Popular Posts

Wednesday, August 25, 2010

Sangandaan - Sister Stella L (1984)

"Bawat pusong nagmamahal...dumarating sa sangandaan..." 
                                "Every heart that beats for love reaches crossroad..."

Ito ay isang excerpt sa pelikula nina Vilma Santos at Jay Ilagan na Sister Stella L. (The Continuing Saga of a Nun's Awakening) sa direksyon ni Mike de Leon at panulat ni Pete Lacaba. Ang pelikulang ito ay inilabas isang taon matapos ang pagkamatay ni Ninoy Aquino. Balak ko ding i-post dito sa susunod ang buong pelikula para sa mga kabataang hindi pa napapanood ang ganito kagandang palabas.  At para na rin sa lahat na nais itong muling mapanood.

Sa totoo lang, ngayong taon ko lang ito napanood nang gumawa ako ng movie review nito para sa aking klase at nagandahan talaga ako sa pagkakagawa ng pelikulang ito at sa mga linya dito. 

At sa lahat ng nais makahingi ng kopya ay maaring  kayong mag-iwan ng mensahe sa link na ito: click here o sa pamamamagitan ng paglalagay ng comment dito.


Hindi ko layuning i-exploite ang pelikula, mas nais kong mapanood pa ito ng maraming tao at mga kabataan sa layuning para sila ay mamulat. Salamat sa taong nagbigay ng video at naglabas ng mga klasikong pelikula tulad nito at pasensya na kung hindi ko matukoy kung sino siya o sila. Maraming Salamat.

4 comments:

  1. We are waiting for the full movie download. Salamat!

    ReplyDelete
  2. Ok. It will be posted soon next week or this weekend. Thanks!

    ReplyDelete
  3. merong isang pelikula noong 70's na gawa ni Lino Broca ang titulo ay SAKADA...palagay ko ay napapanahon, dahil sa isyu ng mga magsasaka sa hacienda luisita...sana mahanap mo ito...

    ReplyDelete

Please do not forget to have your identity. After commenting, you may share this. Thanks! Apir!