oh lalo nang di pinipilit
@Anti-Aktibista..
ReplyDeletenakakaawa ka naman.
nakakaawa ang paraan mo ng pagiisip..
nakakaawa at nakakalungkot isipin na may mga taong katulad mo na napasukan ng maling paniniwala at pananaw sa buhay..
nakakaawa ka..
sana d ka na nag comment at naglabas ng iyong opinyon kahit mayroon kang karapatan..
SPEAK LESS.
PARA LESS MISTAKES.
alamin mo muna ang KATOTOHANAN baho ka sana magsalita..
BAKIT MABABA ANG TUITION SA PUP???
BAKIT 12 PESOS??
DAHIL SA MGA TIBAK YAN..
KUNG TAGA PUP KA..
Nung panahon ng Tuition Fee Increase sa PUP..
Nasan ba ang mga pinupunto mong ROTC??
nasa Opisina nila nagpapalaki ng Tyan!
Sino ang humarap sa laban??
AKTIBISTA dba??
KUPAL KA..
yan ang bagay na katawagan sa mga tulad mo..
Simple lang naman... bakit kailangan ng AFP na ipa compulsary ang ROTC habang ayaw rito ng maraming mga istudyante habang patuloy ang pag laki ng puwersa ng mga NPA kahit na patago daw ang recruitment nito??? Simpleng tanong na baka sila din ang maka sagot... itanggi man kasing pilit hindi palaging maitatatwa ang tama sa mali...
ReplyDeletethe less your brain, the less you are active.. activist are active, non activist are not, therefore those who are not an activist have less brain... :)
ReplyDeleteboboyang si antiaktibista
ReplyDeletemas maganda sigurokung suriin muna nya ang mga pinagsasasabi nya nang hindi napapahiya
nakakatawa lang kaci ang katangahang reaksyon na na wala namang basehan
hays....talagang dapat na tanggalin na ang ROTC sa kolehiyo.isa din ako sa mga nabiktima nyan..sabi nila sa amin maganda daw ang kalakaran ng ROTC sabinila wala daw hasing..tpos ginawa nila samin un..wala kaming magawa kundi gawin nalng ung pinagagwa nila samin...:((
ReplyDeletehindi nnmn po sapilitan ang pagsali ng ROTC eeh.. my kasabihan nga po MATIRA nag matibay... by choice po ito.. hindi ka po pipiltin na kumuha ng ROTC kung ayaw mo.. marami lng talaga want mag ROTC kc malaki din po ang scholarship nito.. kaso wala nmn po ROTC sa mga ibang skuls eeh...
ReplyDeletemga walng kwentang usapin!! bkt d nyu subukan pumasok sa ROTC pra maliwanagan kau !! at kau na rin mismo ang mka pag sasabe kung anu ba tlga ang ROTC!!
ReplyDeletepra sakin lang nmn mganda nmn tlaga ang ROTC !! hnde na nmn masayadong strikto ang mga opesyal ! tulad nalng d2 sa University OF Eastern Philippines [UEP] !! hnde na gumagamit ng dahas pra mka survive sa ROTC !! dignidad nalng ang kailangan at resistinsya ng eung katwan pra mka pasa sa ROTC !
sinu ka bang retarded ka? bakit mo tinatago ang katauhan mo? dahil ba isa ka sa mga aktibista na walang magawa kundi ang dumihan ang istraktura ng eskwelahan at gayun din ang mga bagong pintura sa lansangan.. aah, ikaw siguro yung nag quit sa ROTC dahil hindi mo kinaya ang pagdidisiplina sa loob kaya ka sumali sa aktibista para sirain ang imahe ng institusyon? kawawa ka naman.. tsk tsk tsk.... masarap kaya mag ROTC, enjoy, challenging may mga makikilala kang tutuong kaibigan at may mga direction sa buhay di tulad sa aktibista pitong taon na sa kolehiyo di parin tapos panu imbes na pag aaral ang atupagin andun sa lansangan gumagawa ng walang kwentang bagay.. haay, dapat ang mawala sa bawat eskwelahan eh yung mga aktibista, oras ng klase nag iingay pagdating sa loob ng klase walang maibuga, kawawa ang mga magulang, kumakayod ng mabuti tapos di naman pala nag aaral ang anak
ReplyDeleteSinong nagtatago ng katauhan? hayan at nariyan ang url ko para makontak ako. Ang mga pahayag ko tungkol sa ROTC ay pawang nanggaling sa sarili kong karanasan. alam mo yan Vern, na nagtatago ng katauhan. enjoy? kung bulag ka, oo enjoy pero hindi ako bulag at lalong hindi ako tanga sa mga anomalyang pinaggagawa nila. laganap na korapsyon maldisiplinadong pagtrato sa mga kadete, ito ba ang totoong kaibigan at may direksyon ang buhay? HIndi lang ako ang makakapagpatunay ng Hazing, Korapsyon, at buktot na disiplina na nariyan sa poder mo.
Delete