Muli namin kayong inaanyayahan na tunghayan ang ikalimang
pag-eeksibit ng Fact Sheet 43. Sa pagkakataong ito, gaganapin ang eksibisyon sa Philipppine General
Hospital (PGH), sa Agosto 23-31, 2010.
Magiging espesyal sana ang exhibit na ito sa PGH dahil inaasahan
naming masisilayan pa ito ni Judilyn Oliveros, isa sa Morong 43 detainee
na nanganak sa PGH noong July 22.
Subalit ang masaklap nito, tinanggihan ng Morong RTC ang motion for
release on recognizance at ikinulong na muli si Judilyn sa Bicutan
kasama ang kanyang bagong silang na sanggol!
Hindi man lamang pinakinggan ng korte ang kanyang petisyon na
maalagaan at mapasuso ang kanyang sanggol sa loob ng 6 na buwan sa labas
ng kulungan.
Ganito ba ang matuwid na daan?
Tunghayan nating muli ang pagtatangka ng mga artistang palayain ang
43 health workers. Palakasin pa natin ang panawagan para sa katarungan
at pagpapalaya sa 43. Maging bahagi ng panawagang ito, dumalo sa Fact
Sheet 43 Exhibit sa Philippine General Hospital.
Free the 43 Now!
Magkakaroon ng misa ng 7am bago ibukas ang exhibit ng 8:30 am sa
Agosto 23.
Ang Fact Sheet Exhibit sa PGH ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan
ng ALL UP Workers’ Union, Free the 43 Alliance at Defend-ST.
Click here for more information.
Click here for more information.
No comments:
Post a Comment
Please do not forget to have your identity. After commenting, you may share this. Thanks! Apir!