Popular Posts

Tuesday, August 24, 2010

Major major fans of Venus Raj

Hindi ito tungkol sa politika at wala rin itong maitutulong sa bansa pero minarapat kong i-post sa aking blog dahil ako mismo ay grabeng natawa. Yung title ko sa blogpost na ito ay base sa pahayag  ni Venus Raj kaya daw niya nasabing "major, major" dahil daw ang ibig niyang sabihin dun ay "bongga- bongga". Hahaha. Anyway, medyo mahaba yung video pero yung much awaited scene ay nasa 2:15 yata so pwede nyong i-forward kung gusto nyo. Pero maganda rin na mapanood nyo yung buo.





Political segue: Alam nyo bang umabot na sa 847, 521 ang hits ng video na ito? At na-repost na din ito sa isang sikat  na showbiz blog na perezhilton.com. And eventually naging sikat na sa buong mundo. Naisip ko lang, buti pa yung mga ganitong video post ay naghi-hit samantalang yung video ng laban ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita ay hindi man lang nabibigyan masyado ng pansin. Naging laman na rin ito ng mga balita pero nakakalungkot na yung resulta ng naging oral argument ng HLI at ng mga magsasaka nito last tuesday ay hindi masyadong nabigyan ng media exposure. At hindi lang yan, pati ang isyu sa 43 Health workers atbp na malalaking isyung pambansa ay dedma sa mga media at sa iba.

Maaari kayong magbasa, manood at magkomento sa iba pang post dito na 'di hamak na mas importante kaysa sa blogpost na ito. Ayos ba? :-) 

Muling pagbisita sa Hacienda Luisita
Ang Hacienda Luisita mula noon hanggang ngayon
Para kay Judilyn Oliveros
Hinggil sa Mandatory ROTC
Sex Education vs. Culture

No comments:

Post a Comment

Please do not forget to have your identity. After commenting, you may share this. Thanks! Apir!